Inihimpil ni Lourd ang kanyang kotse sa parking lot ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Seoff at Thia. Hindi siya dapat dadalo dahil may hangover subali't sigurado siyang magagalit ang dalawa sa kanya. They made him promise to come.
The wedding was private and simple. Iyon ang gusto ng mga ikakasal. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ang imbitato. Walang nagawa kahit pa Adriatico si Thia at Munez si Seoff. Ayaw ng mga ito na pagpiyestahan ang kasal ng mga ito. May ilang tagapress at iyon ay may mahahalagang papel lang na gagampanan sa sermonya. Walang partikular na motif ngunit bawal ang itim. Iyon ang suot niyang polo shirt. Nakalimutan niya na kasal ang pupuntahan niya. Nakangiwi siyang bumaba ng kotse. Saka pumunta sa likod ng kotse at naghanap ng maisusuot sa bag niya na nasa compartment. May ilang damit siya doon.
"Hindi naman libing ang pupuntahan mo." Anang isang tinig at hindi na kailangang lumingon ni Lourd. Nakita na siya ni Thia.
"Bakit bumaba ka ng bridal car mo?" tanong niya dito habang panay ang halungkat sa bag niya.
"Dahil kailangan kong siguraduhin na darating ka. At nakaitim ka pa." Tugon nito.
"Kaya nga naghahanap ng maisusuot." Sagot niya at nakita ang isang cream na chinese colar na polo. Iniangat niya iyon.
"Pwede na 'yan." Sabi nito.
Tiningnan niya si Thia. He was stunned in a moment. Nakasuot ito ng isang long gown ngunit mas simple kaysa sa isang trahe de boda. Her hair was on a bun but her smoky eyes never ruined her look. Lalo pa nito iyong pinaganda ang dalaga.
"Pwede?" sabi niya nang akmang magtatanggal siya ng damit. Tumalikod ito.
"Kanina ka pang hinihintay ng bestfriend mo." Sabi nito habang nakatalikod at siya ay nagbibihis.
"I'm here now. Okay na." tugon niya.
Muli itong humarap sa kanya. "My God! Naligo ka ba? Ni hindi ka man lang nag-ahit. Magtatampo na ako sa'yo n'yan."
Napangiti siya. "Ang mahalaga ay narito ako."
"Ito ang pinakaimportanteng araw ng buhay ko, Lourd. Pagkatapos ganyan ang hitsura mo?" paghihimutok nito.
"Come here." Sab niya at pinalapit ito. Sumunod naman ito. He reached her both hands.
"Congratulations. Masayang-masaya ako para sa'yo. Seoff is one hell of a lucky guy having you. At gano'n ka rin. Napakabuting tao ng kaibigan ko." Taos-puso niyang saad.
"I know." She replied. "Hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano ang araw na 'to. At gusto ko kasama ko kayo. Kayong lahat na naging bahagi ng buhay ko. Ang mga nakaramay ko. Ang mga tumulong. Lalo ka na. You were the biggest."
"Tungkulin ko 'yon bilang kaibigan n'yo. Mahalaga kayong lahat sa'kin." Aniya.
"Mahalaga ka rin sa'min. Nasasaktan ako, actually, kapag nakikita kang ganyan. Kaya gusto ko maging masaya ka. You deserved the best thing in life." Nangingilid na ang luha nitong sabi sa kanya. He was touched.
"Thanks." He said then chuckled.
Pareho silang napalingon nang may papalapit na sasakyan. He recognized it right away. Ang mga magulang niya iyon.
"Oh, Thia. Mahahalikan kita. Dito pa sa kasal mo nagpakita ang anak ko." Humihingal na sabi ng kanyang ina habang nagmamadaling lumalapit sa kanila. Kaagad itong yumakap sa kanya. Kasunod nito ang kanyang ama.
"Ma, lagi naman tayong nag-uusap sa phone." Sagot niya habang yakap ito at nakatingin sa kanyang ama. Tumango lamang ito bilang bati.
"Well, you're welcome, Tita." Narinig niyang sabi ni Thia.
"Pero hindi kita nakikita. Malay ko ba kung ikaw nga ang kausap ko. I thought you're dead. Kagaya ng hitsura mo ngayon." Agap na biro ng kanyang ina.
"You see me now. And I'm not dead." Sagot niya.
"Mukhang napapabayaan mo na ang sarili mo, anak. Need help?" nag-aalalang puna sa kanya ng ginang.
"Alam n'yo ang gusto ko." Tugon niya sabay tingin sa kanyang ama at kay Thia. Wala kaagad nagsalita.
"Alam n'yo kung gaano ko na siyang gustong makita. I want to know if she's okay. But you don't let me." Patuloy niya.
"Kristof." Sambit ng ginang st hinawakan ang umimpis niyang pisngi. Siya mismo ang nakapansin noon dahil dati rati ay hindi siya nahahawakan ng ginang na hanggang baba niya.
"Ahm, Lourd." Ani Thia. Napatingin sila dito. "Alam mo naman siguro na hindi rin matutuloy ang kasal ko kung wala siya. Isa siya sa dahilan kung bakit atrasado ang kasal na 'to."
Nabuhayan ng loob si Lourd sa narinig. Bumitaw siya sa kanyang ina at hinarap ito. Hinawakan namang ng kanyang ama ang balikat niya.
"Mauna na kami sa loob." Anito at inalalayan ang ginang.
"She's at the side of the church. Inaayos niya ang mga bulaklak." Pahabol pa na sabi ni Thia bago sumabay sa kanyang magulang papasok ng simbahan.
Naiwan siyang kinakabahan. Nilingon niya ang daan patungo sa gilid ng simbahan. He anticipated if she was really in there. Sana ay totoo ang sinasabi ni Thia.
Umangat ang kanyang kamay at pinunasan niya ang sariling bibig kahit wala naman iyong dumi. Nasalat niya ang kagaspangan noon. Saka sinuklay ang buhok. Saka nagbuga ng hangin.
He walked the distance because he cannot take it. Tama lamang ang lakad niya ngunit ang puso niya ay parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok nito. Ilang buwan na ba niyang hindi nakikita si Cassie? Limang buwan? Anim? Hindi. Tila kay tagal nang panahon ng anim na buwan para sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...