"This is it." Ani Lourd nang maihimpil ang kotse. Sinilip niya ang kabahayan. May ilaw pa ang sala. Hindi pa nakasara ang bahay. Hinihintay pa siya siguro ng lola niya.
"Salamat. I had a good time." Sabi niya sa binata nang harapin niya ito.
"Talaga? Kahit na..." nakaangat ang kilay nitong tugon.
"Oo nga. Eh 'di huwag kang maniwala." Aniya. Ngumiti naman si Lourd.
"Okay, naniniwala ako." Sabi nito at sabay silang napabuntong-hininga. Pareho tuloy silang napatawa.
"I have to go." Saad niya.
"Sige. Goodnight." Tugon nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya upang marahil magpaalam. She waited.
Inasahan niya na pisngi lamang siya nito hahalikan ngunit dumampi ang labi nito sa kanyang labi. Muli ay napapikit siya dahil sa sensasyong nararamdaman niya.
The kiss was tender and passionate. Humihingi ng tugon at hindi naman niya ipinagdamot ang pagtugon. She opened her mouth to welcome his kiss. It became more intense. He tasted him inside. Hinawakan niya ang pisngi nito. Patuloy pa rin ang paghalik nito na siya namang tinutugon niya. She cannot but to kiss him back.
Naramdaman niya ang pag-abot nito sa mukha niya upang lalong ilapit siya dito. His mouth opened wider. Lumawig ang pagnanasang nararamdaman niya. Narinig niya ang marahas nitong paghinga sa pagitan ng mga halik nila.
"Lourd." Anas niya nang minsang makawala sa mga labi nito.
"I want you, Cassie." Agap nito at muli siyang siniil ng halik.
Hanggang kumilos ito patungo sa kanya at walang sabi-sabing naibaba nito ang recline ng upuan niya. That made her almost lying. Pumatong ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba. Baka mahuli sila.
"B-baka may makakita sa'tin." Bulong niya dito.
"Wala. Tulog na sila." Saad nito at muli siyang hinalikan. She felt electrified. Paano niyang nagagawang tapatan ang intensidad ni Lourd?
"Lourd." Pigil niya nang bumaba ang labi nito sa kanyang leeg. Tila mauubusan siya ng hininga dahil sa kakaibang kiliting kanyang nararamdaman.
"Yes." Anas nito sa gitnang ng paghalik. His hands were moving everywhere. Nakapasok na iyon sa lood ng dress niya. Massaging her thighs and legs. She got alarmed. Hindi niya kayang pahintulutan ang maaaring mangyari. Baka may makakita sa kanila. Isiping nasa labas lamang sila ng tahanan niya.
"Lourd, no." buong pagpipilit niyang saway dito. Tumigil ito sa ginawa. "Hindi tama 'to."
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa nito at napipilitang kumalas sa kanya. Muli itong humarap sa manibela. Inayos niya muli ang kanyang upuan.
"I just-"
"It's okay. Naiintindihan ko. Sige na. Pumasok ka na sa loob." Tugon nito ngunit naroon ang panghihinayang. But he smiled.
"Goodnight."
"Mag-iingat ka." Sabi niya saka bumaba. Isinara niya ang pinto ng kotse at kumaway bago pa nito pinausad ang sasakyan.
Sinalubong siya ng kanyang lola nang marating niya ang living area. Nagmano siya dito pero nagpaalam na ring matutulog na. Ngumiti ito sa kanya.
"Sana'y 'wag ka nang magtampo sa lolo mo. Nag-aalala lang 'yon sa'yo." Sabi nito bago siya umakyat ng hagdan.
"Granma, hindi naman mangyayari 'yon. I love you, both." Tugon saka tuluyang umakyat.
Pagdating sa kwarto niya at kaagad niyang inalis ang wedge sandals niya. Saka isinunod ang gloves. Napatingin siya sa pilat. Naupo siya sa kama habang nakatitig sa mga palad niya. Magaling na ang sugat. Halos kakulay na ng balat niya ang pilat sa dalawa niyang palad pero halata pa rin dahil nakaumbok iyon.
Inaalis naman niya ang kanyang dress nang mag-ring ang cellphone niya. Si Lourd. Napuno ng excitement ang dibdib niya.
"May nakalimutan ka ba?" bungad niya nang sagutin niya ito.
"Meron." Anito.
Napahagikhik siya. "Hmm, let me guess. Nakalimutan mong mag-thank you kasi nag-enjoy kang kasama ako."
Narinig niya ang pagtawa nito. "Ahm, yeah."
"Oh, are you driving? We should hang up. Delikado ang ginagawa mo." sabi nito. Tumapat siya sa kanyang bintana.
"Mas delikado ang ginagawa mo." Sabi nito na ikinataka niya.
"Ako-"
"You're making me fall for you, Cas." Sabi nito. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone niya saka mariing napapikit. "Hindi ba't delikado 'yon?"
"May choice ka namang labanan 'yon." Kinikilig niyang sagot.
"Alam ko. But I choose to let the danger take me."
Hindi niya mapigilang mapatawa. "Talaga lang, ah."
"I'm serious. Gusto talaga kita." Agap nito na tumapos sa tawa niya. Wala sa loob siyang napahawak sa dibdib niya dahil sa bilis ng tibok niyon.
"A-Ako din." Halos pabulong niyang tugon.
"I think that closes something between us. Agreed?" Saad nito.
"Ows?" pagbibiro pa niya sabay hagikhik. Sa totoo lang ay wala naman siyang pagtutol doon. Sa katunayan ay para siyang inililipad sa alapaap nang mga oras na iyon.
Tumawa ito. "Don't do that."
"Ang alin?" painosente niyang tanong.
"That teasing sound. Lalo akong mahihirapang mag-drive n'yan." Tila reklamo nito.
She sighed. "Fine. Sige, uuwi ka pa. Goodnight."
"Night. Sweet dreams, honey. My bed will surely miss you." Pabulong nitong tugon.
Mariin siyang napapikit kasabay ng tila boltahe ng kuryenteng kumalat sa kanyang buong katawan. "Bye, Lourd."
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...