Chapter 14.2

392 16 1
                                    

Bumilang na ang ilang pang minuto at naroon pa si Lourd at nakatitig lamang sa nakatalikod na si Cassie. Nasa lower veranda ito at pinagsasawa ang mga mata sa lake view. Kararating lang nila sa ranch house at doon ito dumeretso. Tahimik ito bumaba ng sasakyan at kaagad na napansin ang tanawin. Saka walang salitang tumungo doon.

It was a bluff when he accepted Cassie's break up piece. Sinakyan lamang niya iyon upang iligtas ang pride niya. Ngunit tensyonado ang buong pagkatao niya dahil kapangahasan nito na paglaruan silang mag-ama.

Dinala niya si Cassie sa ranch house nila dahil sa dalawang dahilan. Una ay dahil nais niyang ilayo ito sa kanyang ama dahil gaganapin na ang anniversary party ng kanyang mga magulang. Ayaw niyang manggulo si Cassie dahil malakas ang pakiramdam niyang alam nito ang tungkol doon. Hindi ba't lahat ng kerida ay alam ang bawat galaw ng kinakama ng mga ito? Hindi siya makakapayag na guluhin nito ang masayang event sa pamilya niya. Hindi niya papayag na manghimasok ito sa buhay ng kanyang mga magulang. Lalo na ng kanyang ama.

Pangalawa ay upang isalba ito sa kahibangan nito. Gusto niyang patunayan dito na walang patutunguhan ang kung anumang nais nitong pahalagahan sa pagitan nito at ng kanyang ama. Na sinasayang lamang nito ang buhay nito kung magiging pangalawa ito sa isang lalaki. It was a waste of life falling in love to a married man. Hindi siya papayag na maging ganoon ang buhay nito. Hindi pa nga niya masigurado kung alam ng pamilya nito ang ginagawa nito. Marahil hindi. Dahil alam niyang hindi ganoon ang pamilyang kinabibilangan ni Cassie.

Naroon siya upang samahan ito. Na handa niya itong mahalin. He shook his head on the thought. Para na rin niyang inamin sa sariling may pagtingin pa rin siya dito. Ngunit hindi pwede. Ayaw na niya.

Nasaisip niya ang panaginip nito. It must be serious. Hindi ordinaryong panaginip ang nangyari dito kanina habang patungo sa ranch house. Pakiramdam niya ay parang totoong pangyayari ang napanaginipan. Tila parte iyon ng buhay nito o ng nakaraan nito. Kaya lubha siyang kinakain ng pag-aalala. He really felt that Cassie must be needing help.

Napailing siyang muli sa naiisip saka napapikit. Kasunod ang isang pagkalalim na buntong-hininga. Ngayon lamang siya nagulo nang dahil sa isang babae. He may loved before but never done such foolish things like being vicious. Women come and go in his life. Kahit kailan ay hindi siya nahirapang humanap ng karelasyon. Ngunit iba si Cassandra.

Biglang lumingon si Cassie sa gawi niya. Inasahan niya na galit ang masasalamin niya mula dito ngunit nagulat siya nang ngumiti ito.

"Pwede ka namang lumapit." Saad nito. He blew a breath. Saka siya lumapit sa dalaga.

"I'm sorry." Kaagad niyang sabi dito. She smiled but never laughed.

"Para ba 'yan sa pagdadala mo sa'kin dito?" sagot nito. Naroong maayos na ito ngunit tila pagod na pagod ito. He reached her hands.

"No. Para sa hindi ko magawang pagaanin ang loob mo. Kung anuman 'yang bumabagabag sa'yo." Sabi niya. Umiling ito.

"Bakit? Alam mo ba kung anong nasa loob ko?" tanong nito.

Nag-iwas ito ng tingin. Nagawi sa balikat nito ang tingin niya dahil nakasuot ito ng razor back. Off-shoulder naman ang nakapaibabaw doon. Nakakita siya ng pilat sa babang parte ng balikat nito. Kumunot pa ang noo niya upang pagmasdan iyon dahil tila balat iyon. Ngunit base sa kutis nito ay parang hindi naman discoloration ng balat iyon. Bakit ito may pilat doon? Naaksidente ba ito noon?

"Cassie." tawag niya at tahimik itong lumingon sa kanya. "Gusto kong malaman ang ibang bagay tungkol sa'yo. Care to tell me?"

Muli itong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng panlulumo. Ngunit bigla itong nagsalita.

"My mother is dead. Nakakulong ang tatay ko." Saad nito. Bahagya siyang natigilan.

"I'm sorry." Saad niya.

Wala itong tugon. Hindi niya magawang ituloy ang ibang sasabihin. He was a bit scared to go deeper. Pakiramdam niya ay napakabigat para dito ng gusto niyang malaman.

"Hindi naging masaya si Mommy kay Daddy. Even me. Iyon siguro ang pagkakaiba nating dalawa. Buo ang pamilya mo samantalang ako walang kasama ni isa sa kanila. Well..." sabi nito saka nagbuga ng hangin. "Lahat naman nangyayari ng may dahilan."

"I'm sorry about that." Tanging namutawi mula sa bibig niya. Ngumiti ito ngunit tila may hatid na lungkot iyon.

"Anong nakita mo sa kanya?" hindi niya natiis na itanong. Salubong ang kilay siyang nilingon nito saka umismid.

"I see. Kaya siguro mo ako itinago dito. Iniisip mo na nakakagulo ako sa parents mo." saad nito.

"Bakit? Hindi ba?" napalitan ng tinig galit ang tono niya.

Hilaw ang naging tawa nito. "I don't intend that."

Tumalikod ito sa kahoy na railings at akmang iiwan siya.

"Anong meron s'ya na wala ako?" mariin niyang tanong habang pigil-pigil ito sa braso nito.

"Lourd, please." Umiiwas na naman ito.

"Tell it, damn it, Cassandra!" gigil na niyang pilit dito.

Marahas nitong binawi ang braso at akala pa niya ang sisigaw ito. Ngunit tila pinigil nito ang sarili.

"You know only half of one eight of my life while he knows everything about me. Gano'n n'ya ako kakilala tulad ng kung gaano ko ipinagkakatiwala ang sarili ko sa kanya." Sagot nito kasunod ng pagtingin nito sa kanya. She looked gleam.

"Really? Sinasabi mo bang matagal n'yo nang niloloko ang mama ko? Gano'n ba? How dare you to ruin my family? Sino ka para gawin 'to sa'min, sa'kin!" pagbulusok ng kanyang damdamin.

"Wala akong ginagawang masama." May diin ngunit mahinahon pa rin nitong agap.

"Did you plan this?"

Umiling ito. "No."

"But you plan to continue your game?" muling niya tanong. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng sakit si Lourd.

"D-depende 'yon sa Papa mo." tugon nito.

Napaismid siya. "You really love that man, don't you? Pero ito ang ipapaalala ko sa'yo. You're mine, Cassandra. Seryoso pa rin ako sa bagay na 'yan. Kung kinakailangang itali kita sa isang kwarto dito ay gagawin ko-"

"Hindi mo pwedeng gawin 'yan!" biglang sigaw nito na biglang ring bumigay ang emosyon nito. Tila nakakatakot ang mga sinabi niya.

"Bakit hindi?"

"Tama na!" muli nitong sigaw na tinakpan pa ang dalawang tainga nito. Noon siya natigilan. Her reaction was beyond anger. Tila natatakot ito.

"Cassie." Aniya ngunit hindi siya nito pinansin at mabilis na humakbang palayo sa kanya. Tinawag niya ito ngunit tuluy-tuloy lang ito.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon