Mabilis ang galaw ni Cassie sa dance floor. Hip-hop night at launching party na isang movie soundtrack ng isang Hollywood dance film. Roxy City ang napiling venue dahil LinkMusic ang distributor ng naturang soundtrack.
Suot ang bionic themed costume ay pawisan sina Cassie na nagru-routine. Mismong amerikanong choreographer ang kasama nila. Welcome party rin nila ito sa naturang sikat na choreographer.
Inspired na inspired siya. Wala siyang pakialam kahit na mahirap ng choreography ang ipinagawa sa kanila dahil sa tema ng pelikula. Kailangan iyon para sa promotion ng album. At bilang sila ang pinakasikat na dance troupe sa bansa ay hindi nakakapagtakang sila ang magpresent noon.
Walang ibang ingay na naririnig sa buong club kundi ang malakas na up beat song na sinasayaw nila. Madilim ang buong paligid at ilang laser lights lamang ang nag-iilaw sa kanila. Luminous ang suot nila kaya humahalo sa up beat pero gothic na effects ng performance nila.
She made her full turn. Napangiti siya. She made it perfectly. Nagpatuloy ang hard hitting dance nila at pawisang nakipagsabayan sa tugtog.
Natapos ang tugtog kasabay ng outro pose nila. Kasunod noon ang pagliwanag ng paligid. At inaasahan na niya ang kasunod na nangyari. People shouted and clamored in response. Hindi itinatago ang paghanga at kasiyahan sa nasaksihan. Umalingawngaw ang tinig ni Eben Jay.
"Give it up for, Bam Lewis!" pakilala nito sa amerikang choreographer at nag-ingay ang buong club.
"Whew!" sigaw pa nito. "Thank you, 'Xquizit for the great, smashing, daring performance. More applause, people!!"
Kumaway sila at sabay-sabay na nag-bow bilang pasasalamat. Hindi maikakailang nag-enjoy ang lahat ng naroroon.
Nagtatawanan silang pumasok sa artists lounge. Si Bam naman ay inasistehan patungo sa sarili nitong dressing room. Hindi sila makapaniwalang nagawa nilang napakahirap na dance routine na itinuro sa kanila ng banyagang choreographer.
"Damn, magpapa-spa ako, promise. Ang sakit ng katawan ko." Reklamo ni Geri.
Tumawa si Thia. "Bakal 'ata ang katawan ni Bam."
"Hoy, Anastacia. Pinanood ka ng ex mo." Aniya habang nagpapalit ng damit. Bago silang magpunta sa dance floor ay nakita niya sa Seoff Munez na nakaupo hindi kalayuan. Marahil sinundan nito ang kaibigan niya.
"Weh? Di nga? Hindi 'yon mag-aakasaya ng oras dito." Ani Thia.
Umangat ang kilay niya. "Nakita ko nga s'ya."
"Cassie's right? Nakita ko rin s'ya." Si Amber.
"See? Arte neto. Kilig ka 'no?" panunudyo niya.
Umismid ito. "Wasted na 'ko pero hindi mangyayaring kikiligin pa 'ko sa kanya. Tigilan mo nga ako, Cassandra."
Nagtawanan sila. Halatang pikon si Thia. Hindi kayang itanggi ni Thia na mahal pa rin nito ang ex-boyfriend nito kahit panay pa rin ang away ng mga ito sa muling pagkikita ng mga ito.
Nakarining sila ng katok.
"We're good! Come in!" sigaw ni Cleo sa intercom nang masigurong nakadamit silang lahat. Sound proof kasi ang kwarto kaya kailangang may ganoon.
Bumukas ang pinto. Iniluwa noon kundi Lourd.
Kaagad na nag-iba ang tibok ng puso niya Cassie nang makita ito. Mataktika siyang tumalikod kunwa'y abala sa mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...