Chapter 46

99.4K 3K 92
                                    

Natatakot ako







Marahang umiling si Piero pagkarinig niya nang sinabi ko. Ang kaninang marahang pagiling ay naging bayolente.

"Hindi yan totoo...hindi ikaw iyon Amaryllis" giit niya, kita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Halos malukot ang mukha ko dahil sa pagiyak.

"Ako iyon Piero, ako iyon" garalgal na sabi ko pa kaya naman muli siyang nabato. Puno ng sakit ang kanyang mga mata, hindi niya pa din niya kayang tanggapin.

"Tangina hindi!" Asik niya at para akong binuhusan ng tubig ng magumpisa siyang suntukin ang kanyang lumang sasakyan. Malalakas na suntok ang ginawa ni Piero duon ng paulit ulit.

"Tama na Piero, tama na" umiiyak na suway ko sa kanya. Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang pagiyak nito. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit para hindi na siya makagawa pa ng kung anong ikakasakit niya.

"Tama na..." umiiyak na pakiusap ko pa sa kanya pero mas lalong lamang siyang umiyak kasabay ng mahigpit niyang pagkakayakap sa akin.

"Paanong nangyaring ikaw? Bakit ikaw Amaryllis?" Umiiyak na tanong niya sa akin, ramdam ko ang pagsisisi at galit sa kanyang boses. Nasaktan nanaman ako ng maisip kong sinisisi nanaman niya ang sarili niya.

"Hindi na importante iyon Piero, ang importante ngayon...napatawad na kita, buhay ako" malumanay na pagpapaintindi ko pa sa kanya.

Rinig na rinig ko ang kanyang mga bawat paghagulgol habang nakayakap sa akin. "Hindi ko alam, hindi ko alam..." paulit ulit na sabi pa niya kaya naman marahan kong hinaplos ang kanyang likod. "Alam ko..." tipid na sambit ko. Alam ko namang wala talaga siyang kaalam alam na ako ang nabangga niya.

Hindi kaagad ito bumitaw sa akin. Hinayaan ko siyang ilabas ang kanyang pagiyak, naghintay ako hanggang sa kumalma siya. "Mahal kita Piero..." buong lambing na sabi ko sa kanya para iparamdam sa kanyang hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi iyon mabawasan.

Sandali siyang humiwalay sa akin, hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi bago niya pinagdikit ang aming mga noo. "Sinaktan nanaman kita, nasaktan nanaman kita" malungkot na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Marahan akong umiling. "Matagal na iyon. Mahal mo naman ako ngayon, iyon ang importante" pagaalo ko sa kanya pero mariin lamang siyang napapikit.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli niya akong hinila para yakapin. Nang kumalma si Piero ay kaagad ko siyang inayang umuwi sa bahay para magamot ang kanyang kamay. May sugat iyon at paniguradong mamamaga.

"Sorry...Sorry baby alam kong hindi sapat" mahinahong sabi niya sa akin. Tipid ko siyang nginitian pero hindi niya iyon ginantihan, nabalot ng kalungkutan ang mukha ni Piero.

Nakaupo kami sa may Sofa habang ginagamot ko ang kanyang sugat sa kamay. Kahit pa nakatuon ang atensyon ko sa aking ginagawa ay ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Piero, masyadong malalim.

"Why do I feel na everytime na hahawakan kita masasaktan ka" may bahid ng puot na sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanya.


Tinanggap ko ang bigat ng tingin ni Piero sa akin, punong puno iyon ng emosyon. "You're too vulnerable at pakiramdam ko ako ang sumisira sayo" medyo pumiyok na sabi pa niya.

Naginit ang gilid ng aking mata ng makita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Mahal na mahal kita Amaryllis, pero palagi naman kitang sinasaktan. Napakagago ko" galit na utas niya, nakita ko ang pagkuyom niya ng kanyang kamao. Kaya naman bago pa niya masaktan ang kanyang sarili ay hinawakan ko na ang kanyang kamay.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon