Chapter 20

120K 3.4K 665
                                    

Nasaan si Amaryllis



Hindi na muna itinuloy ni Kuya Piero ang dapat sanang training para sa akin dahil sa aking naramdamang pagsikip ng dibdib. Kaya naman naupo na lamang ako sa gilid habang pinapanuod silang dalawa ni Lance. Kita ko ang dedikasyon ni Kuya Piero sa pakikipaglaban. There is fire in his eyes everytime na magtatapon siya ng mga suntok at sipa. Everything is on point na para bang sinisigurado niyang tatama iyon sa kalaban at maipapanalo niya iyon.

Naitumba niya si Lance na kaagad naman nitong ikinatawa. "Never talaga kitang natalo" nakangising sabi nito.

Napangisi din si Kuya Piero bago niya inalok ang kanyang kamay para tulungan si Lance na makatayo. "Syempre, ako ang nagturo sayo. Kita ko sa mga galaw mo kung anong ibabato mong atake" nakangising sabi pa ni Kuya Piero dito kaya naman natatawang napailing na lamang si Lance at napataas sa kanyang magkabilang kamay bilang senyales ng pagsuko.

Matapos ang training na iyon ay kaagad akong inutusan ni Kuya Piero na magbihis. Mayroon daw kasi kaming pupuntahan. Ayos na sana iyon ang kaso ay kaagad niyang iniabot sa akin ang isang itim na face mask. Dahil duon at sa aking bangs ay halos mata ko na lamang ang kita.

Hinarap niya ako sa kanya at siya na mismo ang sumuklay sa bangs ko para ayusin ito. "This is fine" sabi niya hindi para sa akin kundi para kumbinsihin ang kanyang sarili.

"Bakit po kailangan pa nito?" Tanong ko sa kanya.

Napairap siya at napaiwas ng tingin. "Mga mga tao tayong pupuntahan, hindi ka nila pwedeng makita" tamad na sagot niya na lamang sa akin.

Simula ng malaman ni Kuya Piero na ako si Sachi ay hindi na ito pumayag na hindi niya ako kasama everytime. Ayaw niyang hindi niya ako nakikita at nababantayan. Hindi ko alam na ganuon pala siya ka possesive sa mga bagay at taong importante sa kanya.

Sandali niya akong iniwan para kausapin si Lance. Kaya naman kaagad akong umupo sa may sofa dahilan para bahagyang tumalbog si Rochi na nakaupo duon. Kaagad ko siyang kinuha at ikinandong sa akin.

"Aalis kami ha, dito ka lang...magpakabait ka dito" pagkausap ko dito kahit pa alam kong laruan lamang siya. Kung ituring din kasi ito ni Kuya Piero ay parang akala mo naiintindihan siya nito.

Nilalaro laro ko pa si Rochi ng kaagad akong hinila ni Kuya Piero. Dahil dito ay maingat kong iniupo si Rochi sa sofa. "Wag ka ng magpaalam diyan, hahabol pa yan eh" nakangising sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lamang din ako.

Sumakay kami sa kanyang kulay itim na civic. Siya na mismo ang nagkabit ng aking seatbelt. "Wag kang magsasalita kahit anong mangyari, tango at iling lang pagkinausap ka nila. Naiintindihan mo?" Pangaral niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Napamura ito at napangisi. "Come on, hindi ako sila" sita niya sa akin.

"Yes Master" mapangasar na sagot ko sa kanya kaya naman nakangising napailing na lamang ito.

Tahimik lamang ako sa buong byahe, tumanaw sa nga gusali at lugar na nadadaanan namin. Hanggang napatingala ako ng pumasok kami sa isang hospital. Namangha ako sa ganda ng receiving area nuon, parang panghotel, pangmayamang hospital.

"Sino nasa hospital?" Nagtatakang tanong ko kay Kuya Piero.

Hindi siya sumagot hanggang sa makababa na kami. Hawak hawak niya ang aking kamay at hinila ako papasok duon. Kaagad na bumati ang guard ng makita siya. Pansin ko din ang mga tingin sa kanya ng mga nurse pagdaan namin sa nurse station.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon