Chapter 5.1

423 16 0
                                    

"Good morning." Nakangiting bati ni Cassie kay Tina, tauhan nila sa shop sa Alabang.

"Good morning po, Ma'am." Sagot naman nito habang isinasalansan ang mga bulaklak.

"How's it going? Marami bang orders?" tanong niya habang lumalapit sa office area nila. Ilang araw din siyang hindi nakapunta sa shop dahil sa mga meet ups niya sa mga online customers niya.

"Marami po, ma'am." Tugon nito.

Inilapag niya ang kanyang shopper handbag, itinali ang buhok at tumuloy siya sa likod na bahagi ng shop. Doon ay nakatago ang mga supplies at dito din siya nag-aarange ng bulaklak. Umupo siya high wooden stool at inumpisahang ayusin ang mga lalag na bulaklak. Madalas na iyon ang ginagawa niya kapag nasa shop kung hindi nasa cashier area. At kung ginaganahan pa ay nag-uuwi siya ng isang arrangement para sa lola niya.

Halos mabubuo na niya ang isang arrangement ng tawagin siya ni Tina.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Sabi nito.

"Ah, okay." Nilingon niya ito. Tumayo siya at hawak ang dalawang pirasong orchids na hinarap ang naghahanap.

She nevertheless thought of him looking for her. It wasn't so much that she was though she will admit of having thought about that. Again, her heart pounded so hard. She wished that it will not bleed.

'What a stupid wish?' she thought to herself. Bakit naman dudugo ang puso kung tumitibok lang nang malakas?

Hanggang sa namalayan na lang niya ang sariling tumakbo papalapit dito at niyakap ito.

"Kumusta?" tanong niya. Hindi niya alam ngunit parang hindi siya makakapagyag na hindi niya yayakapin ito. Call it being possessive or what but that's what she felt. Unti-unti nang tila pumapasok si Lourd sa sistema niya at tila minamanipula siya.

"Okay naman." tugon nito na tinugon ang yakap niya. Naramdaman ni Cassie ang reaksyon ng kanyang katawan kaya dahan-dahan siyang bumitaw dito. Nagbuga siya ng hangin.

"Bibili sana ako ng flowers." Nakangiti nitong sabi.

Tinitigan niya ito at ganoon din ito. Inisip niya kung anong ibig sabihin ng titig na iyon. Mabilis niyang ibinaba ang tingin. Hindi niya gusto ang epekto noon sa kanya. Baka ipahamak siya noon sa harap ng binata.

"Sure, pili ka." Pilit pinakakalma ang sarili niyang sabi.

Alanganing ngumiti si Lourd at napakamot sa ulo. "Masyadong marami. Pwede, ikaw na lang ang pumili?"

Nahawa na rin siya sa ngiti nito. Ano bang meron si Lourd at ang bilis nitong nakukuha ang loob niya?

"Okay. Ano bang okasyon? Para kanino?" tanong niya. Naipanalangin niyang huwag sana para sa bagong girlfriend nito ang naturang bulaklak. Baka bulaklak ng patay ang ibigay niya dito. Lihim niyang nasaway ang sarili sa naisip. How mean?

"Wala naman. Gusto ko lang siyang bigyan. To make her feel better." Komento nito at pinagmasdan ang mga bulakalak.

The natural cheerfulness came out from Cassie. She scanned his face as he wore the look. Tila hindi talaga nito alam kung anong kukunin.

"Let's see here..." sabi niya habang nilibot ng tingin ang mga bulaklak habang hawak ang orchids. And a cute arrangement of red roses and white daisies captured her. Binitawan niya ang orchid at kinuha ang arrangement. Nakalagay ito sa isang basket na siya mismo ang nag-ayos. Ang Mommy niya ang nasa isip habang ginagawa ang arrangement na iyon.

"Heto. Ano sa tingin mo?" tanong niya habang hawak ang bulaklak. "Siguro naman masasabi na ng pagbibigyan mo na sweet ka." biro niya.

"It's for my mom. I think she'll love this." Sagot nito sabay kuha sa bulaklak.

"Oh." She said in relief. Ngunit napahiya siya sa paraan ng sagot nito. Ang buong akala niya ay may bago na itong kasintahan.

"Kukunin ko na." Anito.

"Okay." Pinalapit niya ito kay Tina na nasa cashier. Si Tina na rin ang magpapack noon.

She was waiting for him to start talking while waiting for the receipt but it didn't happened. Nakaramdam siya ng inis. Bakit parang kulang ang sweetness na ipinapakita nito? Nais kutusan ni Cassie ang sarili sa naisip.

'Asa ka naman!'

"I'll go ahead." Paalam nito. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Cassie. Gusto pa naman sana niyang makasama ito nang matagal.

"Okay, ingat ka. Nice seeing you." Sabi niya na pilit ng ngumingiti.

Dala ang bulakalak ay tinungo nito ang glass door. Dismayadong tumalikod si Cassie upang balikan ang pag-aayos nang marinig niya ang boses ng binata.

"Yes?" Mabilis niya itong nilingon. Her heart quickly filled in anticipation. Hoping something good would happen.

"Libre ka ba mamaya?" tanong nito. Hindi siya kaagad nakasagot dahil sa pagkabigla. "I guess not, mukhang may lakad ka."

"No! I-I mean...actually I'm free." Mabilis niyang sabi.

"So, it's a date." Pagkukumpirma nito.

"Ahm..." she trailed off. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang binata.

"I pick you up at seven, in your house. I-text mo na lang sa'kin ang address mo." Hindi iyon tanong kundi pagkumpirma. Marahil napansin nito na hindi niya alam ang sasabihin gayong hindi naman niya maikaila ang gusto rin niya.

"Sharp." Sa wakas ay naitugon niya.

Ngumiti ito at tumalikod niya. Sinundan niya ito ng tanaw hanggang sa makalayo. At nang masigurong wala na ito ay saka pa lang niya naibulas ang kanina pang pinipigil na tili. She screamed in excitement and laugh. Napansin naman niya na nakatingin sa kanya si Tina.

"Trabaho ka na." nakangiti niyang sabi niya dito at siya naman ay tahimik na bumalik sa stool sa likod. Mukhang marami siyang maaayos na ararangement dahil sa inspirasyon.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon