Malaki ngunit tahimik ang foundation na pinuntahan nila Lourd. Katabi ito ng simbahan at doon sila unang nagpunta. Sandali silang nanalangin at habang mahinang nag-uusap ay noon dumating ang Father Ruel na sinasabi ni Lourd. He man was a good aura. Hindi katakatakang maging pari ito. He was like a light for words. Masarap itong kausap.
Nag-aampon ang institusyon ng mga kabataan na wala nang pamilya. May mga nakatira din doon na mga babae at lalaki na minsan nang napariwara ang buhay. The institution shelters them by the help of donations. At isa na ang pamilya ni Lourd sa tumutulong doon. Nabanggit pa nga ni Lourd na parang gusto nitong mag-ampon ng isang bata mula sa institusyon. Ngunit sinabi ni Father Ruel na marami pang legal na usapin ang kailangang pagdaanan. At wala pang sapat na oras ang binata para doon. She liked the idea. Dahil hind rin naman siya nalalayo sa kapalaran ng mga naroroon. Lahat sila ay biktima ang karahasan. Siya nga lamang ay may lolo't-lola pang nag-aaruga sa kanya.
"Mag-ikot ikot lang ako." Paalam niya kina Lourd.
"Balik ka kaagad." Pabulong pa na bilin ng binata sa kanya. That whispered lingered into her ears that gave her shivers. Hindi iyon nakaligtas kay Father Ruel kaya ngumiti ito. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.
"I will." Nasabi na lang niya at iniwan na ang mga ito.
Naglakad-lakad siya. Nagsisilbi na ring reatreat house ang likod na bahagi ng lugar kaya parang isang tagong hardin ang lugar. Alagang-alaga ang mga halaman at may mga benches upang pagpahingahan. Dineretso niya ang gilid ng gusali pababa at sa pagliko niya ay sumalubong sa kanya ang playground ng mga bata. Napangiti siya nang makita ang naglalarong bata doon. May mga nakabantay na madre at attendant sa mga ito.
The place was playful yet solemn. Tanging mga tawa ng mga bata ang maririnig at ang ingay na nililikha ng mga swings at seesaw. Doon na muna siya tumambay. Naupo siya sa isa sa mga batong benches at pinanood ang mga bata.
She envies them. How she wished she experienced a colorful childhood. Ni hindi niya naranasang makarating sa amusement park. Masyadong marahas ang kabataan niya.
Hindi na niya namalayan na nagtagal na siya roon. Nang maisip na baka hinahanap na siya ni Lourd ay tumayo na siya at nagpasyang balikan ito. Marahil tapos na itong makipag-usap kay father Ruel.
Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad pabalik sa main lobby kung saan iniwan sina Lourd. Ngunit natigilan siya nang nasa bungad siya at makita si Lourd at si Amanda.
Natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makitang magkadikit ang mga labi ng mga ito. At tila hindi alintana ng mga ito kung may ibang tao roon.
Pakiramdam ni Cassie ay biglang nanikip ang dibdib niya kasabay ng tila pagsakit ng ulo niya. Anong ginagawa ni Amanda sa lugar na iyon? Bakit nito kasama si Lourd at kahalikan pa? Are they still together? Ngunit bakit pa siya isinama ni Lourd sa bakasyon iyon kung may relasyon pa ito at si Amanda? Tama ba ang kanyang lolo na gagawing pananakit ni Lourd sa kanya? Was she not enough? Was she not worth it?
Nakita niyang kumilos ang mga ito upang tila ang maghiwalay at naisip niya na baka makita siya kaya mabilis siyang nagtago. Sumandal sa pader ng lobby sa labas. Natutop niya ang sariling bibig dahil napaiyak na siya. Noon niya tinakpan ng sariling palad ang mukha. She was really crying because she was hurt. Paanong nagawa ito ni Lourd sa kanya? Bakit siya? At bakit kay Amanda pa?
"Miss, okay ka lang?" anang isang tinig na nagpagulat sa kanya. Luhaan niya itong nilingon.
"Miss? May problema ba?" muli nitong tanong. Umiling siya saka tumingin palayo.
"Halika sa loob." Anyaya nito ngunit mariin siyang tumanggi.
Hindi na niya ito sinagot at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ngunit hindi na niya nilingon iyon. Narinig niya muli ang patawag. Binilisan niya ang paglalakad. Para siyang nasa kawalan. Biglang naglaho ang maganda at masayang tanawin at napalitan iyon ng madilim na kapaligiran. Everything beautiful with him had just lost.
Ang mabilis na lakad niya ay napalitan ng pagtakbo sa kagustuhang makalayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...