Sinong asawa?
Magaan ang aking dibdib paggising ko nang sumunod na umaga. Wala na si Piero sa aking tabi, suot ko ang kanyang tshirt at maayos ang pagkakalagay ng kumot sa aking katawan. Mabilis akong bumangon para lumabas ng makarinig ako ng pagsisibak ng kahoy mula duon.
Maingat akong bumaba sa may tatlong baitang na hagdan na gawa sa kawayan. Napayakap ako sa aking sarili ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Madilim din ang kalangitan dahil sa nagbabadyang pagulan. Naglapat ang aking mga labi ng makita ko si Piero. Pawis na pawis ito habang nagsisibak ng kahoy. Wala din siyang suot na pangtaas na damit kaya naman kitang kita ko kung paano tumulo ang mga butil ng pawis sa kanyang mabatong katawan.
Napatigil siya sa pagsisibak ng mapansin niya ako. Ngumiti siya sa akin bago niya ibinaba ang hawak na pangtaga ng kahoy. Mula sa alambreng sampayan ay kinuha niya ang isang puting sando at iyon ang pinangpunas niya ng kanyang pawis.
"Ang ganda talaga ng asawa ko" nakangiting sabi niya matapos niya akong hapitin sa aking bewang tsaka niya ako hinalikan sa ulo.
"Pasencya ka na, ngayon lang ako nagising. Ano gusto mong kainin?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito bago bumaba ang labi niya sa aking tenga.
"Ikaw" paos na sambit niya kaya naman halos itulak ko siya palayo sa akin dahil sa kiliting naramdaman ko.
Napatawa siya ng tumingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pagmumukha. "Medyo masakit pa..." nakayukong sabi ko. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil dito.
Nagtaas baba ang kamay ni Piero ss aking bewang. Ramdam ko ang pagamoy niya sa aking buhok. "Wag na kasing magseselos, palagi mo akong ginagalit. Gustong gusto mo atang pinaparusahan ka eh" mapangasar na sita niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang aking nguso.
"Eh kasi, pakiramdam ko may gusto sayo si Vera" mahinang sumbong ko sa kanya.
"Wala akong pakailam sa kanya. Sayo lang ako, nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong pangaral niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan. "Akin ka lang din..." pahabol na bulong pa niya bago niya ako hinila papasok sa kubo.
Nagulat ako ng makita kong may mga pagkain na duon sa ibabaw ng lamesa. "Ikaw nagluto nito?" Gulat na tanong ko sa kanyang kaagad niyang tinanguan.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Tingnan mo ha, handa na ang almusal mo. Amputa baka naman ipagpalit mo pa ako niyan" pagmamayabang at pangaasar pa niya sa akin kaya naman napangiti ako.
"Wala naman akong nagustuhang iba bukod sayo" nakanyusong sabi ko pa bago ako umupo katabi niya. Kita ko ang pagtitig sa akin ni Piero kaya naman tiningnan ko siya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Kita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon. "Bakit ako Amaryllis? Sa lahat ng pwede mong magustuhan bakit ako?" Seryosong tanong niya sa akin na para bang manghang mangha siya na siya ang gusto ko.
Inabot ko ang kanyang pisngi at ikinulong iyon ng aking kamay. "Kasi masungit ka..." natatawang sabi ko sa kanya kaya naman sinimangutan ako nito.
"Tsaka bugnutin, at palaging mainitin ang ulo" pahabol ko pa na pangangasar sa kanya. Nanatili ang titig ni Piero sa akin.
Dahan dahan kong inabot ang kanya labi para sandaling taniman iyon ng halik. "Minahal kita dahil isa kang mabuting tao Piero...kahit inaway mo ako nuon dahil sa kikiam mo" natatawang naiiyak na sabi ko sa kanya.