Last night
Mulat na mulat pa ang aking mga mata kahit pa lumalim na ang gabi. Nanatili akong nakatitig sa malayo habang iniisip ng mabuti ang mga bagay bagay. Parang madudurog ang puso ko sa tuwing sumasagi sa aking isipan na magkakahiwalay kami ni Piero. Para akong tatakasan ng bait, mahal ko si Piero ayoko siyang pakawalan ngunit hindi ko din naman mapapatawad ang sarili ko kung may hindi magandang mangyari sa kanya. Hindi ko din kakayanin.
Madaling araw na din ako ng dinalaw ng antok. Kaya naman pag gising ko kinaumagahan ay wala na si Piero sa aking tabi. Mabilis akong nagayos ng aking sarili at tsaka nagmadaling bumaba. Narinig ko ang tunog ng mga kasangkapan sa may kusina kaya naman kaagad akong nagtungo duon.
"Piero..." tawag ko sa kanya. Bago pa man siya makalingon ay mabilis na akong yumakap sa kanyang likuran. Mahigpit kong niyakap ang kanyang hubad na katawan.
Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa. "Umagang umaga baby, wag mo akong akitin" natatawang suway niya sa akin kaya naman mas lalo ko lamang siyang niyakap ng mahigpit.
"Please, wag mo na ulit gagawin iyon. Sobra akong nagalala sayo" sumbong at pakiusap ko sa kanya.
Gumalaw siya para makaharap sa akin. Bumitaw ako saglit para makaayos siya. Mabilis niya akong hinapit sa kanyang bewang. "Parusa ko iyon sa sarili ko dahil sinaktan kita" medyo paos na sabi niya sa akin.
Tumingala ako sa kanya, ang aking baba ay nakapatong sa kanyang dibdib. Lasing na lasing si Piero kagabi kaya naman matapos niyang lumuhod sa aking harapan ay nawala na siya sa kanyang sarili, ni hindi na nga ata niya naalala ang huling katagang sinabi ko sa kanya.
"Hindi mo naman kailangang parusahan ang sarili mo Piero, hindi ko gustong masaktan ka. Hindi ba't sinabi ko na sayong napatawad na kita" emosyonal na pagpapaintindi ko pa sa kanya.
Mas lalong pumungay ang mga mata ni Piero habang nakatitig siya sa akin. "What did I do right to deserve you Amaryllis? Lahat na lang ata ng nangyari sa buhay ko mali...ano yung nagawa ko at minahal mo ako?" Malumanay na sabi niya sa akin, ramdam na ramdam ko anh iba't ibang emosyon sa kanyang boses.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya naman mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Sa dinami rami ng mga pagkakamali ko, alin duon ang tinanggap mo kaya mo ako minahal?" Paos na paguulit pa niya ng tanong sa akin.
Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal. "Lahat iyon Piero..." pumiyok pang sagot ko sa kanya kaya naman nakita ko ang marahang pagigting ng kanyang panga. "Minahal ko ang lahat ng iyon dahil parte mo iyon...minahal kita ng buo kaya naman wala akong iiwang parte mo, mabuti man o hindi" pagpapatuloy ko pa bago ko marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Mahal na mahal kita..." emosuyonal na sabi ko pa sa kanya bago ko inabot ang kanyang mga labi at tsaka iyong buong lambing na hinalikan.
Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak ni Piero sa aking bewang para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng aming mga mukha. "Mahal din kita Amaryllis...ikaw na buhay ko" buong lambing na sabi pa niya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya hindi pwede, hindi niya dapat ako gawing buhay niya. Gustuhin ko man ay hindi ko maipapangako sa kanya na sabay kaming tatanda. Mahaba pa ang buhay niya, ako hindi na.
Matapos naming kumain ng almusal ay pinupo ko si Piero sa may sofa para magamot ko ang kanyang mga sugat. Kagaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nasa ganuon kaming kalagayan ay titig na titig nanaman siya sa akin. Kahit naiilang ay hinayaan ko na lamang siya.