Chapter 18.1

436 15 0
                                    

Parang isang nakakapanghinang bagay ang kumalat sa kanilang lahat dahil kanya-kanyang silang hanap ng makakapitan. Nakita niyang nagyakap sina Amber at Cleo. Humagulgol ang lola ng dalaga at niyakap ito ng kabiyak. At siya naman at nanlulumong sumandal sa pader. Hindi biro ang sinabi ng doktor. Ibig sabihin ay hindi pa maayos ang dalaga. Muli niyang naikuyom ang kamao. Hindi niya alam kung si Amanda o ang sarili ang sisisihin.

"Huwag kayong mag-alala. Magigising din s'ya. We only need to give her time. Babantayan namin ang lahat ng vital-"

"Damn it!" hindi niya napigilang sabi at galit na hinarap ang doktor.

"Lourd, stop." Mabilis namang nakadalo ang kanyang ina at pigil siya sa akmang pagsugod sa doktor.

"Dapat ginawa n'yo ang lahat. Bakit kailangang ma-coma s'ya? Hindi n'yo ba kayang gamutin ang sugat? Ano pa't naging doktor ka?!"

"I said stop it!" Pigil ni Carmela at biglang dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Natilihan siya. Hindi siya kaagad nakakilos sa ginawa nito.

"Walang magagawa ang galit mo. Hindi ikaw ang nagagalit dito kung tutuusin." Sabi pa nito at mabilis na nangilid ang luha niya. Taas-baba ang dibdib niya marahil dahil sa galit at lakad-takbo siyang lumayo. He even punched the wall in anger. Pinaulit-ulit pa iyon. He shouted. Tila iyon lamang ang paraan upang mailabas ang galit na nararamdaman niya.

Hindi niya kayang tanggapin ang nangyari kay Cassie. Hindi dapat iyon nangyari. They were so happy. Ngunit dahil sa isang babae ay nagulo ang lahat at nameligro pa ang buhay ni Cassie.

Narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina ngunit hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang paglayo. Hindi na alintana ang nag-uumpisa nang dumugo niyang kamao.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon