Chapter 9

121K 3.8K 546
                                    

Second Mission




Hindi nakamik si Sachi dahil sa aking mga pinagsasabi. Ta Nanatili lamang siyang nakatingala sa akin, nakatitig. Mapait akong napangiti bago ko muling hinaplos ang kanyang pisngi. "Mas gusto kong ako na lang ang mahirapan kesa tayong dalawa" malumanay na sabi ko pa sa kanya.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Tungkol saan po kuya? Sabihin mo po sa akin para alam ko, gusto po kitang tulungan" paninigurado pa niya sa akin.

Napailing ako. "Hindi na, mas mabuti ng hindi mo alam" paninindigan ko sa kanya.

Kita kong naguguluhan pa din si Sachi. Hindi na din naman siya nagsalita pa. Ayokong malaman niya kung ano yung nararamdaman ko, ayokong maging siya ay maguluhan. I can suffer alone, kasalanan ko naman ito. Mali ang nararamdaman ko, hindi ko dapat minahala ang sarili kong kapatid.

Dahil sa nalaman na nina Mommy at Sachi ang tungkol sa plano kong pagalis at kunwaring pagaaral sa Spain ay kaagad ako nitong kinausap.

Emosyonal siya habang hawak ang aking kamay. "Sigurado ka na ba diyan anak? Ayaw mo bang magaral na lang dito kasama kami?" Bahagyang pangungunsensya pa niya sa akin.

Napatango ako. "I want to do this Mom, gusto ko pong magaral sa spain" sabi ko pa sa kanya. Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Sachi na nasa likod lang ni Mommy.

Ramdam ko ang pagdisgusto ni Mommy sa aking desisyon. Pero sa huli ay hinayaan niya na lamang ako. Nakatulong din ang pagkausap sa kanya ni Daddy.

"When are you planning to leave?" Seryosong tanong ni Dad sa akin ng kaming dalawa na lang ang magusap.

"Next week po siguro dad, ayos naman na ang lahat ng papers ko" sagot ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga ito tsaka niya ako hinawakan sa aking balikat. "Pantay ang tingin ko sa inyong magkakapatid Piero, kaya patawarin mo ako kung minsan nararamdaman mong napagiinitan kita. Ganyang ganyan din kasi ang Mommy mo nung kabataan niya. Matigas ang ulo, sutil...kuhang kuha mo" pangaral pa ni Dad sa akin na sa huli ay natawa na lamang din.

Napangisi ako. "That's okay Dad, naiintindihan ko naman po" paninigurado ko pa sa kanya.

Hinala ako ni Dad para yakapin. "I may not Vocal about it, pero proud na proud ako sa inyong magkakapatid. I really do" paninigurado pa niya sa akin.

Niyakap ko pabalik si Dad. Ilang beses ko nuong sinabi na sana si Tito Axus na lang ang Daddy ko. Pero that was all a lie, because in the end of the day. Ang swerte ko dahil anak ako ni Alec Herrer.

Days passed by, hindi naging madali para sa pamilya ko ang aking pagalis. Malayo na nga si Tadeo sa amin, tapos lalayo din ako. Gusto sana nila akong ihatid papunta sa airport pero tumanggi na ako. Dad thinks that is better para na din kina Mommy at Sachi na emotional ngayon.

"Uuwi naman ako everh holidays" pagpapagaan ko pa ng loob nilang dalawa.

Nanatiling nakayuko si Sachi sa aking harapan. Si Mommy naman ay panay ang yakap at halik sa akin. Tahimik lamang na nakatingin sa amin sina Cairo at Kenzo. They did not attend their class for today para lang sa akin.

After lahat ng bilin ni Mommy sa akin ay ang mga kapatid ko naman ang nilapitan ko. Niyakap ako ng mga ito and they wish me luck. "You better be Good" pagbabanta ni Kenzo sa akin na nginisian ko na lamang.

Pabiro ko silang parehong sinuntok ni Cairo sa braso. "Piero needs to go, baka maiwan siya ng flight niya" anunsyo ni Dad.

Tipid akong napangiti at muling nilapitan ang umiiyak ng si Sachi. Ginulo ko ang buhok niya ng tuluyan akong makalapit sa kanya. Mabilis niya akong tiningala, nakanguso ito at tuloy tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata habang yakap yakap si Rochi.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon