Chapter 18.2

450 14 0
                                    

"Hindi mo ba ipapagamot 'yang kamay mo?" anang tinig ng kanyang ama kay Lourd na lumapit sa kanya. Napansin niya ang dala nitong envelope. Marahil kagagaling lang nito sa presinto.

Naroon siya sa labas ospital at nakaupo sa isa sa mga benches na naroon. Doon siya nagpalipas ng galit at sama ng loob.

Tiningnan niya ang mga kamay. May sugat ang bawat likod ng darili niya. Natuyo na rin ang dugong naroroon ngunit hindi iyon pinansin. Ni hindi nga niya ininda ang sakit. Mas nagpapabigat ng kalooban niya ang kalagayan ni Cassie.

"What now?" tanong niya sa ama. Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya.

"Ako nang bahala sa lahat. Kung kinakailangang makulong si Amanda ay mangyayari. Kailangang lang ng official statement mo at ni Cassie." Sagot nito.

"Nasaan s'ya?" muli niyang tanong.

"Detained." Anito.

"Gusto ko s'yang makausap." Aniya.

"Huwag na." pigil ng kanyang ama. "Galit ka at hindi maganda 'yan. Maaaring makaapekto sa kaso. Don't worry I'll handle everything."

Hindi na siya tumugon at nagbuga na lang ng hangin. Nakaramdam siya ng kirot sa kamay niya dahilan upang mapangiwi siya. Nanginginig na rin ang kamay niya.

"Pumasok ka na muna sa loob at ipagamot mo 'yan." Utos nito ngunit hindi siya sumunod.

"Pa'nong nangyari ang lahat ng 'to, 'Pa? Bakit kailangang mangyari 'to?" he asked in weariness.

Tumabi ito sa kanya at narinig ang malakas nitong pagbuntong-hininga. "This is my entire fault."

Nilingon niya ito. Hindi dahilan ng malamlam ang ilaw na naggagaling sa mga poste doon upang hind niya maaninag ang lungkot sa mga mata nito. He also seemed troubled. Halata ang pagod. Naawa siya dito.

"Hindi ko alam kung ano ang unang dapat maramdaman. Kung ano ang dapat unang sabihin. Who to confront. Who to ask. Litung-lito na rin ako. I am devastated as you. Lalo na't wala pang kasiguraduhan ang paggaling ng anak ko." Sabi nito.

Marahas siyang napatitig sa kanyang ama. Sabay sikdo ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano iintindihin ang sinabi nito.

"What exactly do you mean?" nagbabadya ang galit niyang tanong.

Nagbaba ito ng tingin. "Hindi ko pa ito nasasabi sa inyong magkakapatid. I...I had an affair few years back. Wala ka pa sa buhay namin ng mama mo. Her name is Elaine. Cassandra's mother."

"'Pa!" hindi makapaniwala niyang bulas. Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo kaya tila nag-iinit iyon. Anumang oras ay alam niyang sasabog na siya.

"I'm sorry, anak. Iyon ang totoo. In fact, ito ang ilang linggo na namin pinagtatalunan ng mama mo. Hindi namin alam kung paano sasabihin sa inyo. Matagal na panahon na itinago namin 'to. Dahil nag-alala ako na magbago ang tingin n'yo sa'kin. Na isipin n'yo na wala akong kwentang magulang."

Marahas siyang tumayo. Nagpabalik-balik siya sa harap ng kanyang ama. Gigil na sinabunutan niya ang kanyang sarili.

Nagpatuloy ito. "Matagal nang panahon na wala akong balita tungkol Elaine. Itinago s'ya sa'kin ng daddy n'ya. Nagsisi ako. Malaking kasalanan ang nagawa ko. Nasaktan ko ang mama mo at nakasira pa 'ko ng buhay.

"After almost twelve years na wala akong balita, nakarating sa'kin na kailangan nila ng tulong. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong makitang muli si Elaine. Pero bigo ako. She's gone. All was left was Cassandra. Take a look at this."

Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong envelope. Dagli niya itong kinuha at nagtatakang binuksan iyon. It was a file. Maraming papel. Inisa-isa niya iyon at binasa. At ganoon lang ang pagkunot ng noo niya. He saw pictures, diagnosis, therapy reports, case file.

'Mara Cassandra S. Dillan.' Nabasa niya ang pamilyar na pangalan sabay tingin sa mga larawan. He almost broke down. Hindi na niya kayang tingnan ang kalunus-lunos na larawan na alam niyang si Cassandra. Tumingala siya. Parang mauubusan siya ng hangin.

"Biktima ng child abuse at domestic ang violence si Cassie at Elaine." Ang ama pa rin niya. "She was twelve when her mother died."

"S-sinong gumawa nito sa kanila?" he asked.

"Ang kinilala niyang ama." Sagot nito. Nanlulumong nagbaba ng tingin si Lourd. Parang hindi na niya kakayanin ang sasabihin pa ng kanyang ama.

"Ako ang humawak sa kaso. Ayaw noong una ng lolo n'ya pero nagpumilit ako. Gusto kong bigyan ng justice ang pagkamatay ni Elaine lalo na si Cassie. Ginawa ko ang lahat para mailigtas si Cassie. It was hard, Lourd. Seeing her almost dying. Hindi ko magawang tingnan ang mukha niya. At twelve, she had bruised like a useless being. Hindi tao ang naging pagtrato sa kanila. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na gagawin niya ang lahat. Walang lugar sa'kin ang kapatawaran. Sinaktan ng gagong 'yon ang anak ko at pinatay pa si Elaine." Mahabang saad ng kanyang ama.

"Sino si Cassie sa buhay mo?" nagngingitngit niyang tanong. Sana'y mali ang nabubuo sa isip niya. Sana.

"She's my daughter." Sabi nito.

"Oh, Jesus Christ! Bakit?!" sigaw niya. Parang nagsikip ang dibdib niya. Mabilis na namuo ang luha niya. Halos malamukos na niya ang mga hawak na papel dahil sa ngitngit.

"Pa..." tawag niya dito saka tiningnan ito. Umiiyak na ito.

"Forgive me. K-Kasalanan ko. Hindi ito mangyayari kung pinrotektahan ko lang s'ya. Hindi na sana siya nasaktan ni Amanda. Mas inisip kong hindi dapat malaman ni Amanda na pinaiimbetigahan ko s'ya. Matagal na akong may duda sa kanya. Pero dahil empleyado ko s'ya, inirespeto ko ang privacy n'ya.

"Hindi dapat mawala ang focus n'ya sa'yo habang isinasagawa ko ang plano ko. I've heard about the break up. Natuwa ako sa totoo. But I did nothing. Dahil baka isipin n'ya pinaglalayo ko kayo. Then the restaurant scene. Naramdaman kong pinagseselosan n'ya si Cassie. Kaya naisip kong madali kong mapapatunayan ang hinala ko kung hindi ako makikialam sa inyo. Hindi magdududa sa'kin si Amanda. But I was wrong. Hindi ko akalain na aabot sa ganito si Amanda. Na muling masasaktan si Cassie." Basag na ang tinig nitong sabi.

"Do you have any idea how I feel right now?" hinang-hina niyang tanong.

"Betrayed." Anito.

"Useless. Stupid. Heartless." Pagtatama niya. "Alam n'yo bang pinagdudahan ko kayong may relasyon sa kanya? I thought of many malicious things about you. Kaya ko s'ya dinala sa ranch house. Dahil gusto kong ilayo s'ya sa inyo. That she doesn't deserve you. That I deserve her! Akala ko pinuprotektuhan ko ang pamilyang 'to. Pero mali ako. Maling-mali."

"Ako ang nagsabi kay Cassie na 'wag na munang sabihin sa'yo ang totoo. Alam kong may namamagitan na sa inyo. Hindi ka magkakagano'n sa restaurant kung wala kang pagtingin sa kanya. Gusto kong magkasama kayo at magkaintindihan. Gusto kong tumibay ang pagtitinginan ninyo. Dahil panatag ako kung ikaw ang magmamahal sa anak ko. Sigurado akong hindi s'ya masasaktan sa'yo. We raised you with love. At gusto kong maramdaman din 'yon ni Cassie. She deserves happiness." Tugon nito.

Muli siyang naupo. He badly needed air and every space in the world. Hindi na niya alam kung paano mag-iisip nang oras na iyon. Subalit sa lahat ng nasabi at nalaman niya, iisa lang ang ayaw mawala sa kanya, si Cassie at tanging ito lang.

"Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang..." anas niya habang nakatanaw sa kawalan.

"Anak." Noon tumayo ang kanyang ama. "Halika na at baka maimpeksyon na 'yang sugat mo. At aayusin natin 'to. Pangako, aayusin 'ko ito."

Tiningnan niya ito habang lumalayo at muling pumapasok ng ospital. His world was so dusky. At kung ang madagdagan pa ang sugat niya ang paraan upang gumaling na si Cassie ay susuntukin niya lahat ng pader alang-alang dito. Alang-alang sa babaing mahal niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon