Chapter 24

96.3K 3.1K 554
                                    

Anamarie and Amaryllis







"Piero..." nagaalalang pag gising ko dito.

Nakakunot ang kanyang noo, kita ko din ang butil ng mga pawis sa kanyang noo. Umiiyak ito, parang binabangungot. Muli ko siyang inalog ako at at tsaka marahang tinampal sa kanyang pisngi para patuloy siyang gisingin.

"Piero" naiiyak ng tawag ko dahil sa pagaalala.

Hindi nagtagal ay kaagad din itong nagising. Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga, habol habol ang kanyang paghinga ay nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Marahan kong hinagod ang kanyang likuran para tulungan siyang kumalma. Bumigat ang dibdib ko ng makita ko ang mariin nitong pagpikit, bago niya ako mabilis na hinila at tsaka niyakap ng mahigpit.

"Wag mo akong iwanan Sachi, wag mo akong iwanan" umiiyak na pakiusap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa kanyang yakap ang pagsusumamo. Ang higpit ng kanyang yakap ay nagpapakita kung gaano siya katakot sa ideya na iiwanan ko siya.

Marahan kong hinagod hagod ang kanyang likuran paakyat sa likod ng kanyang ulo. Dahan dahan kong sinuklay ang kanyang buhok habang nanatiling nakayakap pa din ito sa akin. "Pangako, hindi kita iiwan" paninigurado ko sa kanya.

Nakatulog si Piero habang nakayakap sa akin ng gabing iyon. Para siyang isang batang takot na iwanan magisa. Patuloy ang marahan kong pagsuklay sa kanyang buhok habang nakatitig ako sa kisame. Mas lalong magiging mahirap para sa akin ang pagamin, parang mawawasak ang dibdib ko habang iniisip ang araw na malalaman na niya ang totoo. Hindi ko kakayanin, hindi ko kakayanin na makitang masaktan si Piero.

Nagising ako kinaumagahan na wala na si Piero sa aking tabi. Napakisot ako sa aking mga mata, hanggang sa marinig ko ang pagsara at pagbukas ng pintuan.

"Breakfast in bed" nakangiting anunsyo ni Piero sa akin habang hawak hawak ang isang tray.

Napanguso ako at napangisi. "Paano si Lance, kawawa naman magisa siyang kakain" puna ko sa kanya pero napasimangot lamang ito.

Nakabusangot ang kanyang mukha habang papalapit sa kama. Para nanaman siyang batang inagawan ng Candy. Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. Ang hirap bitawan ni Piero.

"Edi magbreakfast in bed siya magisa" nakangusong sabi niya kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi para pigilan ang aking pag ngiti.

Imbes na sumagot ay gumapang na lamang ako papalapit sa kanya. Diretso ang tingin niya sa akin habang ginagawa ko iyon. Pagkalapit na pagkalapit ko ay kaagad na umangkla ang mga braso ko sa kanyang leeg. Bayolente akong napalunok habang nakatitig sa kanya, halos isang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha. Hindi naman siya nagpatalo at nakipagtitigan din.

"Mahal kita Piero..." buong lambing na sabi ko.

Nakita ko ang pagkabigla niya, alam kong nagulat siya sa aking sinabi. Pero hindi ko na iyon binawi pa. Bagkus ay kaagad akong pumikit at tsaka siya marahang hinalikan sa labi. Dahan dahan, maliliit at paputol putol na halik. Habang ginagawa ko iyon ay ramdam na ramdam ko pa din ang tingin ni Piero sa akin, ni hindi man lang nito nagawang pumikit.

Naginit ang magkabilang pisngi ko at kaagad na nagiwas ng tingin kahit pa nakaangkla pa din ang magkabilang braso ko sa kanyang batok.

"Sorry..." mahinang sabi ko.

Titig na titig pa din siya, kaya naman naiilang na ako. Luluwagan ko na sana ang pagkakakapit ko sa kanya ng kaagad niyang hinigit ang bewang ko. "Halik ba yon?" Masungit na tanong niya sa akin.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon