Chapter 16

111K 3.9K 1.2K
                                    

Panaginip



Maging ako ay nagulat dahil sa aking sinabi. Nabato ako ng marealize ko kung ano yung lumabas sa aking bibig. Hanggang sa naramdaman ko ang pagalog ng balikat ni Piero dahil sa kanyang pagiyak. Paulit ulit niyang tinatawag ang pangalan nito. Naramdaman ko pa ang mas lalong paghigpit ng hakap niya sa akin.

"Gustong gusto na kita makasama..." umiiyak na sambit pa niya.

Bayolente akong napalunok dahil sa kung anong bagay na nakaharang sa aking lalamunan. Ang bilis ng tibok ng aking dibdib, halos wala na ding salita na gustong lumabas sa aking bibig.

"Piero..." buong lakas na tawag ko sa kanya.

Naramdaman ko ang panlalambot nito kaya naman bago pa siya tuluyang mawalan ng malay dahil sa kalasingan ay kaagad ko na siyang inakay paupo sa may sofa. Nahirapan akong ihiga siya ng maayos duon, matangkad kasi ito at walang wala ang laki niya sa liit ko dagdag pa ang pilay sa aking kanang braso.

Nagsasalita pa din ito ng tuluyan ko na siyang maihiga sa sofa. Puro Sachi lang ang naiintindihan ko sa mga sinasabi niya. Umalis ako sandali para kumuha ng palanggana at tsaka bimpo. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan ang mapayapang pagtulog ni Piero. Kita ko pa ang mga bakas ng luha sa kanyang mga mata pababa sa pisngi.

Marahan kong pinunasan iyon gamit ang aking hinlalaki. "Sana dumating yung araw na maging masaya ka din" malungkot na sabi ko sa natutulognna si Piero.

Grabe yung nakita kong pagmamahal ni Piero para kay Sachi. Kahit pa naguguluhan pa din ako kung magkapatid nga ba talaga sila o ano dahil na din sa nakita kong family picture nila. Hindi ko iniwa si Piero buong nagdamag, duon na din ako natulog sa may sala. Nakaupo sa ilalim ng upuan na hinihigaan niya. Dahil sa pagod ng nangyari sa buong araw ay mabilis din akong dinalaw ng antok.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Kaagad akong napalingon sa kinahihigaan ni Piero, tulog pa din ito. Maingat akong tumayo para hindi siya magising, sandali akong nagayos ng sarili bago ako dumiretso sa may kusina para ipaghanda ito ng almusal.

Nagluto ako ng noodles, kagaya ng ginagawa naming noodles sa noodles house. Hindi man katulad na katulad ng lasa duon ay ginamit ko na lang ang mga sangkap na meron sa kusina. Habang hinihintay na maluto iyon ay nakita ko ang malaking jar ng peanut butter. Nilingon ko si Piero, mahimbing pa din ang tulog nito kaya naman kaagad akong kumuha ng kutsara at pumapak nuon.

Sarap na sarap ako sa pagkain kaya naman nagulat na lamang ako ng makita kong nakatayo na ito sa aking harapan. Hindi ko na nabantayan ang paggising niya dahil sa pagkain ko. Tamad niya akong tiningnan, nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa jar ng peanut butter na hawak ko. Dahan dahan ko iyong ibinaba sa may kitchen counter.

"Sorry..." paghingi ko ng tawad sa hindi ko malamang bagay.

Nagtaas siya ng kilay. "Sorry saan?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

Napanguso ako at tsaka kaagad na napaisip. Narinig ko ang pag tsk ni Piero sabay marahas na napakamot sa kanyang batok. "Magiisip pa amputa, sa dami ng kasalanan mo..." panunumbat pa niya kaya naman napayuko ako.

"Tutulungan na lang kitang mabawi yung mga kinuha sayo" pagprepresinta ko kaya naman napangisi siya.

"Anong alam mo sa trabaho ko? Marunong ka bang bumaril, marunong ka bang pumatay?" Sunod sunod na mapanghamong tanong niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Syempre hindi, masama kaya iyon!" Giit ko pa sa kanya kaya naman tumalim nanaman ang tingin niya sa akin.

"Serves you right, masama ako. Naiintindihan mo?" Madiing pagpapaintindi niya sa akin.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon