Chapter 45

101K 3.6K 559
                                    

Buhay siya






Marahan akong hinila ni Piero patungo sa kanilang pahingahan. Kaagad kong nakita ang pagaalala sa mga mukha ng ilang tao duon. "Ayos ka na ba hija?" Nagaalalang tanong ni Tito Darren sa akin. Kaagad akong napayuko, nahihiya ako dahil dayo lang naman kami dito. Kung meron mang taga dito talaga ay si Vers iyon tapos nagkagulo pa kaming dalawa.

"Ayos lang po ako Tito" marahang sagot ko sa kanya kaya naman napatango na lamang siya.

"Pasencya na kayo sa batang iyon. Mabait naman ang kaso kung anong gustuhin masyadong pinipilit" sabi pa ni Tito Darren sa amin kaya naman nanatili akong nakayuko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Piero sa aming magkasiklop na mga kamay. "Kung ganuon ibahin niya ako. Hindi niya ako maagaw sa asawa ko. Maghanap siya ng nobyo kung gusto niya, hindi na ako pwede" matigas na sabi ni Piero. Ramdam ko pa din ang galit niya ngunit mas pinili niyang kumalma dahil sa aking pagiyak.

Tahimik kaming sa karaniwan naming pwesto tuwing tanghalian. Sinubukan kong kumain ng mabuti para hindi na siya magalala pa, ngunit maging ang pagnguya ay halos hindi ko na magawa ng maayos.

"Kain ng kain Amaryllis. Kaya ka patpatin eh" seryosong suway ni Piero sa akin kaya naman mas lalong bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain.

Muli kong sinubukang kumain, ni hindi ko magawang itaas ang tingin ko kay Piero dahil nakakaramdam talaga ako ng hiya sa tuwing maaalala ko ang aking ginagawa. Hindi ko naman pinagsisihang pinaglaban ko si Piero kay Vera, ang sa akin lang ay hindi na sana dapat kami umabot pa sa pisikalan.

Napasulyap ako kay Piero ng maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa akong pisngi. "Wag mo ng isipin iyon" malambing na suway niya muli sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian at tinanguan.

Pagkatapos kumain ay nagstay muna ako duon. Magaalas dos ng hapon ng umuwi ako para sa pagtitinda namin ng mirienda ni Aling Afrit. Muling naging mabili ang kanyang mga paninda kaya naman tuwang tuwa siya. "Lucky charm ka talaga Amaryllis" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman tipid akong napangiti sa kanya.

"Masarap lang po talaga ang mga luto niyo tita Afrit kaya mabilis maubos" puri ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo.

Sandali kaming kinain ng katahimikan habang pabalik kami sa looban mula sa may kanto. Kitang kita ang ganda ng langit dahil sa malawak na kapatagan. Mula ss malayo ay kita namin ang paglalaro ng mga bata, at ang pagpapalipad nila ng mga saranggola.

"Alam mo, naalala ko sa inyo sina Elaine at Axus. Masaya ako para sa inyo ni Piero. Naipaglaban niyo yung pagmamahal niyo" sabi ni Aling Afrit kaya naman kaagad kong nailipat ang tingin ko sa kanya.

Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung gaano kalungkot ang kanyang mukha. Nakangiti siya sa akin pero alam ko kung ano yung tunay niyang nararamdaman. "Aling Afrit..." malumanay na tawag ko sa kanya at marahan ko pa siyang hinawakan sa braso.

Ang kaninang tipid niyang ngiti ay naging mapait. "Sana lahat sa kasal ang punta...yung iba kasi hindi na" mapait na sabi pa din niya sa akin kaya naman bumigat ang dibdib ko para sa kanya. Sinasabi ko na nga ba, mahal pa din niya si Tito Darren.

"May mabuti po kayong puso aling Afrit, sigurado akong may lalaking darating sa buhay niyo na para sa inyo talaga" pagpapagaan ko ng loob niya kahit ang totoo ay hindi ko din alam kung paano ang gagawin ko kung sa amin ni Piero iyon nangyari.

Marahan siyang napailing at napatawa ng kaagad na tumulo ang kanyang mga luha. "Hindi ko na alam kung kaya ko pang magmahal ng iba bukod kay Darren, bata pa lang kami ay siya na talaga ang gusto ko. Siya lang ang lalaking minahal ko" kwento pa niya sa akin kaya naman hindi ko din napigilang hindi maging emosyonal.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon