Chapter 32

100K 3.4K 536
                                    

I can't breathe





Dahil sa pagod at pagiyak ay nakatulog ako sa mga bisig ni Piero ng gabing iyon. Hindi ko na alam ang nga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako kinaumagahan na nasa loob na ako ng kanyang kwarto. Mabilis akong napaupo ng marealize ko kung nasaan nga ako, sa loob ng kwarto ni Piero, nakahiga ako sa taas ng kama niya at suot ko ang kulay puti niyang tshirt.

Kaagad kong iginala ang aking paningin sa buong kwarto, wala ni kahit anong bakas ni Piero. Inayos ko ang aking sarili at tsaka dahan dahang lumabas sa kanyang kwarto. Kinabahan ako, bakit kasi nanduon ako? Baka magalit nanaman siya sa akin.

Naamoy ko ang niluluto sa kitchen pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Bahagya kong inilawit ang ulo ko para silipin kung anong ganap duon. Nakita kong nakatayo si Lance na palagi namang nagluluto tuwing umaga. Dumapo ang tingin ko kay Piero na seryosong nakatingin sa kanyang laptop. Ang talim ng tingin niya sa Laptop kahit wala naman iyong kasalanan sa kanya, napakagat ako sa pangibabang labi ng mapatulala ako sa kanya. Kahit umaga, napakagwapo ni Piero. Kailan kaya siya hindi gwapo?

"Anong sinisilip silip mo diyan?" Nakangising puna sa akin ni Lance kaya naman napaayos ako ng tayo ng makitang nagtapon ng tingin si Piero sa amin. Tamad niya lamang kaming tiningnan at mabilis din ibinalik ang kanyang atensyon sa laptop.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong muli ni Lance sa akin, napakamot na lamang ako sa aking batok.

"Ba...bakit ako nandito?" Tanong ko sabay turo sa pintuan ng kwarto ni Piero. Muling nag ngiting aso si Lance.

"Tanong mo sa kanya" nilingon at tinuro niya si Piero na hind man lang nagabalang tumingin pabalik.

Muli kong narinig ang pagngisi ni Lance dahil sa hindi pagpansin ni Piero sa kanya. Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi. Akala ko pagkatapos ng kagabi ay magiging maayos na kami kahit papaano, pero mukhanh bumalik nanaman sa dati si Piero. Kagabi lang siya mabait sa akin at pagkatapos nuon galit na ulit.

"Teka, tatapusin ko muna ang niluluto ko" nagmamadaling paalam ni Lance sa akin ng maalala ang nakasalang na pagkain. Napatango na lamang ako at tsaka ako tahimik na nagtungo sa sofa.

Napataas ang aking kilay ng makitang may unan at kumot na nakalagay sa may Sofa, may natulog duon. Si Piero?. Napangiti ako ng makita ko ang nakaupong si Rochi sa may single sofa. Wala sa sarili ko siyang kinuha ay marahang hinaplos. "Very good ka Rochi" nakangiting puri ko sa kanya ng maisip kong nanduon siya para samahan si Piero buong gabi ng matulog siya sa sofa.

"Get your hands off my child" matigas na sabi ni Piero.

Nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagdating kaya naman hindi ko kaagad nailapag balil sa sofa si Rochi. Inis niyang kinuha iyon sa aking kamay at siya na mismo ang nagbalik duon.

Hinaplos haplos pa niya ang ulo ng malaking palaka na tila mo'y inaway ko iyon. "Hindi ba sinabi ko sayo, ayokong pinapakialaman mo ang mga gamit ko" masungit na saad niya kaya naman napayuko ako.

"Sorry kasi..." hindi na niya ako pinatapos pa.

"Itapon mo na yang damit na yan, I won't wear that again" masungit na pahabol pa niya tukoy sa suot kong tshirt niya.

Napahaplos ako sa tshirt na iyon, halatang bago pa. Puting puti at mabango, bakit naman niya itatapon, sayang naman.

"Akin na lang, kung itatapon mo" mahinang sabi ko, kinain ang hiya para makausap pa siya pero mapanuya niya lamang akong tiningnan.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon