Chapter 30

106K 3.9K 996
                                    

Ang unang Sachi







Maingat kong inayos ang pagkakahiga ni Piero. Kinumutan ko din siya bago ko nilinis ang mga kalat sa kanyang kwarto. Mapait na lamang akong napangiti ng muling maisip na parang nung isang araw lang ay malaya akong nakakahiga katabi niya, nayayakap siya at nahahalikan. Pakiramdam ko ngayon kayang kaya akong saktan ng mundo. Hindi kagaya pag kasama ko si Piero, alam kong walang kahit anong pwedeng makasakit sa akin.

Tahimik ako lumabas sa kanyang kwarto, naglinis ng sarili at pagod na humiga sa sofa. Pangdalawahan lang ang laki nuon kaya naman binalultot ko na lamang ang aking mga paa. Pilit kong pinagkasya ang sarili sa maliit na kumot. Muli akong nakipagtitigan sa kisame. Kung aalis ako at sasama kila Papa para magtago at magpakalayo layo, parang dinagdagan ko lang ang kasalanan ko kay Piero.

Dahil sa malalim na pagiisip ay unti unti akong dinalaw ng antok. Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon. Mula sa mahimbing natulog ay mabilis akong napabangon kinaumagahan ng binato ako ni Piero ng mga marurumi niyang damit.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. "Tutulog tulog ka diyan. Ano ka ba dito?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman marahan akong napasuklay sa aking buhok.

Napaubo pa ako ng makaramdam ng pangangati ng aking lalamunan. Hindi ko siya muling tiningnan, tahimik kong pinulot isa isa ang mga nagkalat niyang damit sa sahig. "Maglaba ka nang may silbi ka man lang" pahabol pa niya kaya naman tumango na lamang ako.

Hindi ko naiwasang hindi mapaubo kasunod ng pagsinghot. Mukhang tinamaan ako ng sipon at ubo dahil sa pagkakabasa ko ng ulan nung isang gabi. Tahimik lamang akong pinanuod ni Piero habang ginagawa ko iyon.

"Magaalmusal na!" Sigaw na tawag ni Lance mula sa dinning.

Inaasahan ko ng aalis si Piero para magtungo duon pero nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin. "Ang kapal ng mukha mo para lokohin ako, ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa akin peke ka lang naman" may halong pandidiring puna niya sa akin kaya naman mas lalo akong napayuko dahil sa hiyang nararamdaman.

"Kung hindi ko pa nakita yang peklat mo...muntik pa tayong magsex" nakangising sabi niya. Punong puno ng panunuya ang kanyang mga salita.

Unti unting uminit ang gilid ng aking labi. Kaagad na sumakit ang aking lalamunan dahil sa pilit na pagpigil sa aking luha. Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik dahil inaamin kong may kasalanan naman talaga ako sa kanya, pakiramdam ko ay tama lamang iyon. Sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinakita ni Piero ay nagawa ko siyang lokohin.

Napadaing ako ng muli niyang akong pinatanggal gamit ang mahigpit na pagkakahawak sa aking panga. "Wag mo nga akong iyakan. Ang arte mo, nakakabwiset ka" galit na asik niya sa akin at tsaka ako marahas na binitawan.

Narinig ko ang paglapit ni Lance sa amin kaya naman muli akong yumuko para itago ang aking pagiyak. Marahan kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Kakain na, kanina ko pa kayo tinatawag" galit na sabi nito sa amin.

Nakita ko ang pagalis ni Piero. Ilang segundong nakatayo si Lance sa aking harapan. Nanatili akong nakayuko, hawak hawak ang maduduming damit ni Piero na gusto niyang ipalaba sa akin. "Kain na tayo..." malumanay na yaya niya sa akin.

Kumawala ang mga hikbing itinatago ko, naantig ang puso ko ng marinig ang pagaalala sa boses nito. Mabilis kong pinahiran ang mga luhang patuloy na naglalaglagan at pinilit ngumiti sa harap ni Lance. "Hindi na, kayo na lang. Hindi naman ako gutom" pagtanggi ko, kahit ang totoo miss na miss ko ng kumain kasama sila. Misa na miss ko na yung pagbabangayan nila sa gitna ng aming pagkain.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon