Blanko ang utak ni Lourd habang naghihintay sa hallway ng hospital. May bahid ng dugo ang kanyang suot at nagbabadyang pumatak ang luha. He was really rattled. Wala pang dumadating sa lahat ng tinawagan niya. Hindi pa rin lumalabas ang doktor na tumitingin kay Cassie.
Nagulantang siya nang madatnan si Amanda na nasa ibabaw ni Cassie habang may nakabaon sa may leeg ng huli. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinugod si Amanda dahil tila papanawan ng malay si Cassie. Kinain siya ng galit kaya hindi niya napigilang saktan si Amanda. Nasampal niya ito. Mabuti na lang at narinig ng caretaker ng bahay ang sigawan nila kundi ay marahil napatay na niya si Amanda. Ito na rin ang humingi ng tulong. Mabilis na nakarating ang barangay pulis na nagdala naman kay Amanda sa presinto. Iniwan niya ito na tulala habang tumutulo ang luha.
Isinugod niya sa ospital si Cassie. Duguan na ito at wala nang malay. He was scared as hell. Kung kinakailangang makipagkarera siya kay kamatayan makarating lamang sa ospital ay ginawa na niya. Noon lamang siya nakaramdam ng ganoong pag-aalala at takot sa buong buhay niya.
Masaya silang pumunta sa foundation ni father Ruel. And Cassie was happy. Hanggang sa magpaalam ito upang maglibot. Pagkatapos nilang mag-usap ni Father ay nagpaalam siya upang puntahan ang dalaga. He cannot wait another minute not seeing her. Parang naiinis na siya kapag matagal na hindi ito nakikita. Ngunit palabas pa lang siya ng lobby nang biglang sumulpot si Amanda. Nagtaka siya at nainis.
Wala siyang nagawa kundi kausapin ito. Umiiyak ito. She said sorry. Nagsisisi daw ito sa mga nasabi nito. He said it was alright. Ngunit muling bumalik ang inis niya nang sabihin nito na mahal pa rin siya nito at handa itong gawin ang lahat upang balikan niya ito. That she would change. Maayos niyang ipinaliwanag dito na hindi na sila maaring magbalikan. He was not in love with her. Ayaw niyang saktang ito kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang sila. But she insisted. Kaya nagtalo na sila. Hanggang magulat na lang siya nang halikan siya nito. And they continue fighting.
Masama ang loob na umalis si Amanda ng foundation. Mabilis naman niyang hinanap si Cassie ngunit nagulat siya nang malamang wala na ito. May nakapagsabi pa sa kanya na umalis ito at umiiyak. Kaagad siyang nag-alala. Kaya hinanap niya ito. Hanggang sa pagbalik niya sa ranch house ay naroon na si Amanda at sinasaktan si Cassie.
"Lourd." May tumawag sa kanya. Si Amber at Cleo ang papalapit. "Kumusta siya?"
"Nasa operating room pa." sagot niya.
"Oh God." Puno ng pag-aalalang sambit ni Amber. Niyakap ito ni Cleo. Noon naman dumating ang lolo't lola ni Cassie. Umiiyak ang lola ng dalaga.
Nahugot niya ang hininga nang makalapit ang mga ito. Hindi maikakaila ang galit sa mga mata sa lolo ni Cassie nang tingnan siya nito. He looked at him apologetic.
"Sabihin mong maayos ang apo ko." Anito.
"Yes. Makakaligtas siya." Buong pag-asa niyang tugon. Nagbuntong-hininga ito.
"I know this would happen." Mariin nitong sabi. Nanlumo si Lourd. Alam niyang nasasaktan niya ang mga ito. Ganoon din naman siya. Sana lamang ay makaamot siya kahit kaunting pag-intindi mula sa mga ito.
"Papunta na sina Geri." Sabi ni Amber sa mga matatanda.
"Ano bang nangyari?" umiiyak na tanong sa kanya ng lolo ni Cassie. He faced her.
"It was my ex-girlfriend. Sinugod niya sa ranch house si Cassandra. I was a bit late. I'm so sorry." Tugon niya.
"Your ex-girlfriend? Anong ginagawa ng ex-girlfriend mo do'n at kasama n'yo?" may galit na tanong ng lolo ni Cassie.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...