Sa Edsa Shangri-la ang usapan ng mag-asawang Fortes at ni Cassie. Tumawag siya sa bahay at sinabing mahuhuli siya ng uwi. Ipinaalam din niya na ang mag-asawa ang kasama niya. Hindi siya patatahimikin ng tawag ng lolo niya kapag nagkataon.
She made her entrance to the restaurant. The place shows elegant yet relaxing ambiance. Its setting was a classic English steak house. Ang mga dorset round table ay binagayan ng mga Cheswick folding chairs. Mangilan-ngilan pa lang ang tao noon.
Inilibot niya ang kanyang paningin habang pumapasok sa loob at sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang ama na naktungo sa cellphone nito at tila katatapos lang makipag-usap. Kaagad niya itong nilapitan.
"Hi. I'm sorry I'm late." Bati niya sabay hingi na rin ng paumahin.
"That's fine. Hindi pa naman ako nagtatagal." Sagot nito habang itinatago ang phone.
"W-Where's Tita?" Takang tanong niya.
"Nagkaroon ng emergency sa hospital. Siya nga ang kausap ko bago ka lumapit."
"Oh." Nanghihinayang niyang sabi.
He sounded calm but under it was a clan of sadness and anger. Hindi nakaligtas sa kanya iyon. It was enough to feel something not good. But whatever discomfort she felt, it remained on her learning that it shouldn't be talked about.
"So, I guess it leaves to the two of us." Sabi niya sa kabila ng pag-aalinlangang nararamdaman.
"I guess so." He answered. "Let's order, Gutom na ako."
"Okay." Lumingon siya upang tumawag ng waiter ngunit naunahan siya nito.
Dahil sa pagod ay light meal lang inorder ni Cassie. Gusto niyang pagdating sa bahay ay matutulog na lang siya. Ayaw na niyang makapag-isip ng kung anu-ano.
"Someday, I want to see your hands without that cloth." Anito tukoy sa gloves na suot niya.
"I may wear this thing but it doesn't mean..." the air brushed out to her. Paano ba niya ipapaliwanag na ayaw lang niya na laging pansinin ang mga palad? It always gave her insecurities and she felt so ugly seeing her scar.
"You know what I mean is more than that, hija. Kaya ko rin hiniling ang meeting na ito ay gusto kong ang asawa ko ang mag-counseling sa'yo. Nangyari lang na may kailangan siyang asikasuhin. You have to move on. At magagawa mo lang 'yon kung uunahin mong alisin ang nakatakip sa palad mo."
"This is supposed to be a dinner with you not a session." Sagot niya na pilit itinatago ang umahong inis. Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito. May pakiradaman siyang hindi gusto ng asawa nito ang makita siya. Ramdam niyang iyon. Hindi naman niya ito masisisi. Siya ang bunga ng pagtataksil ng kanyang ama dito at sa pamilya nito.
"I'm sorry." He said in a small voice. "Mahal kita at gusto kong sumaya ka na. Ayoko nang makita kang laging may takot. Your nightmares are over."
She extended her hand to reach his and tightly hold it. Ipinaaabot pasasalamat sa ilang taong pagsuporta at pagtulong nito sa kanya. Higit pa sa pagiging abogado ang ginampanan nito. Nagtagumpay naman ito. At ginagampanan naman nito ang pagiging ama sa kanya.
Muli silang nag-usap ng lolo't lola niya at sinabi niyang gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang sariling kilalanin ang tunay niyang ama. Karapatan niya iyon. Gusto niyang makaranas muli ng pagkakaroon ng magulang. Kahit isa lang. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya.
Hirap man ay pumayag na rin ang lolo niya. Mabuti na lang at sinuportahan siya ng kanyang lola. Pinasalamatan niya ang mga ito.
"Alam ko kaya nga ginagawa ko ang lahat." Anas niya. She shook her head to dismiss her tears.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...