Chapter 16.1

401 14 0
                                    

Kinabukasan ay namasyal sina Cassie. Lalo silang pinaglapit ng nangyari kagabi. At hindi pinagsisisihan ni Cassie iyon. She woke up with a smile. Malaya na ang puso niya. Malaya na niyang mahalin si Lourd. Nang buong-buo.

Yes. She loves Lourd. Very much. Hindi na iyon kayang itanggi ng puso niya. Handa siyang mahalin ito kahit na anong mangyari. Kahit pa ibigay niya ang lahat-lahat sa binata. Umaasa siyang magiging maayos ang lahat pagbalik nila sa Maynila. Sasabihin niya ang lahat sa kanyang ama pati na sa lolo't lola niya.

"Anong gusto mong gawin?" napukaw ng tinig ni Lourd ang pag-iisip ni Cassie. Hindi na niya namalayan ang paglapit nito.

Miyembro ng isang luxury country club si Lourd. At bukod pala sa billiards ay mahilig din ito sa golf. And again, she doesn't play his sport. Napangiwi siya. Marami pala silang pagkakaiba ng binata.

"Maggo-golf ka ba? Panoorin na lang kita." Sabi niya. Napangiti ito at mula sa likuran ay niyakap siya nito. Kagaad na nag-iba ang pakiramdaman niya. Kahit na yata simpleng hawak lang nito sa kamay niya ay maapektuhan na siya.

He kissed her nape lightly. Parang nakuryente ng kung ano si Cassie. "Ikaw na lang ang magsabi kung anong gusto mong gawin. You're my guest remember?"

'I only wanted in your arms.' Sigaw ng puso niya. Ngunit hindi naman iyon lumabas sa bibig niya.

"Cable car tayo." Bagkus ay sagot niya.

"Okay." sabi nito. Kumalas ito sa kanya at magkahawak-kamay silang naglakad. Hindi tuloy niya napigilang tumawa. Tumigil ito sa paglalakad. Then she looked at him. Playing on her face was a sweet smile.

At bigla na lamang niyang hinila ito at hinalikan sa labi. He stoned his step as she leaked his lips on a swift. Mabilis na pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito at patiad na inabot ito. Hindi na alintana na nasa labas sila at maaaraing may makakita sa kanila.

"Para saan 'yon?" napapantastikohang tanong nito. Still holding her and gently rubbing her back.

"Wala. Gusto ko lang gawin." Sagot niya habang nilalaro ng mga daliri niya ang buhok nito.

Lourd chuckled and kissed her neck this time, "I always like it when you're near me."

Wala sa sariling napapikit si Cassie habang yakap siya ng binata. Gusto niyang isipin na totoo ang sinabi nito ngunit ginugulo pa rin siya ng imahe na hindi pa nito alam ang totoo sa pagkatao niya. Paano kung hindi nito matanggap iyon?

"Ako din." Instead she said to hide the hurt. Bahagya siya nitong binitawan at hinawakan ang kanyang kamay. Sa ganoon sila muling naglakad at parehong tahimik.


ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon