Chapter 34

110K 3.8K 1.6K
                                    

Matigas ang ulo







Humagpak nang tawa si Lance dahil sa naging reaksyon ni Piero. Napakurap kurap naman ako dahil sa pagkabigla. "Shut your fucking mouth Lance" inis na suway pa niya kaya naman itinaas ni Lance ang magkabilang kamay para sumuko.

Muli siyang kumindat sa akin. "Iniisip ko lang naman, sa payat ni Amaryllis, isang hagis lang ni Rajiv sa kama yan" nakangising dugtong pa niya kaya naman padabog na isinara ni Piero ang laptop niya. Galit niyang tiningnan si Lance.

"Pakyu ka" seryosong asik niya dito at tsaka nagmadaling pumasok sa kwarto, padabog pa nitong isinarado ang pinto kaya naman muling napatawa si Lance.

Napanguso ako. "Baka mamaya magsungit nanaman iyon" nagaalalang sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Palagi namang masungit iyon. Hayaan mo siya, nagseselos lang yon" sabi pa niya na ikinabigla ko. Muling uminit ang aking pisngi.

"Bakit naman magseselos si Piero? Eh hindi naman niya ako gusto" malungkot na sabi ko pa kay Lance para naman tigilan na niya ang pangaasar kay Piero.

Napanguso siya. "Eh baka si Rajiv ang gusto" pangaasar pa niya at muling humagalpak ng tawa.

Sinimangutan ko siya. "Diyan ka na nga lang, papainumin ko na lang si Peanut ng gatas" pagmamaktol na paalam ko sa kanya at tsaka mabilis na umalos duon. Hindi pa din siya natinag, tawa pa din ng tawa dahil sa kalokohan niya.

Napailing na lamang ako ng lumabas ako sa may veranda. Umupo ako sa may pangalawang baitang ng hagdan para painumin ng gatas si Peanut. "Bukas na ang mata mo Peanut!" Magiliw na sabi ko sa kanya kahit naman alam kong walang pakialam yung tuta basta ay makainom lang ng gatas.

Mas lalo ko siyang pinainom ng gatas, excited na akong lumaki siya. "Bundat na yang tuta..." seryosong puna ng kalalabas lang na si Piero. Nagulat ako at kaagad siyang nilingon.

Nakita kong may hawak siyang sigarilyo, umupo siya sa upaun malapit sa akin habang sinisindihan iyon. "Masama yan" pagpigil ko sa kanya pero nagtaas lang siya ng kilay sa akin at tsaka ipinagpatuloy ang pagsisindi nuon.

"Sabing masama eh" nakangusong bulong ko at kaagad siyang tinalikuran. Muli kong binalingan si Peanut.

"Ibabalik kita kay Rajiv pag nainis mo ulit ako" pananakot niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Naabutan ko pa siyang humihithit ng sigarilyo bago siya tamad na bumaling sa akin.

"Pag ibabalik mo ako kay Rajiv tatakas na lang ulit ako" laban ko sa kanya. "Ayoko sabi kay Rajiv eh" giit ko pa.

Bumigat ang tingin niya sa akin. Gumalaw ang bibig niya at tsaka muling humithit ng sigarilyo. "Hindi ka naman hahanapin nuon kung hindi ka mahal nun eh" paliwanag pa niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakaimik kaagad. Mas lalong humaba ang nguso ko at tsaka tinanggal ang maliit na bote ng gatas sa bunganga ni Peanut dahil baka sa sobrang inis kay Piero ay madiin ko iyon sa kanya. "Kung ayaw mo sa akin, wag mo akong ireto sa iba. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sayo ah, gusto ko lang magstay dito" parang maiiyak na sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo at kaagad iyong inapakan para patayin ang apoy. "May narinig ka ba sa akin na nirereto kita?" Galit na tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Kakasabi mo lang ah..." giit ko kaya naman inirapan niya ako.

"Tinitingnan ko lang kung hanggang saan yang determinasyon mo. Baka mamaya makita mo lang yung Rajiv na yun ma..." hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil halos pabulong na ang mga iyon.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon