Chapter 51

89.1K 3.2K 637
                                    

Kalayaan









Mabibigat ang nagawa kong paghakbang habang papalapit kami sa conference room kung nasaan si Rajiv at si Piero. Maging ako ay naguguluhan din kung bakit magkasama sila ngayon sa iisang kwarto sa kabila ng nangyari. Hinarap ako ng secretary ni Rajiv nang binuksan niya ang pintuan ng conference room.

"Ipapaalam ko lang po ang pagdating niyo"

Kabado ko siyang tinanguan. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko kung paano mas lalong lumakas ang kabog nito. Bayolente din akong napalunok sa takot na manikip ang dibdib ko dahil sa nararamdaman. Muli kong nahigit ang aking paghinga ng lumabas ang secretary ni Rajiv, ngiting ngiti niya akong nilapitan.

"Pwede na po kayong pumasok" kahit pa narinig ko ang kanyang sinabi ay para pa din akong nabingi dahil ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng conference room. Mula sa maliit na pagkakabukas ng pintuan ay nakita ko ang dilim sa loob.

"May nagprepresent po kasi sa loob kaya ang projector lang ang bukas, makikita niyo naman po kaagad si Sir Rajiv, o gusto niyo pong ihatid ko kayo?" Magalang na paliwanag at tanong niya sa akin. Napansin niya marahil ang pagtitig ko duon.

Maagap akong umiling at tinanggihan ang kanyang suwestyon nang paghatid pa sa akin sa loob. Napahigpit ang hawak ko sa lunch box na dala dala ko habang dahan dahan akong humakbang papasok duon.

Naaninag ko ang hindi bababa sa limang tao sa loob ng kwarto. Dim ang lights at tanging ang ilaw mula sa projector lamang ang nagsisilbing liwanag. Sa isang mahaba at malapad na lamesa ay nakita ko ang maayos na pagkakaparte ng mga bulto ng tao. Dalawang tao ang nakaupo sa may kanang bahagi at ganuon din sa kaliwa. Kapwa sila lahat nakatingin sa babaeng nagprepresent sa harapan.

Nangkit ang aking mga mata para hanapin kung nasaan si Rajiv. Isa sa mga iyon ay si Piero, para akong atatakahin sa puso habang iniisip kong nasa iisang kwarto na lamang kami. Halos magdadalawang buwan ding hindi ko siya nakita, miss na miss ko na siya. Tahimik akong lumakad sa kaliwang bahagi ng lamesa ng makita ko ang pamilyar na bulto ni Rajiv.

Maingat kong hinila ang swivel chair sa kanyang tabi, napansin mo ang pagikot niya mula sa pagkakatingin sa harapan dahil sa aking pagupo. "Dinalhan kita ng Lunch" nanginginig pang sabi ko sa kanya at hindi sinasadyang napahawak ako sa armrest ng kanyang swivel chair.

Kakaibang kuryente ang naramdaman ko nang magtama ang aming mga kamay. Nagulat ako ng hawiin niya iyon. "Rajiv?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Mula sa dilim na nagtatakip sa kanyang mukha ay naramdaman ko ang kanyang matalim na tingin sa akin.

Hindi pa ako nakakabawi nang maramdaman ko ang paglapit ng secretary ni Rajiv sa aking likuran. "Ma'm nasa kabila po si sir Rajiv anunsyo niya sa akin na parang isang malamig na tubig na bumuhos sa akin.

Napaawang ang bibig ko ng marealize ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Muling kong naramdaman ang bayolenteng pagtatambol ng aking dibdib dahil sa kanyang presencya. "Piero..." pumiyok na tawag ko sa kanya. Mahina lamang iyon, sapat na para marinig niya ang aking pagtawag sa kanya.

"Leave, I don't want you near me" matigas at galit na pagtataboy niya sa akin kaya naman para akong nahigitan ng hininga.

Sa kabila ng pamamanhid ay naramdaman ko ang marahang paghawak sa akin ng secretary ni Rajiv. "Tara na po sa kabila Ma'm" marahan niyang yaya sa akin na para bang maging siya ay nasaktan dahil sa pagtataboy nito sa akin.

Bayolente akong napalunok. Nanginginig ang aking kamay ng abutin ko ang lunch box na inilapag ko sa kanyang harapan. Walang imik akong tumayo at lumipat sa kabilang parte ng lamesa kung nasaan si Rajiv. Pinahiran ko ang nabasa kong pisngi dahil sa pagtulo ng luha.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon