The end
I never been into a relationship. Nagkaroon ako ng mga crushes nung nagdalaga ako. Minsan naisip kong, sasagutin ko kaagad kung sino ang manligaw sa akin. Those are the sad days, na sana mayroon din akong kasama, na may nagaalaga sa akin. Kagaya ng mga nakikita ko sa ibang tao. They we're happy with their partners. Paano kaya maging girlfriend? Ano kayang pakiramdam na may boyfriend ka? Na may nagaalaga sayo?
"May problema ba anak?" Tanong ni Papa sa akin. Sandali akong napatitig sa kawalan habang gumagawa ako ng assignment.
Napanguso ako bago ako tipid na napangiti kay Papa. "Iniisip ko po kung paano umuwi yung kaklase kong may dalang madaming bulaklak" sagot ko sa kanya kaya naman napatawa siya.
Today is Febuary 14. May kung ano anong ganap kanina sa school dahil valentines day. Panay ang hiyawan ng mga kaklase ko sa tuwing may lalaking pumapasok sa room namin na may dalang bulaklak o kaya naman ay tsokolate. Halos mabali ang leeg ng lahat para makita kung sino ang pagbibigyan. Napaawang ang bibig ko ng makita kong yung muse namin sa room nanaman ang pinagbigyan. Ang dami na niyang tsokolate at flowers.
"Siya nanaman..." rinig kong reklamo ng ilan sa mga kaklase ko. Napanguso ako, may iba talagang ligawin.
"Ikaw may natanggap ka ba? Bawal ka pang magpaligaw ha!" Pangaasar sa akin ni Papa. Uminit ang magkabilang pisngi ko kahit wala namang nanliligaw o nagpaparamdam sa akin.
Marahas akong umiling. Hindi sa pagiging defensive pero wala naman talaga! "Wala naman pong may gusto sa akin Papa. Kahit isa walang may crush sa akin" medyo makungkot na kwento ko sa kanya kahit ang totoo ay wala naman iyong kaso sa akin.
Lunapit si Papa sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Tipid ko siyang nginitian. "Alam mo anak, kaya matagal dumating yung tao para sayo kasi, espesyal siya" pagaalo niya sa akin. Napangiti ako at napatango tango.
"May taong itinakda para sayo, wag kang magmadali. Yung taong iyon, kung nasaan man siya ngayon...dadalhin siya ng tadahan sayo. Hindi mo kailangang makipagagawan sa atensyon niya, hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kanya. Kasi para siya sayo..." paliwanag ni Papa sa akin.
Mahigpit kong niyakap si Papa. Tama siya, may taong nakalaan para talaga sa akin. At maghihintay ako sa tamang oras na itinakda para sa aming dalawa.
"May bago siyang girlfriend?" Medyo malungkot na tanong ko kay Sachi. Araw ng sabado ng dumalaw siya sa amin. Napatango tango siya habang busy sa pagtitig sa kanyang bagong manicure na kamay.
"Oh, eh bakit parang ang lungkot mo? Sanay na kami diyan, ganyan talaga si Kuya Piero" sita niya sa akin.
Habang tumatagal, mas lalo akong nawawalan ng pagasa na makilala si Kuya Piero. Gustong gusto ko talaga siya, unang kita ko pa lang sa kanya nuon, para akong nakakita ng prince charming sa katauhan niya. Dahil sa mga narinig mula kay Sachi, mas pinagtuunan ko ng pansin ang paghihintay sa taonh itinakda talaga para sa akin. Sino kaya siya?
"Oh, kanino galing iyan?" Tanong ni Papa sa akin. Valetines day ng sumunod na taon.
Napatingin din ako sa isang pirasong rose na hawak ko. Binigay iyon nung mayaman naming kaklase, lahat naman binigyan niya kaya hindi iyon ganuon kaespesyal.