Chapter 60

146K 3.9K 350
                                    

Fishport








Liwanag mula sa sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng pintuan ng aming tinutuluyang apartment. Mariin akong napapikit habang dinadama ko ang pagtama nuon sa aking mukha. Bihira ko lamang ito maabutan, madilim pa madalas kung lumabas kami ng bahay para bumili ng isda sa may fishport. Araw ng linggo kaya naman pahinga namin iyon ni Vicky sa palengke.

Napagdesisyunan kong magsimba ngayon, araw araw naman akong nagdadasal at humihingi ng tulong sa kanya para bumalik na ang aking alala. Pero iba ngayon, ako mismo ang babalik sa kanya. Ako mismo ang lalapit sa kanya.

"Magandang umaga Amary!" Bati sa akin ng ilang mga kapitbahay. Kagaya ko ay maaga ding nagumpisa ang kanilang araw. Masyadong busy ang buhay dito, ni halos hindi na nga ata nakakapagpahinga ang mga tao. Kahit linggo ay mayroon pa din silang pinagkakaabalahan para kumita ng pera.

Puno na ang loob ng simbahan pagkarating ko, hindi naman ako late, sadyang marami lang tao lalo't mas gusto ng mga tao ang pangumagang misa dahil hindi pa ganuon kainit. Napili kong tumayo duon sa gilid ng simbahan, tahimik akong pumikit at nagdasal.

Bukod sa aking pangalan, ano pa kaya ang kailangan kong maalala? Sa tuwing nakatanaw ako sa may dagat, pakiramdam ko may nakatanaw din sa akin sa kabilang dulo nuon, hindi ko alam kung gaano kalayo ang dulo. Ngunit, pakiramdam ko may naghihintay sa akin. Gusto ko siyang makilala.

"Hija..."

Nakuha ng isang matandang babae ang aking atensyon habang palabas ako ng bahay. Nakangiti siya sa akin, hindi ko alam kung sadyang ganuon lamang siya o baka nahipnotismo ako. Nginitian ko din siya pabalik, wala sa sarili akong lumapit sa kanya ay umupo sa kaharap niyang lamesa. Matagal ko na silang nakikita sa tuwing nagsisimba ako, parang kagaya sa quiapo church, mga manghuhula.

"Patingin ako ng palad mo" sabi niya sa akin. Napangiti ako.

"Naku, pasencya na po kayo nay, pangbili na lang nang sampaguita ang pera ko" nahihiyang sabi ko sa kanya. Buong akala ko ay papaalisin na niya ako dahil wala naman akong maibabayad sa kanya.

Marahan niyang kinuha ang palad ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Hindi nagbago ang kanyang reaksyon, nanatili siyang nakatingin sa aking mga palad. Bumaba din ang tingin ko duon.

"Maswerte ka hija. Isang kang regalo para sa isang tao" sabi niya sa akin, napakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.
Ako regalo? Kanino? Para kanino ako kung ganuon?

Halos mamanhid ang katawan ko ng marahan niyang haplusin ang palad ko. "Para talaga kayo sa isa't isa. Kahit gaano kayo kalayo, babalik at babalik pa din kayo sa isa't isa. Sana maalala mo na siya..."

Napaawang ang aking bibig, nagulat ako sa kanyang huling sinabi sa akin. Paano niya nalamang hindi ako nakakaalala? Tumingin siya sa akin. "Sa tingin ko naman, mabilis mo siyang maaalala. Lalo na't mahal na mahal mo ang taong iyon" nakangiting paninigurado niya sa akin. Hindi ako kaagad nakapagreact.

"Si...sino po ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko pa sa kanya. Isang matamis na ngiti lamang ang iginawad niya sa akin.

"Ang taong nakalaan para lang sayo" magulo pa ding sagot niya sa akin.

Binigyan ko pa din si Lola ng kahit na kaunting barya bago ako umalis duon. Sapat na ang natira kong pera para makabili ako ng sampaguita. Tinitipid ko ang perang kinikita ko sa pagbebenta ng isda. Para sa oras na bumalik ang aking alaala, makakabalik ako sa aking pamilya. Kung mayroon man.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon