PROLOGUE

1.5K 76 37
                                    

~

"I'm on the way na po," sagot ko kay Richard, ang assignment editor namin. 


Halos manginig na ako nang makita ko ang mga taong nag-iiyakan at nagsisigawan sa tabi mismo ng runway.


Hinanda na ng team namin ang mga gamit para makapaglive na kami at masimulan ko na ang aking report.


"Veronica," sambit sa akin ng camera man na sumenyas sa akin, kaya naman ay inayos ko na ang tindig ko.


"Mga kababayan, kakatanggap ko lang po ng ekslusibong balita na kung saan sumabog ang makina ng eroplanong lumagpas sa runway ng NAIA Terminal 3, sa kadahilanan ng zero visibility dulot ng Bagyong Elmer! May report si Veronica Flores." Pormal na sabi ni Renz Ramos sa live television.


"Sa ngayon Renz nandito ako sa mismong crash site ng Flight Z2425 na nagmula sa Puerto Princesa, Palawan, na kung saan ay maglalanding na sana ang isang aircraft ngunit ito ay lumagpas sa runway at tuluyang bumangga sa isang flight hangar." Report ko sa news anchor.


Inabutan naman ako ng isa sa mga staff ng listahan ng mga pasaherong nasawi, injured, at buhay pa. Ipinabasa naman sa akin ito.


"Mula sa report ng search and rescue team ay may narecover pa silang siyam na pasaherong buhay pa, at sa kasalukuyan ay dala-dala na ito ng mga ambulansya patungo sa Pasay General Hospital." 


Sinimulan ko ng basahin ang mga pangalang nakalagay sa papel.


...


Senior First Officer Noel Fernandez


Bakit.....ganito? 


Bakit nakasulat ang pangalan niya.....dito? 


Hindi 'to puwede mangyari, hindi siya 'to.


Hindi ito si Noel.


"Sa siyam na survivors, ay kabilang na dito ang piloto na si Senior First Officer.....Noel Fernandez, na sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon, ayon sa mga paramedics."


Tinapos ko na ang report ko, at nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Shaira, kasamahan ko sa crew.


"Nica, bakit ka naluluha? Pati kami nahahawa na rin eh." Malungkot na sabi niya sa akin, ngunit lalo lang akong umiyak sa sakit at kaba na nararamdaman ko.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon