Chapter 16.5

399 10 2
                                    

Hindi alam ni Cassie kung paano siya nakabalik ng ranch house. Naupo siya sa sofa at mariing pumikit. Pagod na pagod siya. Kanina ay walang humpay ang pag-iyak niya. Mabuti na lang at malapit lang ang foundation sa ranch house kaya natandaan niya ang daan pabalik sa bahay.

Naisip niya si Lourd. Sigurado siyang nag-aalala ito sa kanya at lubhang magtataka sa bigla niyang pagkawala. Na binawi rin niya dahil naisip niya na kasama nito si Amanda. And they were enjoying each other's company. Napaluha siyang muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na gagawin iyon ng binata sa kanya. Ano ang nagawa niyang kasalanan kay Lourd? Marahil ginagantihan siya nito. Dahil nasa isip nito na may relasyon siya sa ama nito. Lalo siyang napaluha. Kung alam lang sana ni Lourd ang totoo.

Huminga siya nang malalim habang nakapikit. Bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganito? Bakit pinahintulutan pa ng kapalaran na makilala niya si Lourd at mahalin ito? She was willing then. Handa niyang kalabanin ang takot niya para lamang sa binata. Pagkatapos ay ganoon lamang ang makikita niya. She was deceived. She felt she was betrayed. At sa huling tao pang iisipin niyang gagawin iyon sa kanya.

"Tama ako. Iiwan ka rin niya." Anang isang tinig at napasigaw siya sa gulat. Luhaan niyang hinanap ang pinanggalingan noon. Nakita niya ang isang bulto na nakapamaywang na nakatayo sa hindi kalayuan. Si Amanda!

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon