La Agrupación
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Seryosong tanong ni Piero. Ramdam na ramdam ko pa din ang bigat ng tingin niya sa akin.
Seryoso ang aming paguusap pero nanatili pa din siya sa aking loob. Para bang sinasanay niya ako sa kanyang laki.
Nagiwas ako ng tingin. "Hindi mo naman na kailangang malaman iyon" mahinang sagot ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. Mariing napapikit si Piero. "Kailangan kong malaman, karapatan kong malaman iyon Amaryllis. Fuck...sinaktan kita" punong puno ng pagsisising turan niya.
Bayolente akong napalunok dahil sa pamumuo ng kung ano dahil sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha. Buong lambing na hinalikan ni Piero ang aking noo pagkatapos ay ang aking labi bago biya dahan dahang inilabas ang kanya sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil duon.
"Magbihis na tayo, baka may makakita pa sayo na ganyan" matigas na utas ni Piero kaya naman kaagad akong tumango. Nauna siyang bumangon, malaya niyany pinulot sa sahig ang mga nagkalat naming basang damit. Ginawa niya iyon kahit pa kitang kita ko ang hubad niyang katawan, wala siyang pakialam.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli kong nasilayan kung gaano kalaki si Piero. Hindi ko inakalang kinaya ko iyon. Napamura siya ng malutong nang isuot niya muli ang basang damit.
Napangiwi ako ng subukan kong tumayo. Sobrang sakit ng aking pagkababae. Mabilis kong pinagdikit ang aking mga binti para pawiin ang hapdi na nararamdaman ko duon. "I hurt you again" galit na utas ni Piero at paninisi sa kanyang sarili.
Inilingan ko siya. "Ayos lang ako" paninigurado ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. Hinayaan niya akong maupo sa may dulo ng pagpag habang siya ang nagbibihis sa akin.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Mas lalong nagdilim ang paligid dahil dito. Tahimik akong nakaupo sa may papag samantalang si Piero ay kanina pa malalim ang iniisip. Nakadungaw ito sa may bintana at tahimik na pinapanuod ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Tumayo ako para makalapit sa kanya. Muli akong napangiwi habang dahan dahang naglalakad. Napansin ni Piero ang paglapit ko kaya naman kaagad niya akong hinawakan sa kamay para tulungang nakalapit sa kanya. Ipinwesto niya ako sa kanyang harapan. At mula sa aking likuran ay niyakap niya ako. Dahil sa yakap ni Piero ay napawi kahit papaano ang lamig.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Kung hindi mo una iyon, hanggang ngayon nasa papag pa din tayo" pangaasar niya kaya naman muling uminit ang aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang paghinga ni Piero malapit sa aking tenga, nakakakiliti.
Mas lalong napahigpit ang yakap niya sa akin ng mapaubo ako at mapasinghot. Siguradong lalagnatin nanaman ako nito dahil sa pagkabasa ng ulan. Napamura si Piero dahil duon.
Sandali naming ninamnam ang sandaling iyon. Sobrang gaan ng dibdib ko ngayong kasama ko si Piero. Lalo na at malapit siya sa akin. Wala akong pagsisisihan sa pagbigay ko kay Piero sa aking sarili. Siya lang din naman ang gusto kong umangkin sa akin, bata pa lang ako.
Muli niyang hinalikan ang aking tenga, nakaramdam muli ako ng kiliti dahil duon. "So you watch my swimming competition" malambing na tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Wala kasing manunuod sayo, kaya sabi ko kay Sachi ako na lang" kwento ko sa kanya.
"Uhmmm" sambit ni Piero bago siya tumango tango.
"Tapos dinadalhan mo din ako ng pagkain sa condo ko" puna pa niya na nahihiya ko ding tinanguan.
Napangisi si Piero. "Ang sweet ng baby ko..." malambing na sabi niya na ikinagulat ko.