Natigil ang akmang pagpasok sa bahay ni Cassie nang marinig ang malakas at galit na tinig ng kanyang lolo. Malapit na siya sa foyer at paikot na sana.
"Gusto ko s'yang makausap." Anang hindi pamilyar sa kanyang tinig. Kinabahan siya. Sino ang kausap ng kanyang lolo?
"At sa akala mo'y papayag ako sa gusto mo?" anang kanyang lolo. Galit pa rin ito. Noon siya nagpasyang tuluyang pumasok.
"Granpa, anong nangyayari?" nag-aalala niyang bungad nang makita ang mga ito sa kanilang sala.
Halos sabay-sabay na lumingon ang mga naroon. Muli siyang natigilan. Nasa gitna noon ay ang kanyang lolo na hawak ng kanyang lola. Katapat nito ay isang lalaking mas bata sa lolo niya. Naka-business suit ito at sa tingin niya nasa late forties na ito. Kumilos ang mga mata niya at nakita ang isang babae at tila tahimik lamang na nakikinig sa usapang nagaganap. Nakaupo ito mahabang sofa. Blanko ang ekpresyon nitong nakatingin sa kanya.
Ang kanyang lola ang mabilis na nakabawi sa mga ito at iglap itong lumapit sa kanya. Nagmano siya dito ngunit nasa sala pa rin ang tingin niya.
"Kumusta ang araw mo?" tanong na animo'y inililigaw siya. Nilingon lamang niya nito at hindi tinugon. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang lolo.
"Good evening." Anang lalaki sa kanya. He was a powerful looking man. Has a prominent square-jaw face. Ngunit ngumiti ito dahilan upang mag-iba ang aura nito. Noon tila may alaalang mabilis na bumalik sa tanaw niya. Kilala niya ito.
"G-good evening po, attorney." Aniya. Naalala na niya ito. Ito ang aboadong tumulong sa kanilang noon. Naipanalo nito ang kaso nila laban sa kanyang kinilalang ama. Nagawa nitong ipakulong ang kanyang ama.
Ngunit tanging 'Attorney' lang ang alam niya tungkol dito. Dahil bata pa siya noon, hindi niya nalaman ang pangalan nito. Ang natatandaan lamang niya ay mabait ito sa kanya at nangako na gagawin ang lahat upang makulong ang kanyang ama at bigyang hustisya ang pagkawala ng kanyang ina.
"Nadalaw po kayo." Sabi pa niya.
"Paalis na rin sila." Ang kanyang lolo. Kapansin-pansin na hindi nito gustong naroon ang bisita nila.
"Kanina pa po ba sila?" tanong niya nang balingan ang kanyang lolo.
"Yes." Maiksing tugon nito.
Napaisip siya kung bakit biglang dumating ang abogado sa kanilang bahay. Kung tungkol man sa kanyang ama ang ibabalita nito ay sana maganda iyon. Just thinking that her father had freed himself brought her horror.
Malalim ang naging pagbuga ng hangin ni 'Attorney' saka tumingin sa nakaupong babae. Tumayo ito.
"We'll go ahead." Sabi nito at tila napipilitang tumango ang lolo niya. Siya naman ay nagtatakang tumingin sa lola niya sa tabi niya.
"Lola, bakit sila nagpunta dito?" tanong niya.
"Nangangamusta lang." sabi lang nito ngunit hindi niya magawang paniwalaan iyon.
"Nice seeing you again, hija." Ani Attorney at ngumiti sa kanya. Hindi niya napigilang tugunin ang ngiting iyon. Nais pa sana niyang makipagkwentuhan dito ngunit alam niyang ayaw na iyong mangyari ng kanyang lolo. Wala siyang nagawa nang nagpaalam ito at ang kasama nito. Sinulyapan siya nang babae ngunit tipid ang naging ngiti nito. Ano ang ibig sabihin noon? Bakit tila may tensyong namamagitan sa mga ito?
"Lolo, b-bakit biglang napadalaw dito sina attorney?" patay-malisya niyang tanong nang makaalis ang bisita.
"Wala naman. Pumasok ka na sa kwarto mo." walang ngiti nitong tugon saka sila iniwanan nito. Muli siyang tumingin sa lola niya. Ngunit tila kahit ito ay wala ring balak na magsabi sa kanya.
"Sige na. Mag-ayos ka na. Kung gusto mo eh, ipapaakyat ko na lang ang hapunan mo." sabi nito. Nagbuntong-hininga siya saka tumango. Iniwan siya nito at tinungo ang dining area.
Humakbang siya patungo sa gitna nang sala. Malalim ang kunot ng noo at malalim din nag-iisip kung bakit bisita nila ang abogado. Muli siyang nagbuga ng hangin at sa pagbaling niya ay may nakita siyang isang sobre. Hindi iyon pangkaraniwang sobre dahil kulay gray iyon. Kinuha niya iyon binuksan. Isang invitation pala iyon.
'Judge Romero Fortes Jr. & Dra. Carmela Diomidez-Fortes on their 35th wedding anniversary...' Napahugot siya ng hininga nang makita ang pangalan naka-embose doon.
Fortes? Ito ba ang pangalan ng abogadong bisita nila at ang tumulong sa kanila noon? Mabilis siyang nag-isip. At bago pa sumagi sa isip niya ang sagot ay mabilis siyang umakyat sa kwarto niya. Kailangan niyang i-research ang pangalan sa invitation.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romansa"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...