Muling nilingon ni Lourd ang mesa upang lalo lamang magalit. Kitang-kita niya kung paano tumawa si Cassie na tila binibiro ng papa niya. He felt that in some ways, it was a true smile. And an alien destruction filled a circular bite to his heart responsible for the angry cursing and shouting of his mind and thoughts.
Mabilis siyang nag-isip. Kailangang siya ang manalo sa sitwasyong iyon. Hindi niya hahayaang maging masaya ang mga ito. Mabilis siyang tumayo at huminga nang malalim saka lumapit sa mesa ng mga ito. Hindi na niyang pinansin ang pagtawag ni Amanda sa kanya.
"Hi, 'Pa!" animo'y tuwang-tuwa niyang bati nang makalapit. "Oh, hello, Cassie. I never expect to see you here."
Pareho niyang nakitaan ang gulat ang mga ito. Halatang hindi inaasahan ng mga itong makita siya. Well, dapat ay mas tagong lugar nagtagpo ang mga ito. He can be anywhere. Isang kahibangan ang inasal ng mga ito na animo'y walang ginagawang kasalanan kaya nagagawa pang lumantad.
'Baka naman wala nga.' Biglang suot ng salitang mula sa tagong bahagi ng isip niya. But he saw what he saw.
"L-Lourd." Halos walang tinig na lumabas iyon sa labi ni Cassie. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Kung hindi lang maganda ang make-up nito ay kitang-kita ang pamumutla nito.
"Surprise? Bakit akala mo mapagtataguan mo pa 'ko?" Hindi niya napigilan ang sarkasmo sa tinig niya. Nilingon niya ang kanyang ama.
"'Pa, ang Mama?" aniya at naupo sa bakanteng upuan sa pagitan ng mga ito.
"May kausap pa s'yang pasyenta." Sagot nito sa reserved na paraan.
"Really? Sayang. Nag-dinner na sana tayo together. Oh by the way, alam mo bang kilala ko s'ya?" aniya sabay turo sa dalaga. Hindi kaagad nakaimik ang kanyang ama.
"Yeah. I know. Nagtatrahdaho s'ya sa Roxy." Tugon nito.
"Lourd." Si Cassie.
"Shut up." He hissed. Nagulat ito.
"She's not just some dancer in my club, 'Pa. Girlfriend ko s'ya." Sabi niya sa kanya ama ngunit kay Cassie nakatingin. Kitang-kita niyang gulantang sa maganda nitong mukha. He snorted.
Tumikhim ang kanyang ama. Napalingon siya dito. Tila hindi rin nito alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon.
"Hindi ka naniniwala? Fine. I'll prove it." Sabi niya at bago pa makahuma ang kahit sino ay mabilis niya inabot ang batok ng dalaga ang mariin itong hinalikan sa labi. Naramdaman niya ang pagtulak nito.
Marahas siyang tumayo matapos ang halik na iyon. Nakatayo na rin ang kanyang ama. Tumingin siya dito nang marahas. Galit na rin ito. He disgusted him. Mukha nagselos pa ito.
"This would be the last time na makikita ko kayong magkasama." Giit niya at matalim na tiningna ang kanyang ama. "Sana'y hindi ito ang problema ng Mama."
Sinubukan siyang hawakan ni Cassie ngunit winaksi niya ang kamay nito. Nakita niya ang namuong luha dito. Saka iniwan ang eksenang iyon. Hinila pa niya si Amanda na nasa likuran pala nila.
---
Marahas na isinara ni Lourd ang pinto ng kanyang opisina. Pagkuwa'y nagpalakad-lakad sa loob niyon. Gaping as hard as he could to control his breath. Now he understood why Cassie refused his calls. Hindi na rin siya magtataka kung bakit nasabi ni Amber na matinik ito sa mga lalaki. A total flirt, now a kept woman. And he could have her. She even responded to his kisses. They were so passionate to each other. Ngunit sa kamlas-malasan ay ang kanyang ama ang nabitag nito.
Sa sandaling iyon ay gusto niyang sirain lahat ng mahawakan. Ngunit siya rin ang masisisi sa bandang huli. Why of all the people ay ang ama pa niya. It was the greatest shame of his life.
Mariin siyang humalik saka tumingala. Malakas siyang nagbuntong-hininga. Umaasang kahit papaano ay mababawasan ang sakit na mararamdaman niya.
Nilakad niya ang malapad niyang wooden mahogany executive table at dinampot ang intercom. Idinayal ang local ng guardhouse.
"Hello." Sagot ng guard.
"Patrol the building. Huwag mo na akong hintaying bumaba. Dito na ako matutulog." Maawtoridad niyang saad.
"Opo sir." Sagot nito at ibinaba na niya ang telepono.
Paupo siya ng swivel chair nang tumunog ang cellphone niya. He reached it and checked the screen. Amanda's name registered. Ngunit pinagmasdan lang niya ito. Ayawa niya itong kausap. Kaninang paglabas ng restaurant ay nagpaalam na siya at sinabing wala na siyang ganang kumain. Nagpumilit ito ngunit mariin niya itong tinanggihan.
He canceled the call and turned off the phone.
Sumandal siya sa upuan. Inikot ng tingin ang sariling opisina. Sa kabila ng paglago ng sariling pundar ay siya namang pagdating ng personal na problema. Muli siyang pumikit at huminga nang malalim. Hindi niya alam kung kaya pa niyang kausapin ang ama. His mother was a wonderful and the kindest mother of all. Hindi ito nagkulang.
Ngunit ang galit na nararamdaman para sa ama ay nahahaluan ng kirot. Kung humahanap din lang si Cassie ng gugustuhin, bakit hindi na lang sa kanya. He was more than wiling. Iniisip pa lang niya na ito ang ginusto ni Cassie ay tila pinipiraso ang dibdib niya.
Damn! That really distorted him. This was all wrong. All wrong.
"You owe me big time, Mara Cassandra." He whispered wearily.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...