Chapter 17

106K 3.8K 415
                                    

Nasa Pier si Piero





Napayuko ako kalaunan para iwasan ang mabigat na tingin nu Piero. Sa klase ng kanyang pagkakatitig sa akin ay halos maramdaman mo sa kanyang mga mata ang bigat ng dinala niya sa kanyang dibdib.

"Nagising ako isang umaga sa hospital, matapos kong maaksidente. Hindi ko alam kung sino ako o kung anong pangalan ko" patuloy na kwento ko pa dito.

Inihinto ni Piero ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Dahil sa nadinig ay parang bigla itong nawalan ng lakas na magmaneho. Ni hindi nanatili ang kamay niya sa manibela. "Kailangan kong makausap si Doctor Vicente" matigas na sabi niya.

Napatingala ako para tingnan ito, kitang kita ko sa kanyang mukha ang galit. "Hindi pwede, papatayin mo si Papa pag nagkita kayo" pagpigil ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang paulit ulit niyang sinasabi sa akin. Na papatayin niya ito sa oras na makita niya.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga. Sa aking gawi ay malaya kong nakikita kung gaano kaganda ang hugis ng mukha nito. "Not until he tell me the truth" matigas na sabi pa niya.

Bayolente akong napalunok. Gusto ko pa sanang magprotesta perp kaagad na napabuntong hininga si Piero bago niya muling pinaandar ang makina ng sasakyan. Maging ako ay natahimik din sa gitna ng aming byahe. Gulong gulo na din ang aking isip, hindi naman ako ganito nung nasa Hongkong ako. Duon ay sapat na sa aking malamang ako si Amaryllis Guevarra na anak ni Doctor Vicente Guevarra.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang kulay puting bungalo na bahay. "Baba" tipid na utos niya lamang sa akin at tsaka na naunang bumaba.

Pagkababa na pagkababa ko sa may sasakyan ay nakita ko na ang mabilis na paglabas ni Lance mula sa bahay para pagbuksan kami ng gate.

"Oh galit ka pa din dahil sa nangyari sa sasakyan mo?" Natatawang tanong ni Lance sa kanya habang binubuksan ang gate.

Hindi siya pinansin ni Piero, nanatili ang walang emosyong mukha nito kahit pa nakapasok na siya at tsaka nilagpasan si Lance. Naguguluhang napakamot si Lance sa kanyang batok.

"Anong nangyari duon? Nagaway nanaman kayo?" Nakangising tanong niya sa akin.

Pagod na lamang akong umiling sa kanya at napayuko. Kumpleto sa gamit ang buong bahay pagkapasok ko.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko kay Lance ng paupuin niya ako sa may sala.

"Nirerentahan din ni Piero" sagot niya sa akin

Napaawang ang aking bibig. "Andami naman niyang bahay" puna ko. Mahinang napatawa si Lance.

Hindi ko na nakita ang anino ni Piero sa loob, marahil ay pumasok na kaagad ito sa isa sa mga kawarto.

"Delikado kasi kung sa isang bahay lang magstay si Piero, lalo na sa klase ng trabaho niya. Mas maganda yung madaming matutuluyan katulad ng ganitong sitwasyon" kwento pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Sandali akong natahimik bago ako muling nagtanong kay Lance. "Bakit ganito ang trabaho ni Piero? Hindi ba't mayaman naman sila?" Panguusisa ko dito.

Napanguso si Lance. "Ilang beses na kasing gustong mamatay niyang loko na yan. Kung hindi ko nga lang napipigilan baka wala na yan dito..." paguumpisa niya.

Halos walang salitang gustong lumabas sa aking bibig dahil sa nalaman. Hindi ko akalain na may ganoong side si Piero. Kung titingnan mo kasi ang buhay niya, maginhawa naman ito. May mga kaibigan siya at mukhang mahal naman siya ng pamilya niya. Bakit gusto niyang mamatay?

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon