Chapter 11.1

366 17 0
                                    

Lourd was tired and exhausted but he managed himself to drive all the way to Tagaytay. Papunta siya sa ranch house ng pamilya niya sa San Jose. Dapat ay natutulog siya sa unit niya dahil wala pa siyang pahinga. Katatapos lang ng annual concert ng LinkMusic kung saan featured lahat ng artist nito. But prior to that, kagagaling lang niyang Singapore para asikasuhin ang merging ng foreign recording label sa kanilang label.

His family used to spend one weekend on their ranch house once in every two months. Binili ng mga magulang niya ang bahay para sa buong pamilya. It is a family tradition that his father wanted to employ.

Habang nasa kahabaan ng Aguinaldo highway ay kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang number ni Cassie. It's been a week since they last talked. Sa telepono pa nga iyon dahil paalis na siya papuntang Singapore at nagpaalam siya dito. She sounded sad in her voice saying 'Take care' as they part ways but he immediately erased it.

'The subscriber cannot be reach...' sabi ng operator.

"Damn it." Usal niya at inihagis ang phone sa katabing upuan. Simula pa nang dumating siya ay hindi pa niya ito nakaka-usap man lang. Ilang beses na siyang nagtext at tinawagan ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak.

Nang matanaw niya ang entry porch ay nakita niya ang pamangking si Charlotte na nakikipaglaro sa alagang aso nito na si Nigel. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe. Masaya siyang sinalubong ni Charlotte at sabay na silang pumasok sa loob.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon