Chapter 59

122K 3.4K 432
                                    

Anamarie and Miguel








Walang pagdadalawang isip akong tumayo mula sa aking kinauupuan. I need to talk to Doctor Guevarra.

"Daddy, where are we going?" malambing na tanong ng aking anak. Mabilis siyang yumakap sa aking leeg. Tuwang tuwa ng makitang nagmamadali akong umalis.

"Kay Mommy"

Nanlaki ang kanyang mga mata bago siya napapalakpak sa aking harapan. "Mommy, bangs" sabi niya pa sabay hawak sa bangs niya.

Nagtiim bagang ako, gusto kong mapangiti dahil sa kanya. Nagkaroon ako ng pagasa na lahat ng ito ay kalokohan lang. Na hindi totoong nawala sa akin si Amaryllis. Nandito lang siya, buhay at malayo lang sa akin.

Malalaking hakbang ang aking ginawa. Buhat buhat ko pa din ang aking anak na mukhang tuwang tuwa dahil sa pagaalis namin. "Sir Piero..." salubong sa akin ng aking secretary.

"Pakisabi sa Mommy ko, umalis kami ng anak ko"

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha pero hindi ko na pinansin pa. Tuloy tuloy ang lakad ko patungi sa elevator. Ramdam ko ang mga mata ng ilang emplyedo sa akin. The hell I care. Kahit nung nakapasok na kami sa elevator ay panay pa din ang tingin ng ilan sa mga ito sa amin. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong nakangiti ang ilan.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng tatay na may buhat na anak niya?" seryosong tanong ko sa isang babaeng empleyado. Hindi ko naman sana papansinin pero namaramdam ako ng iritasyon.

Napaawang ang kanyang bibig dahil sa gulat. Nahihiya siyang sumulyap sa kanyang katabi. "Sorry Sir" magalang na sabi niya sa akin pero inirapan ko na lamang.

"Bagay po pala sa inyong maging Daddy. Ang swerte po ni Mrs. Herrer sa inyo" nakangiting sabi pa niya sa akin. Muli akong napairap sa kawalan, unti unting humupa ang kanina ko pang dinaramdam na iritasyon.

Mas swerte ako kay Amaryllis. At mas lalo akong swerte pag tuluyan na siyang nakabalik sa akin. Iyon na ata ang pinakamatagal na sakay ko sa elevator. Naging abala si Prymer na makipagngitian duon sa mga tao sa loob. Tahimik lamang ako, manang mana talaga ang anak ko sa mommy niya.

Delikado kung ako ang magdridrive, lalo na kung kasama ko ang aking anak. Nagpatawag ako ng company service para ipahatid kami sa hospital na pagmamay ari ng kapatid kong si Kenzo. Kagaya ng sabi sa akin ni Mommy, duon na magtratrabao si Doctor Guevarra, he is a great doctor. Walang rason para hindi niya ipursue kung ano naman talaga siya bago pa mangyari ang mga bagay na ito.

Nanatili si Prymer sa aking kandungan habang nasa byahe kami. Hindi ako mapakali, gusto ko ng paliparin ang sasakyan para lang makausap ko na kaagad si Doctor Guevarra. "Daddy...I love you" malambing na sabi sa akin nito.

Napabuntong hininga ako, muli kong naramdaman ang pagkalma dahil sa itsura nito. Damn it, Amaryllis. This little creature is indeed the best gift I ever have. Nginitian ko ito at malambing na hinalikan sa kanyang noo.

She gigles then she hug me again. Ang sweet na bata. Hindi ko kailanman nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Buong akala ko nuon ay mamamatay akong nakikipagpalaban para sa Agrupación.

"Good morning Sir Piero" bati sa akin ni Linda, ang secretary ni Kenzo.

"Ang kapatid ko?"

Kita ko ang kanyang pagkataranta, mabilis siyang pumindot sa kanyang intercom. Mabuti na lamang ang napigilan ko siya. Kita ko ang takot sa kanyang pagmumukha. Mas matanda siya sa amin ni Kenzo, pero desidido ako ngayon.

"Sinong kasama niya sa loob?" matigas na tanong ko.

"Uhm...sir Piero"

"Sino ang kasama sa loob?" matigas na paguulit ko. Gigip na gigil na ako. Tahimik ang aking anak, ramdam ko ang titig niya sa akin. Marahil ay nagtataka sa kung ano ba talaga ang nangyayari.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon