Chapter 19.1

471 16 0
                                    

Six months later...

Nahilot ni Lourd ang sariling sentido matapos tanggalin ang headset. Kakatapos lang niyang pakinggan ang sample demo ng isang composer na gusto ring pumasok sa LinkMusic bilang singer. Hindi niya dapat papansinin ito ngunit hanggang unit niya ay sinusundan siya nito. The guy was really serious.

He wanted to give him a chance. Ngunit paano niya gagawin iyon kung ganoong walang maganda sa material nito. Ni walang kantang pwedeng pumatok sa airwaves. Hindi niya malaman kung pop o emo ang musika nito. Kung minsan nga ay nariringgan pa niya ng novelty ang lyrics nito.

"Anong kukunin ko dito. These are all trash." Inis niyang sabi kay Seoff. Dinalaw siya nito noong araw na iyon.

"Baka pwede natin siyang hingan ng ibang demo." Tugon nito habang nakaupo. Siya ay pabalik-balik sa loob ng studio. Sa kamay ay isang basong may alak. Inisa niyang lagok iyon. He never drink at work. Ngunit iyon na ang naging habit niya nitong huling limang buwan.

"That is his best. Paano ko pa siya bibigyan ng gig sa club? Gusto mo bang ganyang kanta ang marinig ng tao sa Roxy? You want my club to be cheap?" pikon niyang tugon. Lumapit siya sa counter table at inabot ang bote ng alak. Muli niyang sinalinan ang baso niya.

"Nakakarami ka na. Take a break." Malumanay na saway ni Seoff sa kanya. He winced. Ininom niya iyon.

"Patatawagan ko 'yang Nelson Ben na 'yan. I'm not interested." Sabi niya.

"Pero kailangan mo ng talent para sa Roxy. Unless bumalik sina Amber."

Hindi pa muling bumalik ang 'Xquizit sa club. Dahil sa nangyari kay Cassie ay nagdesisyon ang mga ito na umalis muna. Hindi rin naman daw kaya ng mga ito. Hindi siya pumayag noong una. Kahit si Roxanne na nagmadaling bumalik galing Italy nang mabalitaan ang nangyari ay ayaw pakawalan ang grupo. Asset ang troupe sa club at halos kalahati ng market nila ang mawawala. Subalit sadyang basag ang performances ng mga ito simula ng maospital si Cassie. Kaya wala silang nagawa ni Roxanne kundi pagbigyan ang mga ito.

"Wala akong pakialam sa kanila!" angil niya dito. He breathed out. Muli siyang uminom. This time, hindi na niya binitawan ang bote at panay na ang salin ng alak sa baso niya. He was tipsy. Hindi. Lasing na siya.

"Paano ka makakahanap ng talent kung ganyan ka?" Anito.

"Ano ba ako?" lukot ang mukha niyang tanong dito.

"You're shit." agap nito. Hindi siya nakatugon. Tumayo ito at akmang aalis na. "Baka gusto mo 'tong tingnan. Ayaw iabot ni Thia sa'yo. Wala ka raw sa sarili mo eh."

Mula sa likod na bulsa ng pantalon nito ay inilapag nito ang wedding invitation nito. Tumingin siya dito matapos pasadahan ng tingin ang invitation.

Wala na itong sinabi at lumabas na. Nang maiwan ay galit na inihagis ang baso at nabasag iyon. Siya mismo ay hindi alam kung kailangan siya babalik sa dati. Kung hanggang kailan siya mangunuglila. Sa babaing tanging minahal niya nang matindi pa sa sarili niya.

Nagtagal pa na comatose si Cassie. At sa bawat araw ng buwang iyon ay walang kapaguran niyang inalagaan at binantayan ito. Gusto kasi niyang siya ang unang makita nito sa oras na magising ito.

Ang isang buwan ay naging dalawa. Inip na inip na siya ngunit hindi siya nawala ng pag-asa. Hanggang sa tugunin ang dasal niya. Cassie woke up. Walang pasidlan ang kaligayahan niya. Subalit sandali lamang iyon. Isang araw pagdating niya sa ospital ay nagulat na lang siya nang wala na ito. Nakalabas na daw ito.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon