Chapter 16.3

387 12 0
                                    

"Pagod ka na ba?" tanong ni Lourd kay Cassie. Noon ay papasok na siya na ng cottage at natigil siya upang harapin ito.

"Hindi pa naman." Nag-iisip niyang tugon. Alas-kwatro pa lang ng hapon at kahit na marami silang ginawa buong araw ay hindi naman siya nakakaramdam ng pagod. Lalo na't kasama niya ang binata.

"May pinupuntahan ako dito kapag nakabakasyon. Gusto sana kitang isama." Sabi nito. Kumibot ang mga labi niya.

"Sige, okay lang. Sino bang pupuntahan natin?" sagot niya. Ngumiti ito.

"Si Father Ruel. Spiritual adviser ng family namin. Narito kasi ang chapel niya. Medyo matagal ko na siyang hindi nakakausap." Tugon nito. Tatangu-tango siya dito. Naalala niya bigla si Pastor Benjamin na naging spiritual support din niya noon kasabay ng counseling niya.

"I'll just go freshen up." Saad niya. Tumango ito.

"Hihintayin kita sa villa. You can change if you want." Saad nito at nakangiting umalis.

Nang maisara ang pinto ay hindi na siya nag-aksaya ng oras ay nagbihis na. Mabilis niyang binuksan ang dala niyang bag at naghanap ng maisusuot. Hanggang makita niya ang isang asul na asul na sheer dress. Nakangiti niya iyong inangat.

Mabilis siyang nakapagbihis. Nasa harap na siya ng salamin nang mapansin ang sarili. She spotted a different kind of glow. Iba ang kislap ng kanyang mga mata. Hindi maikakaila ang pagiging masaya niya. It was like she was looking at a woman not just a lady. Yes. She used to be lady. At binago lahat ni Lourd sa kanya kagabi. And that change was magnificent. Masaya siya roon.

Nagawi ang tingin niya sa kanyang mga kamay. Wala pa iyong gloves. Lantad na lantad ang pilat niya. Natitigilan siya. Wala pang alam si Lourd tungkol sa nakaraan niya.

Umangat ang ulo niya kalaunan. Nasa isip ang nabuong desisyon. Sasabihin na niya kay ang lahat. May tiwala siya dito. Matatanggap siya nito. At kung ano man ang mangyari sa araw na iyon aty sisiguruhin niyang si Lourd ang tanging nasa puso niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon