Chapter 20.2

548 19 1
                                    

Napangiti si Cassie nang makita ang kinalabasan ng ayos niya sa mga bulaklak. Inayusan niya ang patio ng simbahan dahil may pictorial na gaganapin doon pagkatapos ng seremonya. Artistic si Thia kaya kailangang paganahin din ang art mind niya. Ayaw ni Thia na sa loob pa ng simbahan ganapin ang pictorial. Gusto naman daw nitong maiba.

Wala namang partikular na motif ang kasal ni Thia. Rainbow ang gusto kulay na makita nito dahil ganoon daw nito inilalarawan ang buhay nito ngayon kasama ni Seoff. Kaya isang laced dress na kulay dilaw na may design ng pula ang suot niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang maalon-alon na buhok. Naglagay lamang siya ng floral pin sa gilid ng ulo niya bilang accent. And for a change, hindi siya nagsuot ng gloves sa kamay. Wala na siyang dahilan upang itago ang pilat niya. She wanted to embrace her past like hoping for brighter days ahead.

"Beautiful." Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Amber. Lumapit ito kasama nina Cleo at si Geri.

"Salamat." Nasisiyahan niyang tugon. Kumapit si Cleo sa baywang niya. Iba't-ibang kulay at yari ang suot nilang dress ngunit malalapit at blending naman ang kulay. Silang apat ang bridesmaid.

"Kulang pa daw ang entourage." Ani Amber habang inililibot ang buong patio.

"Sinong hinihintay?" tanong niya.

"Partner mo." Si Geri ang sumagot. Tiningnan niya ito. Hindi siya nakasagot.

Si Lourd ang tinutukoy nito. Nang dumating ang invitation niya sa Bukidnon ay kaagad niya iyong binasa at nakitang nakatapat ang pangalan ni Lourd sa kanya. Kaagad na nag-iba ang tibok ng puso niya nang makita iyon. He had the same effect to her. Walang pinagbago. Tila lalo pa iyong tumitindi dahil sa tagal nilang hindi pagkikita.

Ang tanging gumugulo sa isip niya ay kung gusto pa ba siya nitong makita. Baka nga ayaw nitong makapareha siya kaya hanggang ngayon ay wala pa ito. Nalungkot siya sa isiping iyon.

"Sa tingin mo dadating siya?" tanong sa kanya ni Cleo. She was forced to smile.

"Oo naman." Si Amber.

"Cassie?" Si Cleo na sa kanya nakatingin.

She searched for answer. "Ahm...ewan ko. Sana. Pero baka hindi rin."

"Hinihintay mo ba siya?" Si Geri naman ang nagtanong hawak nito ang isang piraso ng tulips.

"Dapat ba hindi na?" patanong niyang sagot.

"Why not?"

She sighed. "Ano bang dapat kong asahan? Ako ang lumayo sa kanya. At hindi ko naman sigurado kung may nararamdaman siya sa'kin nang umalis ako. Bakit ako aasa?"

"Miserable siya nitong mga huling bawan. Sa tuwing dadalaw kami sa club palagi siyang lasing." Si Cleo.

"Baka guilty lang." salo niya sa sariling nararamdaman. Ayaw niyang paasahin ang sarili. Mas masakit kung hahayaan niyang masaktan pa muli ng binata. She better be happy loving him afar. Kaysa naman ipilit ang sarili niya dito gayong galit naman ito sa kanya.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Cleo.

Hindi siya tumugon. Nagpalitpat-lipat lamang ang tingin niya sa mga ito. They wait but she only looked down. Hindi na niya kailangang saguitn ang tanong na iyon. Actions spoke louder. Wala naman siyang inililihim sa mga ito.

"Okay. Hindi ka na namin pipilitin. Let's go inside magsisimula na ang kasal." Si Amber.

"Mauna na kayo. Tapusin ko lang 'to." Aniya at magkasabay na umalis ang dalawa.

Doon na muna siya habang hindi pa nagsisimula. Tatawagin naman siya marahil kung dumating man ang partner niya o kung sisimulan man nang wala ang binata. Gusto muna niyang abalahin ang sarili.

Muli siyang kumuha ng ilang piraso ng peach rose at gumilid sa patio. Nakulangan siya ng lagay doon kaya dadagdagan niya. She was always fascinated when arranging. Pakiramdam niya ay isa siyang diwata na napapaligiran ng bulaklak. She can do anything she wanted. Maaari niyang ilagay ang gusto niya at sa tingin niya ay dapat kinalalagyan ng bawat isa. Dito niya nararamdaman ang pagiging malaya. At nare-relax siya sa tuwing makakatapos ng isang arrangement. She felt she achieved something big.

Inabot niya ang isang tulips ngunit bigla siyang nakaramdam ng panlalamig nang biglang may brasong pumulupot mula sa kanyang likuran. It seized her like a cloth. And the warmth was very familiar.

"I missed you so much." Anang nag-iisang tinig na kanyang pinahalagahan sa buong buhay niya. Kumalat sa mukha niya ang init na nagmumula sa labi nito. Wala sa sariling napapikit siya. Nabitawan niya ang hawak na bulaklak...

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon