Kaagad na nakita ni Cassie si Lourd nang dumating ito sa Roxy City. Nakangiti ito kaagad na humarap sa mga partygoers at members na naroon. Kaagad itong nilapitan ng mga kababaihan at parang nasiyahan naman ito. Umismid siya sabay iling. Talagang hobby na nito ang pagiging flirt.
"Amoy selos." Narinig niya ang tinig ni Amber kaya umiling siya. Tumabi ito sa kanya at pinagmasdan din ang binata habang masayang nakikipaglampungan. Nasa second level sila ng club at mula doon ay tanaw na tanaw nila ang lahat ng nangyayari sa baba.
"I'm sure hindi mo pa alam ang balita kaya ka nagkakaganyan." Sabi pa nito na nagpalingon sa kanya. Amber was such a looker. Stand out ang chinita features nito dahil isang chinese-filipina ito.
"Balita?" kunot-noo niyang tanong.
"Lourd is single now. Wala na sila ni Amanda." Sabi nito sabay lagok ng dala nitong scotch. Wala silang performance nang gabing iyon dahil Techno night at ang mga house music ang papatugtugin. Ang resident DJ nilang si Eben Jay ang bahala sa mga partygoers.
"Ows? Joke ba 'yan?" hindi naniniwalang niyang saad. Napatawa siya. Sa lahat ng naging girlfriend ni Lourd ay si Amanda na marahil ang pinaka-demanding. Hindi nga nila ito kasundo dahil kahit sila ay pinagseselosan nito kahit hindi naman sila talangang close kay Lourd. Lalo na siya. Kaya mahirap para sa kanyang paniwalaang wala na ang mga ito.
"O, mukhang aakyat ang prince mo. Tanungin mo." Anito at nakitang kumilos si Lourd.
Mabilis na nakaakyat si Lourd. Malapad ang ngiti nito sa kanila habang lumalapit.
He has goatee but it never lessen the good features of him. Lalo pa ngang lumakas ang appeal nito. He almost resembled Brandon Boyd of Incubus but a little fatter yet fitter. Pero may anggolo talaga na nakakahawig nito si Jared de Veyra. Marahil dahil pinsan nito ang sikat na city councilor.
'Gosh, smile lang kinilig na 'ko.' Anang isip ni Cassie ngunit hindi naman kayang isatinig.
"Hi, girls!" bati nito.
"Hey, handsome." Si Amber ang unang bumati habang nakikipag-beso dito. "Mag-isa ka 'ata. Nasa'n ang bodyguard mo?"
Takang napatingin siya kay Amber. Nakasulyap ito sa kanya ngunit kaagad ding tumingin kay Lourd.
"Oh, hi." Bahagya pa siyang napapitlag nang abutin siya ni Lourd at makipag-beso. Parang kidlat na dumaan sa kanya ang sensasyon. She just blew a breath to erase it.
"Bodyguard?" anito habang nakatingin kay Amber. Umangat ang kilay ni Amber habang nakatingin dito at tila naman naintindihan nito ang ibig sabihin.
"Ah...well, I think she will not be around for now on. Wala na kami." Napaka-casual nitong tugon.
Napasinghal siya habang nakatawa. "Poor woman. Ang laki ng mawawala sa kanya. Grabe."
Inakbayan niya si Lourd at idinikit pa ito sa kanya. "See? Itong machong 'to. Pinakawalan pa n'ya. Di'ba, Amber?"
"Cassie, honey." Ani Lourd sa kanya.
'Honey? Wow! Sarap pakinggan. Mangarap ka Cassandra.' Akma niyang aalisin ang kamay nang pigilan siya nito. Hiwakawan nito ang kamay niyang nakaakbay dito.
"Nasasaktan talaga ako kapag ginaganyan mo 'ko. It was like I am not capable of love. Sarcastic ka lagi. Why?" Anito na titig na titig sa kanya. Gustong matunaw ni Cassie nang mga oras na iyon. Heto na naman si Lourd. He was being sweet again.
'Back off, Lourd. Baka mahalikan kita!' pagsusumigaw niya.
"Selos lang 'yan." Ani Amber. Mabilis siyang napalingon dito saka nagpumiglas.
"Never. He's such a flirt. Wala akong mapapala sa lalaking 'yan. Sakit-ulo lang 'yan." Mariin niyang sabi sabay sulyap dito. Nakangiti lang ito at iiling-iling.
"Careful. Baka kainin mo ang sinabi mo." sabi nito at inirapan lang niya. Tumalikod siya at lumakad palayo. Sumunod si Amber sa kanya.
"Ang plastic mo, girl. Hindi ka ba nahihirapan?" Anito habang bumababa sila. Tinawanan niya ito. Kahit siya ay aminadong hirap na hirap na pigilin ang sarili kapag kaharap si Lourd. Ngunit kahit kailan ay wala siyang inamin. Kahit na kay Amber na itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan.
"Naniniwala ka talagang gusto ko s'ya, 'no?" Aniyang nanunubok.
Amber laughed loudly. May nakasalubong silang usher at kumuha si Amber ng isang baso. Ganoon din ang ginawa niya. It was their privilege. Bilang member ng 'Xquizit ay libre sila sa lahat ng iinumin nila. VIP member ang turing sa kanila at hindi empleyado. Ganoon ang patakaran ni Roxanne tutal sila ang madalas na dinarayo ng mga tao. Lalo ng mga exclusive members.
"Come on, Cassandra. Wala akong kwentang kaibigan kung hindi ko mapapansin ang mga tingin mo sa kanya. Pati ba naman sa'kin maglilihim ka?" sabi nito.
Umiling siya. Noon ay nasa entrada na siya ng Stageplay. "Of course not. Masyado lang vague ang imagination mo. Try mo i-narrow down."
Ito naman ang umiling. "Bring it. Tingnan natin kung hanggang kailan mo ma-resist ang charm ni Mr. Charity. Ingat ka. Masyadong mapagbigay 'yan."
Nagkibit lang siya ng balikat tanda ng hindi niya sineseryoso ang sinabi nito.
"Hindi ka ba sasama?" tanong niya at umiling ito. Lumapad ang ngiti niya. May special performance kasi ang Skiptloosemonk noong gabing iyon sa Stageplay. Ito ang section sa club kung saan ginaganap ang mga special events. Naroon ang malaking stage.
"Ayaw mo s'yang makita? Ikaw pa naman ang number one fan ni Jeuan." Nang-aasar niyang sabi dito.
Amber rolled eyes. "FYI Ms. Dillan, hindi natuloy ang Skiptloosemonk tonight. Hindi sila ang tutugtog d'yan."
Malakas siyang tumawa. "Updated? Eh ba't ayaw mong sumama sa'kin?"
"Do'n na lang ako kay Kathryn. Na-miss ko na kasi 'yong babaing 'yon. Minsan na lang tumao sa Cat Bar." Sagot niya. Tumalikod na ito at siya naman ay tumuloy sa Stageplay. Nakita niyang nasa stage na ang in-house band ng Roxy. Lumapit siya sa mga ito.
"Kumusta?" bati niya sa mga ito. Tumingin sa kanya ang lead guitarist na si Andy. Kunot na kunot ang noo nito.
"Problema?"
Imismid ito. "Badtrip. Wala na naman si Venice."
"Ano? Pambihira talaga, o. Sige, hugutin ko si Kat. Baka papayag." panay ang iling niyang saad. Madalas na absent ang vocalist ng mga ito dahil pasaway. Tumango si Andy bilang pagsang-ayon sa kanya.
Tinalikuran niya ito ngunit natigilan siya nang bumangga siya sa isang bulto. Hindi niya na-control ang balanse niya kaya napaatras siya. Mabuti na lang at nasalo siya ng nabangga niya.
"Got you, honey." Sabi ni Lourd ngunit sadyang hindi na niya nakaya ang sarili kaya pati ito ay natumba na rin.
Pumaibabaw siya dito nang matumba sila sa sahig at ganoon na lang ang gulat niya dahil naramdaman na lang niyang naglapat ang mga labi nila.
'Oh, no!'
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...