Chapter 20.3

1K 33 7
                                    

Then she felt him shaking. Hindi siya kumilos tulad din nitong hindi siya kinakalasan. Nakayakap ito sa kanya ng mahigpit. Nakasubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg. Kung saan nagkaroon siya ng sugat. And she can felt his lips from there.

Ilang sandaling tila tumigil ang oras nila. Walang nagsasalita o nagtatangkang kumilos man lang. Parehong ninanamnam ang sandali.

"Akala ko hindi ka na nila ipapakita sa'kin." Anito sa basag na tinig. Umiiyak na pala ito.

She reached his arms seizing her. Pinisil niya iyon ng mahigpit. Nanatili siyang napapikit. Hindi na niya napigilang lumuha. Lalong humigpit ang yakap nito.

"Shhhh, I'm here." Halos walang tinig niyang sambit. Saka siyang nagmulat ng mata. She wanted to faint. Pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya. Mabuti na lang at hawak siya ni Lourd.

"Cas." He whispered in his tears. Umangat ang ulo nito at hinalikan ang sentido niya. Noon niya sinubukang humarap dito. Ngunit hawak pa rin siya nito sa balakang.

She wanted to break down when she saw him crying. Hindi niya inasahan na ang isang tulad ni Lourd Kristof Fortes ay luluha nang ganoon sa harap niya. It was as if he was in deep hardship and pain. Ipinalood niya ang sa mga kamay niya ang mukha nito. Her hands were small but it felt like she can carry him throughout. Bumulusok ang luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa gitna ng pagluha. Pinapahid niya ang luha nito.

"Dahil sa'yo." Tugon nito. She smiled. Niyakap niya ito. Ganoon din ang ginawa nito. Halos maiangat na siya nito sa sobrang higpit ng yakap.

"I'm sorry." Buong damdamin niyang saad. Tiningnan siya nito.

"I'm so sorry, Cassie. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na humingi ng tawad sa'yo. Nag-iisip ako ng hindi maganda tungkol sa inyo ng Papa. Dinala kita sa Tagaytay para lang mapahamak. I was blinded." Paliwanag nito.

"It's over." Sabi niya.

"No." agap nito at inabot ang mga kamay niya. Nakita nito ang pilat. Dinala nito ang mga iyon sa labi nito at hinalikan. Wala na siyang suot na gloves. Hindi na niya iyon kailangan. She gaped. Pigil hininga niyang pinagmasdan ito.

"It's not over. It's not. Dahil wala pa tayong nauumpisahan, Cassie. We never had the perfect chance to show what we really are. Naunahan ako ng galit, ng selos-"

"Selos?" she reprashed.

He stopped then he kissed her surprised lips. Hindi kaagad siya nakatugon doon. "Yeah. Akala ko, nagagalit ako dahil may kasalanan kayo pero ang totoo, I was so damn jealous to my father. Dahil nagyabang ako sa sarili ko na gusto mo ako. I thought tiny flirts will do then we're done. Akala ko ganoon ka kadaling makuha. Then the restaurant, si Amanda, her dirty tactics. Binago ng lahat ng 'yon ang pagtingin ko sa'yo. I even thought that you a whore. I'm so sorry. I'm really, really am."

She sighed. "You wanted to know the truth? Pangarap ko ang mahalin mo, Lourd. Dahil ikaw lang minahal ko. Ikaw lang. Sa tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko. We seldom talk dahil madalas na sa iba ang atensyon mo, pero masaya na 'ko na kaunting chances na paminsan-minsa. I'm happy hearing your voice. Iniisip ko kung gano'n ka din kaya? But I was wrong."

"Cassie." Anas nito sabay haplos sa pisngi niya.

"Hindi ko alam na anak ka ng abogadong tumulong sa'min. Na eventually, tunay ko palang ama. That was also the day that I've learned that you're his son. Kaya umiwas ako sa'yo. Inakala kong hindi kita pwedeng mahalin. Okay lang sa'kin na masama ang isipin mo kahit nasasaktan ako. Dahil inakala kong tama ang ginagawa ko. Isa pa, si Dad ang nakiusap sa'kin na itago sa'yo ang tungkol sa pagkatao ko." Patuloy niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon