"Can it change anything if I will confess to you? Kilala natin ang isa't-isa, Jared. At alam nating pareho na walang patutunguhan ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Gees...I'd still confess!" padabog na binanggit ni Lourd ang mga huling salita.
"Tara sa labas." Ulit nito. Hindi na nito hinintay ang pagsagot niya at nagpauna nang lumabas.
Alam na niya ang mangyayari. Hinanap ng mga mata niya si Calvin ay nakita naman niya sa dulong mesa. Tila may boses ang mata niya dahil lumingon ito sa kanya. Saka tahimik na lumabas at sinundan ang pinsan.
Sa tabing kalsada malapit sa BMW ni Jared ay nakasandal ito nang labasin ni Lourd. Tila may inip na sa mukha nito at kung maaari ay tapusin na ang dapat tapusin.
"Umpisahan mo na." tiim na saad nito. Sa nalaman nito mula sa kanya ay kailangan nilang tapusin ang problema. Ganoon silang magpinsan. Magkaiba man sa napakaraming bagay, isa lang ang dugong nanalaytay sa kanila.
"This is crazy. I can deal with this alone. Ako na -" halos umikot ang paningin niya dahil sa lakas ng pagdapo ng kamao ni Jared sa mukha niya. Napasandal siya sa isang nakaparadang Lancer dahilan upang mag-ingay ang alarm noon.
Bago pa man makabawi si Lourd ay mabilis nang dinakot ni Jared ang kwelyo ng suot niyang polo shirt.
"Let's deal with it now!" mariing sabi nito. "Alam kong galit ka sa'kin at gustong kong ilabas mo ngayon. Do it!"
Anger immediately filled his senses. Kung ito ang gusto ng pinsan niya ay pagbibigyan niya ito.
"Damn you!" he said and he landed his closed fist to his stomach and gave him an upper cut.
Nakita niya na namilipit si Jared sa sakit. Ngunit tila ningas iyon upang magsimula ang isang apoy ng galit sa pagitan nilang dalawa. Both ushering the hidden and kept rage and anger. Hindi personal ang galit nila sa isa't-isa. It was just the unstoppable feeling for only one woman.
Nagpatuloy ang girian nilang dalawa. Agaw pansin na ang kanilang hitsura. Si Jared ay dumudugo na ang ilong at ang ibabang bahagi ng bibig. Ganoon din siya. Ang mga dumadaan ay hindi maiwasang panoorin ang tila bugbugan ng mga dalawang karakter sa isang action movie. All of them were intrigued but had no idea of their exchanges of fists.
Noon nila namalayan ang paglapit ni Calvin. Hindi nito alintana kung kasalukuyan mang magkakapit ang mga braso nila at nag-uunahan sa pagpiritsa sa isa-t-isa.
"Hey...hey!" awat nito sabay pilit isinisiksik ang sarili sa gitna nila. Panangga nito ang sarili braso dahil posibleng ito ang tamaan ng mga suntok nila.
Nang maawat ay pareho silang humihingal. Siya ay nakapamaywang ng sumandal sa tagilirang pinto ng BMW ni Jared.
"Whoa. Damn! Para kayong mga bata." Calvin said in half amused half irritated tone.
"Bakit ngayon ka lang?" nakangiwi niyang tanong dito. Ang akala niya ay susunod ito kaagad nang tingnan niya ito. Di sana'y hindi na sila masyadong nagkasakitang magpinsan.
Nang malingon niya ang pinsan ay nakita niyang patingkayad itong nakaupo. Taas-baba ang balikat sa malakas na paghinga.
"Para naman mas maging makatotohanan ang suntukan ninyo." Napalitan ng pang-aasar ang tono ni Calvin. "Siguro naman eh, okay na kayong dalawa."
"Ayoko na. Tara." Aniya sabay yakag niya sa kaibigan.
"Jared." Tawag niya sa pinsan nang mapansing nakaupo pa rin ito at nakatungo.
Nilapitan ito ni Calvin at inilalayang tumayo. Ikinawit sa sariling balikat ang braso ni Jared.
"I'm sure men inside will be shocked when they saw you." Ani Calvin.
"I'm sorry, Lourd." Nahihirapang sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya ngunit bigla ring napangiwi dahil sa sakit ng panga. Ang mga taong nag-iisyoso ay kanya-kanya nang umalis. Tapos na ang maikling palabas.
"Bakit mo sinasabi 'yan? Hindi mo problema 'to. This is my fight. Just take good care of her. Hindi ako manghihimasok sa inyo. Wala rin naman akong balak sabihin kay Kathryn. I'm pretty sure na kaibigan ang tingin n'ya sa'kin. Tanggap ko naman. Alam mo 'yon. Kilala mo 'ko. Ang akin lang, Jared. I hope this is not another Marigold in your life." Magaan niyang sabi dito. Gusto niyang iparating dito na hindi magiging makitid ang utak niya at lalong hindi niya isasakripisyo ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.
"Of course not. I'll bet my life for her." Tugon nito.
"That's good...that's good." Ani Calvin habang mahinang tinapampal ang dibdib ng pinsan niya. Sabay silang inakbayan nito. "This calls for a celebration." dagdag nito na sinabayan ng tawa.
Lourd felt better. Nawala ang bigat ng dinadala niya. He was more willing to let go and find his own life again.
Papasok na sila nang biglang nagring ang cellphone ni Jared. Sinagot nito iyon. Hindi na rin muna siya pumasok.
"Mommy." Anito nang sagutin iyon. "W-what?"
Napakunot ang noo niya nang makita at gulat sa mukha nito at tumingin sa kanya.
"Why?" nag-aalala namang tanong niya.
"S-si lolo." Anito. Kaagad naman niyang nakuha ang nais nitong sabihin. May sakit na ang lolo nito sa ama na si Emilio de Veya, isang sikat na senador.
"Alright, Mommy, I'm on my way." Sabi pa nito saka humarap sa kanya.
"Jared."
"I have to go." Nagmamadali nitong paalam sa kanya at kahit na hirap ay sumakay siya sa kotse niya.
"Text me where. Susunod ako." Sabi pa niya at tumango ito. He prayed that nothing serious happened. Mag-aalala sila nang husto para dito. Lalo na si Kathryn.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...