Chapter 33

103K 3.8K 1K
                                    

Rightful owner





"Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ko kay Piero.

Nanginginig pa ang aking mga kamay ng hawakan ko ang kanyang bugbog na pisngi. Kaagad siyang nagiwas ng tingin. "Iniligtas ko si Tadeo" madiing sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong nagulat.

"Anong nangyari kay Kuya Tadeo?" Pagaalala ko din pero hindi na ako sinagot pa ni Piero. Tinalikuran niya ako at tsaka siya dumiretso papasok sa kanyang kwarto.

Sandali akong nabato sa aking kinatatayuan. Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina ng makabawi. Kinuha ko ang medicine kita ay tsaka dumiretso sa tapat ng pinto ni Piero. Napabuntong hininga ako, napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. Inipon ko ang aking lakas para makahawa ng tatlong katok. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, kaagad kong binuksan ang pintuan.

Napaawang ang bibig ko ng makita kong wala ng suot na pangitaas siya Piero. Madumi ang ilang bahagi ng kanyang katawan. May tama ng bala ang kanyang braso.

Bumaling siya sa akin kaya naman kaagas sumalubong sa akin ang kanyang mabigat at matalim na tingin. Ipinasok kong mabuti ang aking katawan. "Gagamutin kita" paos pang sabi ko dahil sa kaninang pagiyak.

Umirap si Piero. "Hindi na kailangan, kaya kong gamutin ang sarili ko" matabang na sagot niya sa akin pero hindi ako natinag. Hindi ko tinaya ang buhay ko para lamang makatakas kay Rajiv para makabalik sa kanya.

"Gagamutin ko lang, pagkatapos ay aalis ako kaagad" paninigurado ko sa kanya.

Umirap siya at naglakad paupo sa kanyang kama. Hinila ko ang isang upuan at itinapat iyon sa kanya para mas maayos kong magamot ang kanyang mga sugat.

Hindi ko napigilang mapaluha ng makita ko ulit ng malinaw ang mga natamong sugat ni Piero. Napasinghot pa ako dahil sa pagtulo ng sipon. Ramdam ko ang mariing titig niya sa akin.

"Kung makaiyak ka, parang mamamatay na ako" tamad na akusa niya kaya naman mabilis na bumilog ang aking mga mata.

"Wag mong sabihin yan Piero..." suway ko sa kanya na ikinairap niya lamang.

Sinimulan kong gamutin ang kanyang mga sugat sa katawan pati sa kanyang mukha. Nakatulala lamang si Piero sa kung saan. Kitang kita ko ang bigat na nararamdaman mula sa kanyang mata. "May problema ba?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

Bumagsak ang kanyang mga mata sa sahig. "Nahuli na yung pumatay kay Sachi. Si Olivia..." kwento niya sa akin na ikinabato ko. Damang dama ko sa kanyang boses ang sakit.

Hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal. "Anong naging rason niya para patayin si Sachi?" Paos na tanong ko sa kanya.

Dahan dahan niyang inilpat ang tingin sa akin. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Nagkaroon siya ng relasyon kay Miguel, sa bestfriend ni Tadeo" punong puno ng sakit na pagsisiwalat niya kaya naman mabilis na dumapo ang aking kanang palad sa nakabuka kong bibig.

Bayolenteng tumaas baba ang adams apple ni Piero. "Akala ko ako..." pumiyok na saad niya. Nadurog ang puso ko para sa kanya.

"Akala ko all this time, minahal din ako ni Sachi. Kung ganuon, sa mga panahong iyon...saang parte niya ako minahal?" Mapait na tanong niya sa akin na para bang nanghihingi siya ng sagot sa akin.

Pumunggay ang aking mga mata. Mas doble ang nararamdaman kong sakit dahil sa aking nakikita. "Bago siya namatay, sabi niya may sasabihin siya. Buong akala ko, aamin siyang mahal niya din ako" kwento pa niya at muling pumiyok.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon