Chapter 15.1

376 16 0
                                    

Kaagad na itinawag ni Cassie sa kanilang bahay kung nasaan siya at kung sinong kasama niya. Natural na nagalit ang lolo niya ngunit ipinaliwanag niya na ang kanyang ama mismo ang nagsuhestiyon na pumunta siya doon bilang isang bakasyon. Sinabi pa niyang malaking maitutuloy ng pagtigil sa ranch house upang ma-relax ang isip niya.

"Hindi ka talaga susuko 'no? Anong kasunod? Pasusunurin mo dito ang Papa para sunduin ka?" Iglap siyang napalingon nang marinig ang boses ni Lourd sa kanyang likuran. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.

Kumibot ang gilid ng labi nito saka iniangat ang kamay na may hawak na cellphone.

"Katatapos lang naming mag-usap ng Papa. Alam na niyang narito tayo. Syempre, nagalit s'ya. He said I'm putting you in danger. Wow. Ako pa ngayon ang panganib sa buhay mo, eh, ikaw ang anay na sisira sa pamilya ko." Sabi nito at padabog na inilapag ang cellphone nito sa ibabaw ng billiard table. Nasa lower ground sila at naroon ang playroom.

Cassie sighed out of great frustration. Tinawagan siya ng kanyang ama kanina bago siya tumawag sa bahay nila. Itinanong nito kung nasaan siya at wala siyang makitang dahilan para magsinungaling. Pero lalo lang pala nadagdag ang galit ni Lourd sa kanya.

"Please, tama na. I hate fights. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong ginagawang masama. I have reasons kung bakit kilala ko ang Papa mo. Dahil tulad mo..." hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Nagbuga siya ulit ng hangin. "Just this conversation, Lourd. 'Wag nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan. Nakakapagod."

Ilang sandaling hindi ito umimik. Nakatingin lamang ito sa kanya. Hanggang sa huminga ito nang malalim.

"Fine. Anong gusto mong mangyari ngayon?" Anito.

"Hindi ko alam." Panay ang iling niya.

Umatras ito at sumandal patalikod sa billiard table. Kinuha nito ang isang bola at nilaro-laro iyon.

"Naglalaro ka ba nito?" tanong nito tukoy ang bilyar.

"Hindi." Mabilis niyang sagot.

"Okay. Laro tayo." Sabi nito at kumilos upang kuhanin ang dalawang tako na nakasalansan malapit sa mesa. Inabot nito ang isa sa kanya. Inayos nito ang mesa saka tumingin sa kanya.

"Umpisahan mo." utos nito.

Sa kawalan ng maipoprotesta ay hinayaan na lang niyang ito ang masunod at sinubukang makipaglaro dito.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon