Hindi alam ni Cassie kung bababa o bubuhayin ang makina ng kotse niya. May kalahating oras na siyang nasa parking lot ng Ortigas Center sa harap ng Tektite Tower.
Ngunit alumpihit man ay pumasok pa rin siya sa building. Nasa nineth floor ang Fortes-Diomidez Associates. Pagkacheck ng guard sa kanya ay dumiretso siya sa reception area. Sinabi niya ang pangalan niya at kung sinong pakay. Nag-iwan siya ng ID at binigyan naman siya ng visitor's ID. Saka tumalikod at nagbuntong-hininga. Tinungo niya ang elevator.
Muling huminga ng malalim si Cassie habang nilalakad ang pasilyo. Tumapat siya sa front desk at nginitian ang receptionist.
"Yes, ma'am?" nakangiting tanong ng babae.
"Is Judge Fortes around?" sagot niya dito.
"Can I have your name, please?" muli nitong tanong.
"Mara Cassandra Dillan. But if his busy, its fine. I can go back." Alanganin niyang sabi. Biglaan ang dating niya kaya baka hindi siya maharap nito.
"Let me check first ma'am." Tumayo ang receptionist sabay turo waiting area at pumasok sa loob.
"Maam, the judge wants to see you." Saad nito sa kanya pagbalik nito. Binuksan niya ang pinto.
"Please feel comfortable." Nakangiting sabi sa kanya ni Judge Romero nang maisara niya ang pinto.
Malaki ang opisina nito. Malinis at magarbo. Sa gitnang dulo ay ang computer workstation. Malapad ang L-curve na mesa. Sa harap nito ay dalawang visitor's chair. Sa gilid ay isang book shelf. Pinili niyang maupo sa corner sofa na tulad ng inupuan niya kanina. Ang pagkakaiba nga lamang ay ang kulay, kanina'y itim ngayon ay mahogany.
"Hindi ko inaasahan ang pagdating mo. Alam ba ito ng lolo mo?" Panimula nito habang nakatayo at nakapamulsa.
Hindi siya tumugon at sumandal sa sofa. Hinayaan muna niya ang sarili na mag-ipon ng lakas. Hindi pa rin siya sigurado kung tama ang naging desisyon niya sa pagpunta roon. Umupo ito sa tabi niya. Itinukod ang mga siko sa tuhod nito.
"I can sense na seryoso ang dahilan mo, hija. Ayokong isiping tumakas ka." His face looks serious but not intimidating.
"Hindi naman po sa ganoon, Attorney. May mga gusto lang po akong itanong sa inyo." Humihingi ng paumanhin niyang saad. Bahagya itong ngumiti.
Nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang bumungad sa kanya si Amanda. May dala itong isang tray na may lamang dalawang tasa ng kape. Kung nagulat man ito ay hindi nito ipinahalata. At ganoon din siya. Pilit itong ngumiti at ipinasok ang dala.
"Here's your coffee, Sir." Saad nito habang ibinababa ang tray sa glass center table.
"Thank you." Sagot naman ni Attorney.
"Sir, tumawag po si ma'am Carmela. Ipinaalala po niya ang lunch date ninyo." Sabi ng sekretarya na sa huling salita nito ay tumingin sa kanya.
"Okay, thank you." Sabi nito sa paraang pinapalabas na ang secretary.
"So, let's talk about your purpose. And just call me, Tito Rom." Nakatingin sa kanyang saad nito nang makalabas ang secretary.
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago magsalita. Lalo siyang naguluhan dahil kay Amanda. Hindi kaya't may kinalaman si Lourd dito? Fortes ang apelyido nito. At si Amanda? Ano at bakit tila nagtatrabaho ito sa law firm na iyon?
"S-si Papa..."
"He's still in jail." Agap nito. "Don't worry. Hindi siya ang dahilan ng pagpunta namin sa inyo kagabi. It was more important than that."
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...