Chapter 6.3

403 15 0
                                    

Lourd felt a warm and tender touch from her. Hindi niya nagawang sawayin ito sa ginagawa. It was the first time he let someone touch his goatee. Kahit ang Mama at mga kapatid niya ay kinaiinisan niya kapag pinagdidiskitahan iyon.

"I have it since high school." Sagot niya saka tumawa. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa goatee niya.

"Naalala ko pa noong nagalit ang Mama nang malaman niyang nasuspend ako dahil dito." He just found himself sharing stories with her.

"Bakit?"

"Ako pa ang magtatanong." Nakataas ang mga kilay na sabi niya.

Lumabi ito. "Sige na, please."

He sighed. "Strict ang school policy namin noon, alam mo naman sa Catholic schools di ba? Bawal ang ganito, ganyan. Hindi pwedeng ganito, gayan. But I'm the one who love breaking some rules. Umabot ng third offense ang notice sa'kin kaya, isang linggo akong bakasyon. Napilitan tuloy na ang Papa na ang kumausap sa school principal.

"Pagdating sa bahay, para akong nasa cross examination na ginigisa ng Papa. Daig ko pa ang kriminal sa klase ng pagtatanong niya. Ako yata ang pinagpraktisan niya para maging magaling na abogado, eh. But it never made me shave it." Sagot niya habang natatawa. Narinig niya ang pagtawa nito.

"May gusto ka pang gawing iba?" tanong niya kalaunan habang nakatingin pa rin sa malayo.

"Mmm...ikaw." Anito. Kumilos ito at ibinaba ang mga paa upang muling isuot ang wedge nito.

Nang makatayo ito ay hindi niya napigilan ang sarili. Hinila niya ito at muli itong napaupo. Bumagsak ito sa kandungan niya. Hinagip niya mukha niya at walang babalang hinalikan. The kiss has different touch his time. The kiss was smooth and slow like nicely sculpturing a masterpiece.

He was hypnotized and patronized by the kiss. He slowly moved his lips to explore her inside. Marami nang labi ang pinangahasan niyang halikan ngunit iba ang epekto ng mga labing iyon sa kanya. Mababaliw siya kung hindi siya tutugunin nito. It was like he always waited for her lips. Na parang siya lamang ang nais niyang hahalik dito.

They were both gasping for air after that hot cracking kiss. Biglang nakaramdam si Lourd ng lamig at bigla at natakot siya na nawawala ito kaya mahigpit niya itong niyakap.

"Don't you feel the attraction between us?" bulong niya dito habang yakap ito.

"Ano bang sinasabi mo?" tila nagpipigil ng damdamin nitong tanong. Nagawa pa niyang matawa kahit hirap na siya sa paghinga. Pilit pa rin kasi ito sa pagtanggi sa damdamin nito.

"You don't follow rules, Cassandra. Dapat sasagutin mo ako." Sabi niya at hindi na ito nagsalita. Humigpit na lamang ang yakap nito sa kanya. He smiled.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon