Chapter 13.1

393 17 1
                                    

"Kayo na?" tanong ni Thia kay Lourd ngunit hindi niya ito pinansin. Dinalaw siya ng magkasintahang Thia at Seoff. Nasa studio siya noon. Si Seoff ay lumabas lamang sandali dahil may kailangan itong tawagan.

"News really has its own wings." He answered.

"Of course. That news should have wings. Kaibigan kami 'no." Sagot nito.

Tumayo siya mula sa stool at hinarap ang mixing console. Ginalaw ang equalizer na animo'y may magagawa iyon.

"Tawagin mo na nga boyfriend mo at umalis na kayo. Istorbo kayo, alam mo 'yon?" Paiwas niyang utos dito ngunit pinagmasdan siya nito. At alam niyang hindi siya nito titigilan.

"Alright." Pagsuko niya. Hinarap niya ito at sinabing, "Kami na, okay?"

Akmang iiwan na siya nito nang bumukas ang pinto ng studio at naroroon si Amanda. Wearing a printed black dress and a sexy smile.

"Amanda." Walang emosyon niyang reaksyon.

"Hi." Sabi nito sabay lapit sa kanya at walang babalang hinalikan siya nito.

He heard a gasp that he was sure it was Thia. He got stunned and surprise and his ego wanted to disagree. Isang malakas na buntong-hininga ang narinig niya dahilan upang itulak niya si Amanda.

"What are you doing here?" seryosong tanong niya sa babae at tinapunan ng tingin si Thia na nakataas ang kilay sa kanya.

"Binibisita ka." Maarte nitong sagot. Niyakap siya nito sa baywang pero kaagad din niya iyong inalis. Saka passimpleng tumingin kay Thia.

"Excuse me." Sabi ni Thia at padabog na lumabas ng studio. Sinundan niya ng tingin ito at naiiling na muling umupo sa stool. Si Dice naman na nasa harap ng consule ay walang salitang lumabas na rin ng studio.

"Mukhang hindi nila nagustuhan ang pagdating ko." Saad ni Amanda.

"I guess. What brought you here?" sagot niya.

"Wala lang. Bakit masama bang bisitahin ka? Let's eat out, treat ko." sagot nito. She went to him and sits on his lap. Nakuha niya ang nais nitong mangyari.

"Amanda, I'm busy. We can eat some other time." Pagtanggi niya. Hinahayaan lang niya ito sa ginagawa gaya ng paghaplos nito dibdib niya na ipinaloob pa ang kamay nito sa T-shirt niya.

"But I missed you, darling." She said in begging tone then she again grab his face and kissed him. Amanda was really into 'it' mood. Kailangan na niya itong paalisin.

Narinig nila ang malakas na pagsara ng pinto. Nakita nila si Thia at hindi nasisiyahang nakatingin sa kanila. Tumigil sa paghalik si Amanda. Napilitan itong tumayo at halatang nainis sa nangyari. But he only ignored her and faced Thia.

"Lourd, pwede ba tayong mag-usap?" pigil ang galit na sabi nito. Malamang na sermon ang abot niya sa dalaga. Huwag na lang sanang makarating kay Cassie ang nakita nito. Perhaps he will choke explaining to her.

He sighed. "Amanda, please leave. I'm really not available now."

Walang nagawa si Amanda kundi huminga ng malalim at tinungo ang pinto. Hindi tinitingnang binigyan ng daan ni Thia ito upang makalabas. Tiningnan pa nito nang masama bago ibalik ang tingin sa kanya.

"Ano 'yon?" galit na tanong nito nang maiwan silang dalawa.

"Sa office tayo mag-usap." Sagot niya at naunang lumabas ng studio.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon