Chapter 4.2

425 16 0
                                    

Naiirita na si Cassie dahil halos kalahating oras na siyang nakatayo sa harap ng counter habang hinihintay ang sales lady na bumalik dala ang hinihingi niyang tamang kulay ng lipstick na napili niya. Maraming customer noon sa Beauty Bar at gusto niyang magsisi na pumasok pa siya. Wala naman siyang balak na bumili. Napadaan lang naman siya sa boutique. Hindi lang niya napigilan ang sariling pumasok dahil sa hilig sa make-up.

Nasa Alabang Town Center at papunta sa shop niya. She pouted her lips out of boredom and annoyance. Saka napabuntong-hininga nang makitang papalapit na ang sales lady. Mabilis itong ngumiti nang makita ang hitsura niya.

"Pasensiya na po, Ma'am." hinging paumanhin ng babae. Iniabot sa kanya ang lipstick. Pinagmasdan niya ito ngunit muling ibinalik sa sales lady.

"Hindi ko na siya kukunin." nakangiti niyang sabi niya sa sales lady.

"Po?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Nagbago na ang isip ko." sagot niya at iniwan ang babae. Wala na siya sa mood kaya aalis na lang siya. Hindi naman siya nagsungit. Gusto lang niyang inisin ang babae dahil pinaghintay siya nito.

Naglakad siya papunta sa escalator. May mga lumilingon sa kanya dahil nakasuot siya ng mini skirt at sleeveless blouse at puting flipflop. Suot niya sa kamay isang pares ng puting cotton fingerless gloves. She attracted men unintentionally.

Pasakay na siya sa escalator nang may mahagip ang mata niya. She saw him and quickly admired the man. Nakasuot ito ng loose jeans, faded designer's blue shirt and of course, his trademark, a Vans skate shoes.

Her heart pumped faster when she saw Lourd moved his eyes to her direction. Ngingiti na sana siya nang napansin niyang tila hindi naman siya nakita nito. Nang makalapit ito sa escalator ay mabilis siyang sumunod dito.

Magkasunod sila sa escalator. Hindi siya napapansin nito at may ilang baitang ang pagitan nila. She secretly stared at his back. She fantasized him. Para siyang teenager na pasimpleng sumisilay sa isang crush. Makita at mapagmasdan lang ito ay sapat na para sa kanya.

Nanginigti si Cassie habang bumababa ang escalator. Hindi niya pansin ang ibang kasabay. Tila naramdaman ni Lourd na may nakamasid dito dahil bigla na lamang itong lumingon sa gawi niya. Mabilis niyang binawi ang tingin sabay lingon din sa kanyang likuran.

Nang makababa sa second floor ay inunahan kaagad ni Cassie ang ibang kasabay. May naisip siyang kapilyahan. Binilisan niya ang lakad ay kunwa'y sa iba nakatingin kaya siya may nabangga.

"Oh, sh...I'm sorry." Natataranta niyang sabi nang banggain ang likod ni Lourd. Saka naman itong lumingon sa kanya saka siya kunwa'y nagulat.

'Gotcha!' There was a triumph in her silent voice. Saka siya ngumiti. Ngiting huhulihin ang binata na kanya nakatitig.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon