Chapter 22

104K 3.5K 797
                                    

Ang puso ni Sachi




Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Papa. Walang pa ding tigil ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. "Kakayanin ko po ito Papa" matapang na paninigurado ko sa kanya.

Kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata, hanggang sa naluha na din ito. "Gustong gusto na kitang isama sa akin, para magkakasama na tayong tatlo ng kapatid mo. Pero may pumipigil sa akin, hindi ko mawari kung ano" nagpaisip na sabi niya habang pinagmamasdan ang aking mukha.

"Siguro yung mga ngiti mo..." emosyonal na sabi pa niya. "Yung mga ngiti sa labi mo sa tuwing kasama mo siya, ramdam at kita ko na masaya ka sa piling ni Piero anak." Emosyonal na sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang aking mga mata dahil sa panibagong luha na gustong tumulo.

Hindi ko na sinubukan pang magsalita sa takot na pumiyok ako sa oras na may lumabas na salita sa aking bibig. Mula sa aking pagkakayuko ay dahan dahan niyang itinaas ang aking mukha paharap mismo sa kanya. "Marahil ay dahil may parte siya sayo na mas lalong naglalapit sayo kay Piero" konklusyon pa niya kaya naman ng muli ko iyong maalala ay mariin na lamang akong napapikit.

Naramdaman kong hinalikan ni Papa ang aking ulo. "Palagi kitang bibisitahin dito, alam ko at nakasisiguro ako na ligtas ka kay Piero hangga't hindi pa niya alam ang totoo" pagaalala niya pa.

Bayolente akong napalunok. Hindi pa kailanman sumagi sa aking isipan ang mangyayari sa oras na malaman ni Piero ang totoo. Kaagad akong tinubuan ng takot, takot na baka hindi niya tanggapin ang rason kung bakit ko nagawa ito.

Nagpaalam din si Papa pagkatapos nuon. Mahirap talaga ang nagtatago, hindi mo kayang gumalaw sa naaayon sa kagustuhan mo. Sobrang hirap.

Bagsak ang aking balikat habang naglalakad ako pauwi sa amin. May ilang luha ang bigla na lamang kumakawala sa tuwing naaalala ko kung paano ako pakitunguhan ni Piero. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa pagsisinungaling ko. Sana dumating ang oras na matanggap niya din ang mga rason ko. Para din naman ito sa kanya

Ilang hakbang pa ang layo ko mula sa aming bahay ay natanaw ko na ang kulay itim na civic ni Piero. Parang nagmamadali itong bumaba sa kanyang sasakyan dahil hindi man lang biya nagawang iparada iyon sa loob ng garahe. Binilisan ko ang lakad dahil dito.

"What the hell..." matigas na sambit niya ng makita niya akong papasok sa gate.

Hindi na niya nahintay pang makalapit ako sa kanya dahil siya na mismo ang kumain ng distansya sa pagitan naming dalawa. Imbes na salubungin ang mabibigat niyang mga tingin dahil za galit ay napaiwas na lamang ako ng tingin. Ramdam ko ang galit nito sa pamamagitan ng kanyang mga mabibigat na paghinga.

"Saan ka nanggaling?" Madiing tanong niya na naglaon ay naging parang pabulong na lamang.

Unti unting humupa ang galit nito. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong hinala papalapit sa kanya para yakapin. "Palagi mo akong binabaliw Sachi, para akong tatakasan ng bait ng hindi kita naabutan dito sa bahay, ni hindi mo sinasagot ang text at tawag ko" frustrated na paliwanag niya sa akin.

Dinama ko ang yakap nito. Mariin akong napapikit habang dinadama iyon. Maiinit, punong puno ng pagmanahal. "Wag mo naman akong baliwin..." paos na pakiusap pa niya.

Nang hindi ako kaagad sumagot ay kaagad niya akong hinarap sa kanya. Nagulat ito ng makita niyang umiiyak na ako. "Bakit may nangyari ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Napailing ako at napayuko. Pero mabilis niyang inangat ang aking mga tingin. "Bakit? Sabihin mo sa akin..." malambing na tanong pa niya.

Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang lambing ng kanyang boses. Nanlalambot si Piero sa tuwing kaharap niya ako, ilang beses niyang sinasabi na ako ang lakas niya pero at the same time ako din ang kahinaan niya. Mas lalo akong natakot, mas lalo akong natakot na lumabas ang totoo. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi namin kayaning dalawa.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon