Chapter 57

105K 3.7K 491
                                    

Anak








"Piero hijo..." tawag ni Doctor Guevarra sa akin. Nanginginig ang aking kamao, nabahiran ng aking dugo sa kamay ang kulay puting pader ng hospital.

Nilunok ko ang pride ko, kahit halos ata matagal ng nawala iyon sa akin. Humarap ako sa kanyang Ama, kailangan ko siyang pakiusapan.

"Sasama po ako, hindi kailangang malaman ni Amaryllis" desididong saad ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa aking balikat.

"Hindi mo naiintindihan anak..."

Tangina! Paano ko maiintindihan, walang nagpapaintindi sa akin, they keep on pushing me away, kailangan ko ng explanation.

"Ang gusto ng anak ko. Kung ano man ang mangyari sa kanyang sa america...wala kang ibang iisipin kundi malayo lang siya sayo. Gusto niyang isipin mo na lumayo lang siya, ayaw niyang maramdaman mong wala na siya. Naiintindihan mo ba iyon Piero?" Pagpapaliwanag niya sa akin. Marahas akong umiling sa lanya. Never kong maiintindihan ito.

"Kung mamatay man siya. Gusto niyang isipin mo na nabubuhay pa din siya, kahit hindi mo siya nakikita...ayaw ka niyang mamatay. Gusto niyang mabuhay ka" pagpapatuloy niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Bakit kailangang ganito? Bakit ganito?

"Gusto niyong mabuhay ako? Magisa? Mabuhay ako, na wala siya?" Galit na giit ko sa kanya. Kita ko ang simpatya sa mata ni Doctor Guevarra.

"Mas madali iyon para sayo, mas magiging madali iyon para sa anak ko. Let her go..." marahang sabi niya sa akin.

Gustong sumabog ng dibdib ko. What the hell! Kayang kaya kong mamatay para sa kanya, bakit ginagawa niya sa akin ito? Gusto niyang mabuhay ako kahit wala siya? That's bullshit!

Naikuyom ko ang aking kamao, hindi ako papayag! Muli akong umikot para pumasok sa kanyang kwarto. Nagulat pa siya ng buksan ko ang pintuan, mas lalong umakyat ang dugo sa ulo ko ng makita ko kung gaano na siya handang umalis. Aalis na talaga siya.

"Piero...ano pang ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sa akin. Nagtiim bagang ako ng makita kong basa ng luha ang kanyang pisngi, umiiyak siya! Sigurado akong ayaw niya ding gawin ito.

Parang bula, naglaho ang lahat ng galit ko. Unti unting humupa ang init ng aking ulo. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya, kumirot ang puso ko ng makita ko kung paano siya humakbang paatras sa akin.

"Wag mo akong iwan dito, sasama ako sayo" pakiusap ko sa kanya. Kagaya ko, unti unting tumulo ang kayang mga luha. Pilit niya iyong itinago sa akin sa pamamagitan ng marahas na pagiling.

"Ayoko. Hayaan mo na ako!" Laban niya sa akin.

Sinubukan kong hawakan ang kanyang siko. Pilit niya iyong inilayo sa akin. "Wag mo na akong pahirapan, Piero...parang awa mo na" umiiya na pakiusap niya sa akin. Biglang nawalan ng hangin ang aking buong katawan.

Ako? Pinapahirapan ko siya? Paano?

"Parang awa mo na din, sasama ako" madiing sambit, sinadya kong titigan siya sa kanyang mga mata. Ibinalik niya iyon sa akin, hanggang sa nanlaki ang mga iyon dahil sa aking dahan dahang pagluhod.

"Please baby..." malambing napagsusumamo ko sa kanya. Nanatili akong nakaluhod sa kanyang harapan. Narinig ko ang pagprotesta ni Doctor Guevarra sa aming likuran, hindi ko siya pinansin.

Hindi ko na siya halos makita ng maayos dahil sa namuong luha sa aking mga mata. "Please..." pakiusap kong muli.

Napapikit ako ng marahan niyang ikinulong ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mga palad. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon