Leave Amaryllis
Nagulat si Castellana dahil sa aking isiniwalat sa kanya. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, ibig sabihin kailangang patayin ni Piero ang Papa ko para matapos niya ang misyon. Pagnagtagumpay siya may pagkakataon na siyang makaalis sa Agrupación ng buhay.
"Ibig sabihin, kailangang patayin ni Piero ang Papa mo?" Naguguluhang tanong ni Castellana sa akin na kaagad kong timanguan. Napasinghap siya bago niya hinawakan ang aking kamay.
"Hindi magagawa ni Piero iyon" paninigurado niya sa akin kaya naman mas lalo akong naiyak.
"Alam ko. Alam kong hindi magagawa iyon ni Piero dahil mabuti siyang tao" umiiyak na laban ko pa. Naramandaman ko ang paghawak nito sa aking balikat.
Tipid niya akong nginitian. "Hindi gagawin ni Piero iyon dahil alam niyang masasaktan ka. Ganuon ka kamahal ni Piero" malumanay na sabi pa niya. Namanhid ang aking katawan, para akong lumulutang sa ere sa tuwing naiisip kong sobrang swerte ko dahil mahal ako ni Piero.
Pangarap ko lang ito dati. Pangarap ko lang na mapansin niya ako. Pero ngayon nandito na sa harapan ko, nagkatotoo lahat ng dasal ko.
Napatango tango ako kay Castellana. Hindi ko na napigilang hindi maging emosyonal sa kanyang harapan. "Mahal ko din naman si Piero. Kung kaya niyang magbuwis ng buhay para sa akin. Kaya ko din iyon..." malungkot pero desididong sabi ko kay Castellana.
Kita ko ang pagkabigla nito. "Wala namang kailangang magbuwis ng buhay. Kakausapin ko si Aziel, tutulungan namin kayo" paninigurado niya sa akin kaya naman napayakap na lamang ako sa kanya at naiyak.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Pinapalakas niya ang loob ko. Kung gaano kaganda si Castellana ay ganuon din kaganda ang kalooban niya. Bagay na bagay talaga sila ni Kuya Tadeo.
"Magkakababy na din kayo" nakangiting puna ko sa mauumbok na niyang tiyan. Nginitian niya lamang ako bago niya marahang hinimas ang kanyang tiyan.
Natigil kami sa paguusap ng biglang lumapit si Kuya Tadeo sa amin. Sinalubo niya ng halik si Castel sa ulo. "Ako na ang kukuha ng gatas mo, wag ka ng bumaba" malambing na sabi niya dito kaya naman napasimangot si Castellana.
"Ako na ang kukuha, gusto kong bumaba" laban niya dito na ikinagulat ni Kuya Tadeo.
Nagkasagutan pa silang dalawa kaya naman hindi nawala ang ngiti ko habang pinapanuod sila. Sa huli ay silang dalawa na lamang din ang bumaba dahil walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa.
"Amaryllis" tawag ni Piero sa akin. Nakita kong galing ito sa may verenda. Pagkalapit niya sa akin ay kaagad kong naamoy ang alak.
"Uminom ka?" Tanong ko sa kanya.
Tamad niya akong tiningnan bago niya ako hinila papalapit sa kanya para mahalikan ako sa ulo. "Konti lang" malambing na sagot niya sa akin. Napanguso ako kaya naman ginantihan ko ang kanyang yakap. Nasa ganuon kaming posisyon nang makarinig kami nang pagtikhim mula kay Kuya Cairo.
"Go to your fucking room guys" matigas na suway niya. Namumula na ang muka nito dahil sa paginum.
"Ayoko. Inggit ka lang dahil wala kang lovelife" balik na asar ni Piero sa kapatid kaya naman tumalim lalo ang tingin ni Kuya Cairo sa amin.
Para hindi na humaba pa ang pagaasaran nila ay kaagad ko nang hinila si Piero papasok sa kanyang kwarto. Tawa pa ito ng tawa habang inaalala kung paano niya nabwiset ang kapatid.