"Papa no!" sigaw nang sigaw si Cassandra pero patuloy pa rin ito sa pagbugbog sa mama niya.
"I said, stop it! Don't hurt Mama!" tumakbo siya para pigilan ito. Nahawakan niya ang braso nito na sana'y susuntok ulit sa mama niya.
"Ano ba?" galit na sabi ng papa niya. Itinulak siya nito at napasadsad siya sa ding ding.
"Tama na! Tama na!" umiiyak na sigaw ni Cassandra habang pinapanood ang pagsuntok at pagsipa sa kanyang ina.
"Huwag po!"
"'Wag!" napabaligwas ng bangon si Cassie. Humihingal at puno ng pawis. Muli siyang binubulabog ang masamang panaginip na iyon. Muli niyang nasilip ang pangit na alaala ng nakaraan. Sensations of pain from her past again gave her the unpleasant emotional distress.
Itinukod ni Cassie ang siko sa kanyang tuhod at sinapo ang ulo habang nasa kama. Sa kanyang mga kamay ay ang manipis ng kulay balat na fingerless gloves. Hanggang pagtulog ay may nakakabit pa ring ganoon sa kanya. To cover a memory.
Pinapahirapan na naman siya ng bangungot niya. All of them thought that she was positively recovering from the trauma. Kahit naman siya. Ngunit ngayon ay bumabalik ang lahat na parang kahapon lang nangyari. She felt the familiar mind wracking fear and emotional torture.
Napahagulugol na siya. Ang buong akala niya ay nawala na ang masasamang alaala. Naroon pa rin pala. Nagtatago lamang sa likod ng isip niya.
Hindi na niya namalayan ang pagbukas ng pinto at sumungaw ang kanyang lola.
"Cassandra, apo?" mahinang tawag nito sa kanya. Umiiyak na tiningala niya ito. Marahil nagising ito sa pagsigaw niya.
"Nanaginip ka na naman." sabi nito habang lumalapit sa kanya. Niyakap siya nito. Lalo siyang napahagugol at parang batang isiniksik ang sarili sa dibdib nito.
"Shhh..tahan na." pag-aalo nito at hinahagod ang kanyang likod.
"I'm scared, Granma." Sabi niya sa gitna ng pag-iyak.
"Tahan na. Nandito na ako." Kulang ang salita upang aluin siya ngunit pinipilit nitong pagaanin ang loob niya. Patuloy sa paghikbi si Cassie. Gusto na niyang bumitiw sa nakakapasong nakaraan niya.
Sa bisig ng matanda ay muling hinila ng antok si Cassie. Mabuti na lang at laging naroon ang lolo't lola niya para sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...