Chapter 29

92.3K 3.4K 781
                                    

Makipagpalit kay Sachi




Pabalyang binitawan ni Piero ang aking baba. Muling tumulo ang aking masasagang luha. Naramdaman kong muli ang pagguhit ng sakit sa aking dibdib kaya naman muli akong napahawak duon. Hindi nagbago ang tingin ni Piero, nanatali ang nakakapaso at matalim na tingin niya sa akin.

"I hate you" madiing sabi niya na parang isang patalim na isa isang tumusok sa aking dibdib.

Hindi ako nakapagsalita, tahimik na dinama ang kakaibang klase ng sakit na maging ako ay hindi ko maintindihan kung ano. Kita ako ang panginginig ng kanyang kamao. Bumaba na lamang ang tingin ko sa lupa. Pagod na ako.

"Hindi papasok ang babaeng ito sa pamamahay ko" galit na sabi niya kaya naman kaagad akong napataas ng tingin at nakitang si Lance ang sinasabihan niya.

Nanlulumo ang mga mata ni Lance habang nakatingin sa akin. "Pero Piero..." pagpigil sana niya dito pero sinamaan lamang siya ng tingin ni Piero. Walang nagawa si Lance kundi ang sumunod dito papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko napigilang hindi mapahagulgol pagkatapos nuon. Kaagad na isinubsob ang aking mukha sa aking tuhod. Napuno ng aking paghagulgol at hikbi ang labas ng bahay.

"Sorry...hindi ko sinasadya" umiiyak na sabi ko. Paulit ulit kahit pa hind iyon marinig ni Piero dahil nasa loob siya ng bahay.

Nang makabawi ay isa isa kong pinulot ang mga gamit kong nagkalat sa lupa. Napaiktad ako ng kaagad akong makarinig ng malakas na pagkulog na sinundan ng kidlat. Napatingala ako sa langit at nakitang ano mang minuto at babagsak na ang malakas na ulan. Mas binilisan ko ang pagpulot sa aking mga damit at pinilit iyong ipinasok sa backpack ko.

Gustuhin ko mang umalis na muna duon ay hindi ko nagawa. Siguradong hindi pa ako nakakalayo ay aabutan na ako ng ulan sa daan. Kaagad akong nagtungo sa may garahe at duon sumilong. Napasandal ako sa isang sulok habang yakap yakap ang aking backpack. Napabuntong hininga na lamang ako at pagod na umupo sa lupa.

Napuno ng dugo ang aking kanang kamay, nang makita ko iyon ay duon ko lamang din naramdaman ang sakit. Humugot ako ng isang damit at ipinulupot ng mahigpit iyon sa aking kamay para patigil ang pagdurugo. Ilang sandali lamang ay bumuhos ang malakas na ulan. Kahit pa nakasilong ay hindi naiwasang hindi ako mabasa, imbes na humanap ng ibang sisilungan ay hinayaan ko na lamang. Wala sa sarili akong nakatitig sa pagpatak nuon sa lupa.

Muling naginit ang gilid ng aking mga mata, hindi napapagod sa pagiyak. Napayakap na lamang ako sa aking sarili ng maramdaman ang lamig ng hanging kasama ng malakas na ulan.

Lumalim na ang gabi kasabay ng pagtila ng ulan. Nanatili akong nakaupo duon, sandaling sinuklay ang bangs ko dahil sa pagdikit nuon sa aking noo dahil sa pagkabasa. Hindi ko gustong umalis. Ayokong iwanan si Piero. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Dahan dahan akong napatayo para tingnan kung sino ang lumabas.

"Pumasok ka na sa loob" nagaalalang sabi ni Lance sa akin na mabilis ding kinuha ang backpack ko para buhatin niya.

"Pero paano si Piero?" Natatakot na tanong ko sa kanya.

"Tulog na, lasing na lasing" anya at kaagad akong inalalayan papasok sa bahay. Idineretso niya ako sa may sala, wala na ang kaninang mga kalat duon mukhang nalinis na ni Lance ang lahat.

"Ikukuha kita ng Kape, magpalit ka muna ng damit" utos niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako. Mula sa aking backpack ay kumuha ako ng tshirt. Dumiretso ako sa common cr, napatigil ng madaan ako sa pintuan ng kwarto ni Piero. Muling bumigat ang aking dibdib, pero pinigilan ko na lamang ang aking mga luha ay mabilis na pumasok sa banyo para makapaghilamos at makapagpalit ng damit.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon